( Kabanata 1 )
"Nandito na ba tayo?" tanong ni Miracle kay Myrlia.
Hindi sumagot si Myrlia, bagkos ay nagpatuloy sya sa paglalakad papasok sa malaking bayan ng Sulbidamya, may kalayuan ito sa palasyo ngunit kabilang ito sa sakop ng lungsod.
Panay ang lingon ni Miracle sa paligid, naninibago sa nakikita. Walang mall, walang mga gusali, puro mga bahay lamang na gawa sa bato ang nakikita nya. May maliliit na lutoan sa labas ng mga ito, mala egypt ang tema ng lugar. Parang nanumbalik si Miracle sa mga bagay na itinuturo ng kanyang mga guro tungkol sa mga makasaysayang lugar, isa yata ito sa mga iyon.
Walang croptops, walang dress, walang high heels at rubber shoes. Ang kanilang mga sapin sa paa ay manipis na kahoy na ibinalot sa balat ng usa, ito ay nakatali sa paahan ng mga tao sa lugar na iyon. May mga balabal rin sa ulo ang ilan sa mga kababaihan, ang kanilang mga damit ay talagang sinauna, iyon ang mga damit na isinusuot ng mga tao noong panahon ni Hesus.
"Wala bang toy kingdom dito?" tanong ni Miracle habang inililibot ang paningin.
"Ano 'yon?"
"Iyong lugar na punong-puno ng mga laruan, marami kang pagpipilian like barbie, stuff toys, teddy bears, robots and other toys."
"Hindi ko alam kung ano 'yan."
Napanguso nalang si Miracle saka nilingon muli ang paligid. Patuloy lang silang naglalakad, hanggang sa marating nila ang mas malawak pang lupain kung saan marami ring tirahan, sa bandang dulo non ay may ilog. Napangiti si Miracle, ngayon lamang sya nakakita ng ilog sa totoong buhay, kadalasan kase ay out of town braches ang pinupuntahan nila ng family nya, boracay, mga beach sa palawan, at maging ang lapyahan sa San Remigio, Cebu.
Bago pa man sya ma-excite upang pumunta sa ilog ay nilingon nya si Myrlia. Ngunit wala na ito sa kaninang kinatatayuan nya. Panay na ang lingon ni Miracle sa paligid, maraming mga bata ang masayang nagtatakbuhan. Hinanap nya sa mga batang iyon si Myrlia ngunit bigo syang makita ito. Kamot nya ang ulo habang hindi nawawalan ng pag-asa sa paglingon upang mahanap ang kasama.
"Aray!" padapang bunagsak si Miracle nang may bumangga sa kanya.
"Ang lampa mo naman." inis na sambit nang isang lalaki na kaedad nya lang.
"For you to know, binangga mo ako 'no! kung hindi mo ako binangga, edi sana hindi ako bumagsak sa lupa, stupid!" inis na pinagpag ni Miracle ang damit matapos tumayo.
"Anong sinasabi mo?" inis na ganong ng lalaki.
"Huwag mo nang itanong, hindi mo rin naman maiintindihan."
Bahagyang natawa ang lalaki ngunit may halong kayabangan, "Bago ka sa paningin ko." aniya saka ngumiwi, "Sa susunod ay huwag kang haharang-harang sa daan." masungit na sambit nito saka naglakad paalis.
"Susumbong kita sa Mommy ko!" sigaw ni Miracle saka inis na umirap, hindi na sya narinig ng lalaki, "Nakakainis naman dito!"
"Miracle? anak?"
Nanlaki ang mga mata ni Miracle nang marinig nya ang pangalan nya na tinatawag ng kung sinong babae. Nilingon nya ang kanyang kaliwa, doon ay nakita nya ang isang babae na nakasuot ng makalumang damit at mahabang saya. Papunta ito sa kanya, hindi naiwasang magtaas ng kilay ni Miracle.
"She called me her daughter?" bulong nya sa sarili.
"Anak? hali ka na't kakain na tayo." ngumiti ito saka hinawakan sya sa kamay, "Hali ka na, kakain na tayo." saka sya nito hinila patungo sa isang sementong bahay.
"I'm your daughter po?" tanong ni Miracle habang paupo sa sahig kung saan nakalatag ang tela at mga pagkain.
"Sakyan mo na lamang ang mga sasabihin ko, kailangan mong matapos ang misyon." ngumiti ang babae, "Ako si Melissa, maaari mo akong ituring na Ina hangga't hindi mo naisasagawa at natatapos ang misyon mo dito." naupo ito sa harapan nya saka inilapag doon ang isang bao ng pabilog na tinapay.
"Ina! Ina!"
Nilingon ni Miracle ang pinto nang pumasok mula doon ang isang batang babae. Mas bata ito kumpara sa kanya, nakangiti ito papunta sa babaeng nagngangalang Melissa.
"Sino po sya?" tanong ng bata na itinuturo si Miracle.
"Hi bata? ano ang pangalan mo?" magiliw na bati rito ni Miracle.
"Ako si Miriam." mas magiliw nitong sagot.
"Sya si Miracle, maaari mo syang tawagin bilang Ate." nakangiting sambit ni Melissa sa anak.
"Talaga po?" masayang tanong ni Miriam, "May Ate na ako!" sigaw nito saka yumakap kay Miracle.
Ang musmos na edad ni Miracle ay umiral, natutuwa nyang inalalayan si Miriam paupo sa kanyang gilid. Walang kapatid si Miracle sa totoo nyang mundo, kaya ganito nalang sya kasaya nang makilala si Miriam. Naroon pang sinusuboan nya ito ng kung ano man ang ituro nito sa mga pagkain na nasa kanilang harapan.
Natapos sila sa pagkain. Saka iniabot ni Melissa ang isang pares ng mapusyaw na kasuotan kay Miracle. Marahan iyong kinuha mi Miracle, tinitingnan pa ang kapusyawan ng damit.
"This is so cheap." muling bulong ni Miracle, "Ito ang isusuot ko?"
"Oo, iyan na ang pinakamagandang damit na maipasusuot ko sayo."
"O-Okay..."
Nagsimula iyong isuot ni Miracle. Saka nya tiningnan ang sarili, naghanap sya ng salamin sa buong bahay ngunit wala syang nakita kaya mukha syang aso na paikot-ikot para lang makita kung gaano ka-swak sa kanya ang suot na damit.
"Tara na Ate! Laro na tao!" sigaw ni Miriam habang hinihila si Miracle sa kamay.
"Magingat kayo!" habol na sigaw ni Melissa sa mga anak.
Natutuwang nakihalubilo si Miracle sa mga bata ng Sulbidamya. Gusto nya mang itanong kung bakit hindi nagsasanay ang mga ito kung gayong napag-alaman nyang singko anyos ang karamihan sa mga kalaro ay hindi na nya ginawa. Pinili na lamang nyang maglibang sa pakikipaglaro sa mga ito.
Hindi naranasan ni Miracle ang makipaglaro sa mga kapit bahay nila kaya ganito na lamang ang saya nya. Sa eskwelahan nila ay hindi rin sya gaanong nakakapaglaro dahil naka focus sya sa grades nya bagaman nasa ikalawang baitang pa lamang sya sa elementarya.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ni Miracle ang babae na kanina ay bumangga sa kanya. Nakatingin ito sa gawi nila, ngunit kung titingnang mabuti ay nakay Miracle ang paningin nito habang nakakalokong nakangisi. Kung titingnan ay mukhang ka edad lamang ito ni Miracle ngunit ang totoo ay matanda ito sa kanya ng isang taon.
Tinaasan ni Miracle ng kilay ang lalaki. Natawa ito saka nag-iwas ng tingin kaya mas nakaramdam ng inis si Miracle. Hindi na nilingon ni Miracle ang lalaki, nagpatuloy na lamang sya sa pakikipaglaro sa mga bata.
___________
follow, comment and vote.
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Ficción históricaThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...