HE CHEATED

5 3 0
                                    

"Love, nasaan ka?"

"Nandito ako kanila tita, bakit?"

Napakunot noo na lang ako sa kaniyang sagot. "Ano namang ginagawa mo diyan?" Tanong ko ulit.

"Ha?"

"Anong ginagawa mo diyan kako,"

Inabot ng halos isang minuto bago siya nakasagot. "A-ah.. Tinutulungan ko kasi si tita. Di ba sinabi ko sayo na pinapaayos niya iyong bahay nila?"

Napatango na lang ako kahit na hindi niya nakikita. "Ganoon ba?"

"Oo, bakit ano bang meron?"

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Nanatili lang akong nakatingin sa isang lalaki na nasa labas ng isang sikat na coffee shop-- ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan ko.

Tinapunan ko ng tingin ang upuan na kanina lang ay kinau-upuan niya at sa tapat nito ay may magandang babaeng nakakaupo at pinagmamasdan ang boyfriend kong ngayon ay nasa labas at kausap ako sa telepono.

"Hello? Love? Andiyan ka pa ba?"

Nang marinig ulit ang boses ni Kiefer ay napailing na lang ako at hindi ko napigilan ang aking pag luha.

Masakit. Oo, pero may tiwala ako sa boyfriend ko. At gustong gusto ko mang puntahan siya at sigawan ay hindi ko ginawa. Gusto ko munang makasigurado. Baka kasi kaibigan niya lang siya at nagkakamali lang ako.

"Ano na nga ulit yun? Sorry may nakita kasi ako kaya di ko na masyadong napansin ang sinasabi mo." sagot ko na lang.

"Tinatanong ko kung anong meron at napatawag ka?"

Napatawa na lang ako ng pagak. Bakit? Hindi na ba ako pwedeng tumawag sayo ngayon?

"Wala, sige na ibaba ko na to. I love--" hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay binabaan niya na ako. Nakita ko siyang inilagay ang cellphone sa bulsa niya bago pumasok sa loob at bumalik sa pwesto nila. Kitang-kita ng mga mata ko na hindi niya nga ito basta kaibigan lang. Dahil habang nagkwekwentuhan sila ay bigla niya na lang hinalikan sa labi ang kausap niya.

Dito na nagtuloy tuloy ang pag luha ko. Sobrang nasasaktan ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Mahal niya pa ba ako? Kailan niya pa ako niloloko? Minahal niya ba talaga ako? Ano? Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito?

Hindi ko na kaya pang panoorin ang taong mahal kong may kahalikan na iba. Tumalikod na ako at umalis na. Pero habang naglalakad ako pauwi ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang pati ang kalangitan ay nakikisimpatya sa sakit na aking nadarama.

---

Simula ng araw na iyon ay lagi ko na silang nakikitang magkasama. Sa school man o sa labas. At mukhang matagal na nila itong ginagawa dahil sanay na sanay na sila sa pag tatago.

Isang araw ng mapadpad ako sa canteen ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa lagi naming pwesto. Naghihiyawan at tawanan sila habang pinapanood ang boyfriend ko at si Serene na naghaharutan. Nakahilig sa balikat ni Kiefer si Serene habang sinusubuan siya nito ng fries. Kitang kita ko kung paano siya tumingin at ngumiti sa kaniya. Mga bagay na hindi ko nakita sa kaniya kapag ako ang kaharap niya. Napakasaya nilang tignan lahat. Halatang botong boto sila sa dalawa.

Akala ko masyado lang ako bulag at manhid para hindi mahalata na may iba na siya. Pero ang totoo ay hindi ko talaga mapapansin kasi kahit mga kaibigan ko ay pinagtatakpan sila. Hindi lang pala boyfriend ko ang nanloloko sa akin. Lahat sila.

Para akong pinipiraso. Ang sakit sakit. Masyadong masakit ang nakikita ko. Napaupo na lang ako at hindi ko na napigilang mapaluha.

Pagkalumo. Sakit. Awa. Ang dami daming emosyon ang lumulukob sa buong pagkatao ko. Pero ang galit ay hindi ko makapa.

Nakakatawa lang na kahit na niloloko na nila ako ay hindi ko pa ring magawang magalit sa kanila. Naisip ko kasi na baka kasalanan ko din kung bakit nila ako niloloko. Ewan. Di ko na talaga alam. Hindi na ako makapag isip ng tama.

Tumayo na ako at aalis na sana ng marinig kong tinawag nila ang pangalan ko.

"Lara,"

Lumuluhang hinarap ko sila. Nakita ko ang pagtayo nilang lahat, hindi siguro nila inaasahan na mahuhuli ko na sila. Bakas sa mga mukha nila ang gulat at pagkataranta. Ilang minuto rin kaming nagtitigan lang bago matauhan si Kiefer at humakbang palapit sa akin.

"L-lara, magpapaliwanag ako," nagmamakaawang hinawakan niya mga kamay ko pero umiling lang ako. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin atsaka ko pinunasan ang mukha kong puno nang luha.

"Hindi. Hindi mo kailangan magpaliwanag. Wala kang dapat ipaliwanag. Okay lang. Naiintindihan ko. Okay lang, okay? Okay lang. Sanay na ako." umiling na saad ko habang pinipigilan siyang lumapit. Batid kong marami ng nanonood sa amin pero wala na akong pakialam. Masyado na akong nasasaktan para isipan pa sila.

"L-love, love please. Makinig ka muna, let me explain p-please.." nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagka desperado. Pero masyadong na akong nasasaktan. Hindi ko na kakayanin pang marinig ang kung ano mang sasabihin niya. Umiling lang ako sa kaniya at lumayo ng bahagya.

"Okay lang, Kiefer. Hindi mo kailangan magpaliwanag. Naiintindihan ko. Kaya sana, maintindihan mo rin na ayaw ko na. Kasi niloko mo ako, eh. I gave my all. My heart. My soul. Nagtiwala ako na hindi mo ako sisirain, Kiefer. Nagtiwala ako hanggang dulo. Kaya hindi ko alam kung paano mo nagawa sa akin to. Lahat kayo, niloko niyo ako."

I wipe my tears and then smiled. Maybe if I smiled, I'll look better. Like I'm not hurting. Because the last thing I want is for him to regret choosing his happiness just because he saw how hurt I was.

"You know, how broken I am, but you still choose me. I'm very thankful for that. But now, you deserve someone who can give you the whole universe. You need someone who can show you beautiful the world is. And that someone is not me. I'll just keep on dragging you down with me. So it's okay, Kiefer. N-naiintindihan ko. Naiintindihan ko kung bakit mo siya nagustuhan. K-kaya kahit mahirap, pinapalaya na kita." I said in between of continues sob.

"--Basta tandaan mo na andito lang ako ha? K-kapag ayaw mo na sa kanya, b-balik ka lang sa akin. I'll be here always. For now, I'll fix myself. I promise you that when that times come, I'll be worthy and more deserving of your love."

And just like that, my three years relationship with him ended. And I left him with my love and trust that he'll be happy.

------
Wrote this yesterday but I don't know if I should post it. It's been a long since I wrote a decent story. Been arguing with myself because nothing seems to be worthy to be posted. Even myself isn't satisfied with my works ㅠㅠ.

Credits to the picture I used.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Cheated (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon