Ala singko na ng hapon nang maalimpungatan ako sa nakakakiliting dumadapo sa tenga ko. Laking gulat at inis ko nang mapagtanto kong pinagtitripan lang ako nang estrangherong porendyer na nakausap ko noong nakaraang araw. Halatang tuwang tuwa ito sa pinaggagawa sa'kin dahil sa ngisi nyang pagkalaki-laki kaya't agad ko naman syang sinamaan ng tingin.
"You're over sleeping like a dog on the floor HAHA." aniya habang ngingisi ngisi. Parang pamilyar sa'kin ang katagang 'yon ah. Kinunotan ko naman sya ng noo. Hudyat na inis na ako sa ginagawa nya.
"I heard your song earlier and it fits you HAHA over sleeping like a dog on the floor." Tinaasan ko naman sya ng kilay ngayon. Wala akong balak pagkaaksayahan sya ng laway, hininga at oras.
"You're listening to Pierce The Veil and Sleeping With Sirens huh." doon nya na nakuha nang husto ang atensyon ko.
"Kilala mo yung banda nila?" tanong ko.
"Yep. They're popular to US." ani nya habang nakacross arms pa.
"Okay." sagot ko pa para putulin na ang usapan.
"I even met Kellin once." patuloy pa nya at nakikinig lang ako habang nakatingin sa ilog Milagros.
"I visited Never Take It Off once when I was 19. when coincedentally, he arrived."
"I was about to go to the cashier when he approached me. He offered a signature to the bracelet I bought. I didn't know that it was his."
"I like the bracelet itself. The design and the tagline."
"Wrists are for bracelets, not for cuts."
"Wrists are for bracelets, not for cuts."Sabay naming sabi habang ako, nakatingin pa rin sa ilog.
"Fuck?! You really are a fan!" ani nya habang hindi makapaniwala at nanlalaki pa ang mga mata.
"Obviously." sagot ko.
Mahina naman syang napatawa. Kung may pakpak lang na itim itong lalaking 'to, iisipin ko na talagang sya yung lalaking nasa panaginip ko. Medyo malaki lang ang pangangatawan nya ng kaunti dahil siguro batak ito sa gym.
Ilang minuto pa ng katahimikan bago sya nagsalita ulit.
"Dito ako pinatira ni Papa." kwento nya gamit ang filipino language kahit medyo slang pa ito dahil sa accent nya.
"I am a badass, really- when I was in US." patuloy naman nya. Nakatingin na ulit ako sa ilog Milagros habang nakikinig at dumadampi sa pisngi ko ang malamig na hangin.
"I skip class, drink, go to bar, parties, chicc."
"I even failed almost all of my subjects."
"I don't have any direction. I was blinded to the college life where you would live free."
"And here I am- bayan? ng Milagos."
"Mi-la-gros." pagtatama ko naman sa kanya.
"Whatever." ani nya.
Napatingin naman ako sa relo ko. Ala sais na pala. Halos nalimutan ko rin na pupunta pala kami sa bayan ni Buknoy.
"Sibat na 'ko ah." paalam ko sa kanya.
"Huh?" tanong naman nya.
"I gotta go." sagot ko habang naglalakad na pababa ng burol.
"Ah, yeah. See you when I see you, girl in black!" napaikot naman ako ng mata dahil sa sinabi nya.
Girl in black, pwe.
Agad na akong umuwi. Pagdating ko sa bahay ay nakauwi na si mama at kasama si Daisy na kumakain habang nanonood ng TV sa salas.
BINABASA MO ANG
60 Days Summer Of Rosa (On Going)
De TodoIsa itong piksyon na naglalahad ng araw-araw na buhay ng isang lowkey na Rakista. Ngunit paano kung ang nilalang na gumugulo sa kaniyang panaginip ay isang malaking parte pala ng kaniyang pagkatao? Will the protagonist chase that man who once make...