Flashback part:2
MAX POV
KINABUKASAN ay nagising ako ng may kumatok sa pinto. Agad naman akong tumayo para pagbuksan kung sino iyon, agad na bumungad sa harapan ko si HEURT.
TOK* TOK*
"Maxpein, mag-handa na kayo at maya maya ay aalis na tayo pauwing Pilipinas." Sambit ni Heurt.
Don ko lang namalayan na ngayon na pala ang uwi namin. " Sige, mag-aayos na kami." Tugon ko. Tumango lang siya saka Umalis.
Lumapit naman ako sa kama at umupo para gising si Sensui na mahimbing nanatutulog.
"Babe, gising na! Uuwi na tayo mamaya sa Pilipinas." Bulong ko sakaniya at ninakawan sya ng halik sa labi.
Nagmulat naman siya ng mata. "Anong oras na, babe?" Tanong niya.
"Ala-syete palang nang umaga," bumuntong hininga muna ko bago magsalita ulit. "Mamayang Alas-nuwebe pa ang alis natin. Ngayon ay kailangan na muna natin mag-ayos. " Patuloy ko.
"Sige. I Love you."
"Mm, I Love you too." Nakangiting tugon ko saka tumayo papuntang Bathroom.
Ang totoo ay ang sarap sa pakiramdam na makakasama mo ang taong mahal mo habang-buhay. Nakangiti akong nakatingin sa Kawalan dahil sa 'king naiisip.
Pagkatapos kong maligo ay agad kaming nag-ayos ng mga gamit. Maya-maya pa ay nakasakay na kami sa eroplano,katabi ko naman sa upuan si Sensui.
"Babe, bakit ganon?" Pabitin nyang tanong. Nalito naman ako.
"Anong bakit ganon?"
"Kase nung pumunta ko dito noon tinakpan ng piring yung mata ko. Eh bakit nung kasal natin ay hindi kami piniringan sa mata?" Nagtatakang tanong niya.
"Pinahintulutan kasi kayong makita ang tanawin." Tugon ko.
"Ahhh!" Tatango-tango pang tugon nya. Umandar na ang sinasakyan namin eroplano.
Maya maya pa ay nakarating na kami. Sinundo kami ng sasakyan. At Ngayon ay Nandito na kami sa Mansyon ng mga Moon.
"Babe, kailan tayo uuwi sa bahay natin." Tanong ni Sensui.
"Bukas"
Bago pa siya makasagot ay tinawag na kami ni Maxwell para Manghalian. Nandito kami ngayon sa Hapag-kaininan at tahimik na kumakain.
"Maxpein, kailan ang uwi nyo sa bahay ninyo?" Tanong ni Daddy.
"Tss, pinapaalis mona ba kami Dad?" Nagbibirong tanong ko.
"Hindi naman sa ganon,tinatanong ko lang Maxpein, masyadong mainitin yang ulo mo."
"Tss,Bukas. Bukas kami uuwi." Tugon ko at bumuntong hininga naman sya. "Hyung" Tawag ko kay Maxwell.
"Psh! Oppa dapat Maxpein" singhal nya sakin at Natawa naman kami.
"Para nga Astig diba, Ako lang kakaiba!" Maangas na tugon ko.
"Oh, e bakit?"
"Bakit hindi mo ligawan si Yaz?" Pangaasar ko sakaniya.
"What's wrong with you pein? Bakit ko siya liligawan e diko naman iyon gusto."
BINABASA MO ANG
He's Into Her (Season 4 On-going)
Teen FictionThis is the on-going of TagSen. This is connected to LWL. itutuloy ko lang po ang kwento ni Deib Lohr Enrile-Moon at Maxpein Zin Enrile-Moon.