ENTRY 09

104 11 0
                                    

January 5, 2006

Dear Diary,

Pasensiya na kung ilang araw ako hindi nakapag-sulat sa iyo, ha? Nito ko lang kasi ginawa ang mga projects na iniwan sa amin before Christmas break.

Balik pasukan na nga pala ulit ngayon, at 'eto, nagsusulat ako ngayon sa iyo. Alas-8 pa lang ng gabi pero kailangan ko matulog ng maaga dahil pang-umaga ako.

Ahm. Kanina, stressful dahil pagkapasok na pagkapasok namin ay nagsimula na agad ang mga lectures at quizzes. Kakatapos ko lang gumawa ng assignments ngayon.

Pinilit ko talagang i-perfect 'yung mga tests para makakuha ako ng mataas na marka. Next next week na pala 'yung card viewing, kailangan kong mapaghandaan iyon.

Masaya at nakakapagod ang araw na ito pero yeah, kaya naman. Medyo nanlumo lang ako nang makauwi ako. Wala kasing tao sa bahay, hindi ko alam kung saan nagpunta ang pamilya ko. Iniisip ko na lang na may mahalaga lang silang pinuntahan.

Ahm, satin-sa'tin lang muna to, diary, ha? Nakalimutan kasi ako bigyan kanina ng baon nila Papa, hindi ako nakapag-recess. Wala pa akong kain ngayong araw, hindi ako nakapag-almusal kanina kasi late na ako nagising. Hindi naman ako nakapag-recess kanina kasi nga wala akong pera. Nag-review na lang ako sa buong breaktime. Tapos kanina, pag-uwi ko ng tanghali ay wala sila sa bahay, wala naluto. Siyempre, naghanap ako ng makakain pero wala, eh. Ayaw ko namang kumupit sa mga ipon ko kasi nag-commit na ako na hindi ko na babawasan iyon hangga't hindi ko gagamitin sa pambili ng regalo o ng projects. Kasalanan ko din naman pero, ayos lang, hindi pa naman ako gaano gustom, uminom naman ako ng tubig.

Sa tingin mo, diary? Saan kaya sila nagpunta? Hanggang ngayon ay wala pa 'din sila, eh.

Oh sige, diary, matutulog na ako! I love you!

Nag-iisa,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos ♥

Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon