Chapter 7

8 1 0
                                    

Natigilan ako at hindi kaagad naka pag salita at patuloy ang pagkabog ng dibdib ko sa bilis.

Nakita ko si kuya sa likod ni dad at seryoso silang dalawang nakatingin sa akin na tila ba inaalam kung bakit ganito ang itsura ko.

"What happened to my sister?"

Pumasok si dad sa loob habang si kuya ay kinuha ako sa dalawa na nakaagapay sa akin at nakita ko na sumunod sila kay kuya hanggang sala.

"Umupo kayo."

Umupo na sila habang ako ay inuupo na rin ni kuya habang pinupunasan ang pisngi ko.

Tahimik ako habang ginagawa niya yon at medyo humihikbi pa.

Si dad ay nakitingin lang sa akin at sa dalawang kasama ko.

"MANANG GIVE ME A WATER! SEAH NEED IT"

Nakita ko si manang na kaagad kumilos. Si kuya naman ay humarap na sa dalawa at tinanong. Tahimik lang ako ng inabutan ako ni manang ng tubig at tinignan ng puno ng pag aalala.

"The heck! Sige hanapin niyo at ako na ang bahala sa luko lukong driver nayon!"

"Yes kuya kyle i will call you once I tell it to the police later."

"Mabuti pa nga."

Napansin ko na tahimik lang si dad at tinitignan pa rin ako.

Umiling at nagbuntong hininga.

"I need to go home na kyle. Just call me once you decide about my offer"

"I'll think about it dad" matigas na pagkakasabi ni kuya.

Alam ko na galit siya dahil hindi man lang ako tinanong neto kung okay lang ako at inisip man lang na tumulong sa paghahanap. Kumirot ang puso ko dahil don at tahimik nalang na nakayuko.

"Pagisipan mong mabuti dahil sayang yon. Anyway, you don't have to call the police kasalanan rin naman ng kapatid mo kung bakit siya muntikan na masagasaan. Sayang lang ang oras at pagod niyo."

Tumalikod na siya pagkasabi niya non.

Tumahimik ang sala at wala ni isa ang nagsalita.

Si archer lang ang bumasag ng katahimikan non.

"Bubugbogin ko yun kuya kyle pag nakita ko lang talaga!"

"Good basta sakin ang kalahati!"

"Sure kuya!"

Tumango sila at tumawag na si hideo sa police.

Habang ako ay inaakay na ni manang sa aking kwarto upang magpahinga.

Nakahiga lamang ako don habang nakatulala at inisip ang huling sinabi sa akin ng aking ama.

Hanggang ngayon hindi pa rin nila o niya ako napapatawad.
Unti unting bumubuo nanaman ng luha ang aking mga mata. Patuloy ang kirot ng aking puso tila may mahabang sugat na hindi manlang naghilom ng ilang taon.

After all, si kuya kyle lang talaga ang nakakaintindi at ka agapay ko sa lahat ng oras.

Malungkot akong nangiti habang patuloy ang pagbagsakan ng luha ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon