This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Started: 04-20-20
Ended: xx-xx-xx___________
"Class, pass your papers na," I said as I start collecting each of their papers.Madali lang naman yung short quiz nila kaya mabilis lang nilang natapos. Nang makolekta ko na lahat ng papel nila ay tumayo ako ulit sa harap hawak-hawak ang mga papel.
I glanced at my wristwatch and there's still 35 minutes left before their dismissal. Ayaw na ayaw kong ipinapa-check sa kanila ang papers nila hindi dahil sa wala akong tiwala, pero dahil sa trabaho ko naman yun bilang isang teacher.
Napag-desisyunan kong i-ipit muna sa libro ang mga papel nila at naghanap rin ng bagong lesson na ide-discuss.
"Class, since tapos na tayo sa unit one, next week na ang summative test nyo, you know what to do," I reminded them as I turn every pages of the book.
"Yes, ma'am," they answered.
Gusto ko sanang mag-advance kami sa unit two, kaso naalala kong may exam pa pala silang aalahanin next week. Ayaw ko ding i-advance yung exam nila. Reklamador pa naman 'tong mga batang 'to.
"Ma'am, may time pa, oh. Chika time daw muna," suhestyon ng isa kong estudyante.
Napahinto ako at iniangat ang tingin sa kanila. And I guess I caught all of their attention.
"You better read your book and start reviewing na," saad ko at ibinalik ang tingin sa libro.
They groaned. I looked at them again. Mukhang mapapakwento nga ako ngayon.
Isinara ko nalang ang libro at inilapag sa table. I crossed my arms as I face my students.
"Oh, ano na?" I sighed.
Natuwa naman silang lahat pati na ang mga lalaki. Grade 8 na sila pero asal bata parin. Mabuti narin yun para hindi muna sila pumasok sa relasyon-relasyon. Sagabal lang yun.
"Kasi daw ma'am, pinapatanong ni Tres kung may boyfriend daw po ba kayo?" agad tinakpan ni Tres ang bibig ni Lucas.
Mahina akog natawa. Jusko, etong mga batang 'to. Gusto ata nila ng bagsak na grado, eh.
"Ahh, ma'am kasi ano--"
"Number n'yo daw po!" muli na namang tinakpan ni Tres iyong bibig ni Lucas.
Napailing nalang ako bago sumagot, "Number? 78, Lucas, Gusto mo?"
Mahinang tumawa naman yung ibang estudyante ko.
"Joke lang," pambabawi ko.
Napakamot nalang silang dalawa ni Tres sa ulo.
"Wala akong boyfriend," nakangiti kong sagot sa kanila.
Nag-apir naman sila Tres at Lucas. Maybe I should deduct their grades later.
"Pero, nagka-boyfriend na po kayo, diba?" tanong naman ni Katie.
I shrugged, "Hindi din."
Nagtaka ang ilan at namangha. Totoo yun. Hindi ako nagka-boyfriend noong highschool at lalo na nung college.
"Wala bang nanligaw sayo dati, ma'am?" tanong naman ni Lara na katabi ni Katie.
Jusko, bakit ba ang hilig nila sa ganyan? Mga bata talaga, oh.
YOU ARE READING
Spurning his Eloquence
Teen FictionPristine Fernando's dream is to be a teacher. Despite of having a poor life, she's hardworking enough to live an easy life. Rejecting admirers was not hard for her also. But how can she reject a persistent guy named Maverick Rosario?