ENTRY 05

118 12 0
                                    

December 29, 2005

Dear Diary,

Umaayos na 'yung lagay ko, yey! Medyo nawawala na 'yung sakit ng katawan ko pero, may naiwang mga pasa, eh.

Alam mo ba, diary? Nakita ko si Ate na nakikipag-usap sa lalaki sa telepono? Oo, lalaki, diary, alangan babae, hehehe, alam mo minsan, engot ka din. So ayun na nga, diba lalake? Hala nawala na sa isip ko 'yung kuwento teka. Ikaw kasi eh!

So ayun, bawal pa kasi mag-boyfriend si Ate. Alam mo ba kung paano ko nalaman na boyfriend niya 'yung kausap niya? Kasi ang tawag niya dun, 'Babe'. Eh diba pang-magkarelasyon lang 'yung babe?

Pero, hindi ko nalang siya isusumbong kila Mama at Papa, baka pagalitan siya, at mabugbog. Ayaw ko mangyari iyon, mahal ko si Ate at hindi ko kaya makitang nasasaktan siya. Hehehe, mas okay na 'yung ako ang mabugbog at masaktan, huwag lang ang Ate ko. Mas masakit para sa akin 'yun.

So, ayon, wala namang gaanong nangyari ngayong araw, except doon sa nalaman ko. 'Yun lang! Hehehe, I love you, diary!

Nagmamahal,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos ♥

Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon