——————————————
CHAPTER 24MARIA'S POV
Kasalukuyan kong in-arrange ang mga educational published books ko sa aming mini-library dito sa sala. These books are used as a reference sa school na pinapasukan ko noon. Meron ako nito dahil ako din naman ang gumawa many years ago since I was teaching pa.
Naputol ang aking pagbabalik tanaw nang may nagsalita sa likod ko.
"Honey" wika nito.
Agad kong nilingon ito. Hindi parin talaga nawawala ang kakisigang' taglay ng asawa ko.
"Ven Bakit?" tanong ko.
"May nakita akong next trip na pupuntahan natin" ngiting saad niya.
"Wag na muna siguro tayong mag-lakwatsa honey. We're just wasting money." wika ko.
"Tama ka. We've been to many places narin. The last one is 'yong nasa Palawan tayo. Magpahinga na muna tayo." tugon nito.
"Ahh honey may sasabihin ako sayo" sabi niya.
"Ano 'yon?" takang tanong ko.
"Kanina...Nagkita kami ni Sam" saad nito. Bigla akong natigil dahil sa kaniyang sinabi.
Si Sam ay naging karelasyon niya noon bago ako dumating sa buhay niya. I saw how Raven get hurted no'ng wala na sila. He told me before na mahal na mahal niya ito. I don't want to see Ravens' grievance. It may sound so vain but I'm the one who saved him and helped him para maka-ahon.
Agad akong tumalikod sa kanya at pinagpatuloy ang aking pag-arrange sa mga libro ko.
"Kumusta na siya? Nag-usap ba kayo? Mahal niyo paba ang isa't isa?" mabigat sa loob kong tinanong 'yon.
"Honey naman" agad kong naramdaman ang kanyang bisig na yumakap sa'kin habang ako'y nakatalikod sa kanya. Hindi ko namalayang nangilid na pala ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko maiwasang matakot. I'm bombarded with "what if's". Pa'no kung mahal pa nila ang isa't isa. Pa'no kung magkabalikan pa sila? Pa'no na ako? at ang anak namin?
Akala ko ang mga kabataan lang ang madrama pati rin pala ako.Kumalas ito sa pagyakap sa'kin at tinungo ang harapan ko. Pinunasan niya ang mga tumulong luha sa aking mga mata.
"Shh...Hindi na Honey, hindi na namin mahal ang isa't isa. Ikaw lang ang mahal ko. Tahan na" pag-aalo niya sa'kin.
Nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa kanyang sinabi.
"T-Talaga?" nahihiyang tanong ko. Tumango lang ito at hinalikan ako sa labi.
" 'Wag kanang umiyak. Talo mo pa ang mga kabataan diyan" biro niya.
"Che! 'di mo kasi ako na-iintindihan!" inis kong wika. Na-iinis ako sa kanya. Bakit? Bawal nabang umiyak!
"Hehe biro lang" saad nito.
"Gusto mo gawa tayo ng baby?" malokong wika niya sabay kiliti sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
Fiction généraleMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...