EIGHT

718 50 0
                                    

Dumating kami sa bahay at nakitang wala pa 'yung kotse ni na mama't papa. Baka nag-over time na naman sila sa trabaho. Pumasok kami ni Felix sa loob at umupo sa sofa dahil sa pagod.

"Ka-pagod" bukambibig niya habang nakasandal sa malaki at malabot na sofa.

"Kaninong idea ba yung maglakad? Hindi ba't sayo?" pagpapa-alala ko sa kanya.

"Kung marunong ka lang sanang mag-bisekleta, hindi sana tayo naglakad" he talked back.

"Ah, so kasalanan ko?"

"Aba'y siyempre. Ikaw lang naman 'yung di marunong mag-bisekleta"

"Yabang talaga nito" sinubukan ko siyang hampasin ngunit hinawakan niya ang aking kamay.

Hindi naman ako nagpatalo at patuloy kong ini-abot ang kanyang ulo para mahampas ko 'yon. Nag-kulitan kaming dalawa hanggang sa hinigpitan niya ang pagkaka-hawak sa akin at inihiga ako sa sofa. Nabigla ako sa kanyang ginawa dahil sa bilis ng pangyayari. Naka-ibabaw siya sakin habang magka-lapit ang aming mga mukha.

He's looking right through my eyes as if he's sucking my soul. I have no idea what to do, I swallowed hard and hope he doesn't notice it. He suddenly chuckled. He let me go and stood up.

"I'll use your kitchen. I'll cook dinner for us" sabi nito at umalis na.

I sighed in relief while my heart's still pounding. I shook my head para mawala sa isipan ko ang nangyari. A minute passed, nakapag-luto na si Felix. Amoy na amoy ko ang luto niyang sinigang na baboy habang naglalakad palang ako papuntang kusina.

"Bango niyan ah" sabi ko at umupo.

Hinanda niya naman ang hapag at umupo na rin kalaunan.

"Amoy palang yan ah, natatakam ka na"

Kinuha ko ang kutsara at tinikman ang luto niya. My brows frowned as the taste spread to my mouth.

"Ano, masarap ba?" he asked eagerly.

Tumikim pa ako ulit at ganun pa rin naman 'yung lasa. "Parang may kulang pa. Medyo matabang eh"

"Talaga?" tanong niya at tinikman ang sariling luto. Hindi ko na naitago ang reaksyon ko dahil sa mukha niya. Para siyang batang dismayado. "Okay naman ah" sabi nito at tumingin sakin.

Doon niya ako nakitang pinipigilan ang aking pag-tawa. "Alam mo ang sama mo. Mabulunan ka sana"

"Grabe naman. Nagbibiro lang eh" sabi ko. "But it's good. I like it. Magka-same level lang kayo ng luto ni mama"

Napangiti siya at nagsimula na kaming kumain. We were busy eating nang mapansin ko ang kalat sa mukha niya. 

"Napaka-salaula naman nitong kumain"

"Bakit, may dumi ba sa mukha ko?" tanong nito habang ngumunguya pa.

Tinuro ko naman ang kaliwang gilid ng labi ko upang sabihin sa kanya kung saan siya nagkalat. Pinahiran niya naman ito at kumain ng muli.

"Siya nga pala, org selection kanina"

"Really? Anong org sinalihan mo?"

"I joined film org"

"Nakapasok ka ba?"

"Of course, ako pa"

"Yabang nito. Baka naawa lang sayo kaya ka tinanggap"

"Nagsisimula ka na naman ah"

Napangiti nalang ito dahil sa sinabi ko. "Ang sarap mo talaga asarin. Pero ikaw, anong org balak mong salihan?"

Napa-isip naman siya. "I really don't know. I've never been into orgs before"

"Di nga? Kahit nung high school ka wala kayong clubs or organizations?"

"No. We just studied until we graduated"

"Boring naman pala ng school niyo" I jokingly said. "I'm sure may mga hobbies ka naman o kaya gusto mong gawin pag may free time ka"

"Ano bang mga orgs na meron?"

"Uhmm. Sports, theatre, dance. Basta madami"

"I'll just go with you" he instinctively said.

"Seriously? Mass-comm department ka tapos sa film ka sasali?"

"Bakit, bawal ba? Tsaka hindi naman nagkaka-layo 'yon ah"

"Felix, kung gusto mong sumali sa film dahil sa gusto mo lang akong makasama, wag nalang"

"Ang delusional mo. Wala akong sinabi ah"

"So, willing ka talaga?" I made sure.

"Why wouldn't I?"

I stared at him and gave a malicious look. "Well, based on your personality, you're not that type of person na mahilig sa film"

"Will you just please stop judging me at kumain nalang tayo, okay?" he annoyingly said.

"Sabi na eh. Umiiwas ka pa ah" I smirked. Napailing-iling nalang siya at nagpatuloy na kaming kumain.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang alarm clock kong kanina pang tumutunog. I checked my phone and it's already 9:30.

"Shit" dali-dali akong bumaba ng kama at agad na nagbihis.

I don't have time to take a bath or eat breakfast. How the hell I woke up late? Bumaba ako at wala ng tao sa bahay. Nasa trabaho na ata si na mama't papa. Balak ko pa naman sanang magpa-hatid. Lumabas ako ng bahay at naghihinayang napatingin sa aking bisekleta.

"Fuck. If I just know how to use you"

Wala na akong choice kundi ang maglakad. Hindi lang ang maglakad, kundi tumakbo. Tinakbo ko ang daan palabas ng subdivision dahil sa taranta ko. Habang papalabas ako ay may naaaninag akong tao na nakatayo sa waiting shed katabi ng guard house.

"Felix, anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang hingal na hingal.

"Uminon ka muna" inabot niya sakin ang bote ng tubig. Kinuha ko iyon at inubos lahat. "Dahan-dahan lang baka malunod ka niyan"

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ano pang ginagawa mo dito? Ano oras ba first class mo?"

"9:00 AM. Late na nga ako oh"

"Baliw anong late? Para ka na ngang nag-absent nun"

"Paalis na sana ako kaninang 8:30 kaso naalala ko, Paano ka nga pala pupunta ng university? As a good samaritan, hinintay nalang kita" he said proudly.

"Di ka na sana nag-hintay. Nadamay ka pa tuloy"

"Just repay me later. Bilis na alis na tayo"

Umangkas na ako sa bisekleta at nang nakaupo ako sa likuran ay di ko alam kung saan hahawak. Baka malaglag pa ako nito jusko. Ayoko namang humawak sa bewang niya at baka bigyan niya pa ng malisya. Siraulo pa naman 'tong taong 'to.

"Humawak ka na wag ka na mahiya. Masasanay ka rin naman"

"Siraulo ka talaga" sabi ko at hinampas ang tagiliran niya.

Napa-igtad naman siya at mahinang tumawa. Nagsimula na siyang mag-pedal at tinahak na namin ang daan papuntang university. Iniisip ko nalang na komportable ako sa posisyon ko ngayon. Nakahawak lang kasi ako sa damit niya at any time pag nadulas ang kamay ko ay pwede akong malaglag at gumulong-gulong sa daan.

Hindi ko na tinuonan ng pansin 'yon at hinigpitan nalang ang pagkaka-hawak sa damit niya. Pati siya ay parang nahihila na rin dahil sakin. Ewan ko ba kung nakakapag maneho ba siya ng maayos o hindi. I suddenly felt his hand on mine habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.

Dahan-dahan niyang inilipat ang kamay ko sa bandang tiyan niya. Hinayaan ko nalang siya sa kanyang ginawa. My heart is pounding so hard and fast as I didn't even question it kasi palagi naman 'tong nangyayari sa tuwing magkaka-sama kami.

Minsan nai-isip ko tuloy kung gusto ko ba siya o hindi.

To be continued.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon