ENTRY 11

102 11 0
                                    

January 7, 2006

Dear Diary,

Hi, Diary. Kamusta naman? Ako kasi hindi okay, eh.

Kailan kaya ako magiging priority ng mga magulang ko? Sa burol ko?

Sorry sa naisip ko, diary, hindi na mauulit. 'Eto kasi'yung nangyari. Kanina, habang nanananghalian kami ay sinabi ko na sa kanila 'yung about sa contest. Ang akala ko pa naman ay magiging proud sila.

Kani-kaniya sila ng sinabi, kung bakit hindi makaka-punta sa contest. Si Papa ay mayroong business trip, isasama si Mama. Si Kuya ay busy sa pag-aaral at pagre-review, at si Ate ay wala daw pakelam.

Hindi na ako nagulat 'nung walang pupunta sa mahalagang araw na iyon, para sa akin. Lagi naman nilang ginagawa iyon, at naiintindihan ko. Hindi ako ang priority nila, at mas lalong hindi ako mahalaga sa kanila.

Diary, sana sa susunod na buhay ko ay buhay ka na, 'no? Siguro, magiging matalik na kaibigan kita. Sasamahan mo ako sa mga importanteng okasyon sa buhay ko, sabay tayong gagala, magsasaya, kakain ng madami, waah! Excited na ako sa next life ko!

Hindi naman sa excited na akong mamatay, diary, ikaw naman. Wala sa isip ko ang magpakamatay, masama kaya 'yon! I want to die naturally. Hehehe, english iyon, diary, ah! Proud ka na sa akin 'no? Hahaha.

Gusto mo bang isama kita sa contest ko? Hihihi, sige, i-cheer mo ako, ah? Hehehe, salamat, diary! Mwuah!

Oh sige na diary at matutulog na ako. Excited na ako makasama ka sa contest sa wednesday! I love you!

Nananabik,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos ♥

Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon