Chapter 1: Ms. Rhea

29 3 3
                                    


"Goodmorning Ma'am Rhea!"
"Maam Goodmorning po."
"Ako na po mag aakyat ng gamit nyo ma'am."

Kaunti lamang iyan sa mga bati tuwing umaga sa akin ng mga estudyante rito sa tuwing dadaan ako ng office ng principal namin.

Alas sais pa lamang ng umaga ay kaagad akong pumasok sa gate, wala pa roon si Manong Henry na guard ng school namin. Kalmado akong pumasok sa office para mag report. Hindi na nagugulat ang assistant principal namin sa tuwing maaga akong pumapasok, kadalasan ay nauuna ako sa limampung guro kabilang na ang principal namin.

"As usual hahaha." pag puna sa akin ni Sir. Kent na assistant principal ng aming school.

Hindi ko na iyon pinansin at nilakad ko ang kakaunting pagitan ng office at ng aking faculty. Hindi pa man ako nakakaupo sa loob ay may tatlong katok na akong narinig.

"Ano yon?" tanong ko kay Kim na kabilang sa advisory class ko.
"Ma'am, itatanong ko lang po sana kung pwede namin hiramin ang first period nyo ng umaga. Practice lang po kami ng presentation sa P.E." kinakabahang tanong niya. Kadalasan kasi ay hindi ko pinahihiram ng buo ang oras ko sapagkat mahuhuli sila sa lesson.
"Sya sige, pero ngayong araw lang. Since byernes na bukas may free time naman tayo para mag klase." pag payag ko naman. Lumabas sya ng faculty ko ng may malapad na ngiti sa labi.

Naalala ko tuloy noong high school pa ako. Sa sobrang bait ng teacher namin lagi nyang pinahihiram ang oras nya para lang hindi kami bumagsak sa presentation.

Grade 10 section E ang advisory class ko. Medyo challenging dahil isang taon pa lamang akong nagtuturo ay binigyan ako kaagad ni Ma'am principal nito. Kahit na masakit sa tainga ang kaingayan nila dahil nga lowest section, napamahal na din ako sa ilang buwan pa lamang namin na pagsasama.

Maingay. Magulo. Makalat.
Yan ang advisory class ko. Pero isang bagay ang alam kong mayroon sila.
Magandang ugali at pagkakaisa. Ni minsan ay hindi ko sila nakita na nagtatalo talo, at wala silang record sa guidance simula pasukan.

Nang mag aalas siyete na ay pumanhik na ako sa ikalawang palapag ng Grade 10 Bldg. Naroroon si Sir Kent at Ma'am Lorna na pinapanood ang pag papractice ng mga estudyante ko.

"Nariyan ka na pala Ma'am Rhea. Ang iingay talaga ng section na hawak mo. Nakakapag practice ba sila ng ganyan kaingay?" puna ni Ma'am Lorna sa magulong nagpa-practice na mga bata. Laging ganyan ang Ma'am Lorna, mainit ang tingin sa aking section. Hahaha ewan ko ba, oh baka dahil nandito lang si Sir Kent na mukha namang may gusto sya at gusto lamang magpapansin.
"Hindi naman po sa ganoon Ma'am. Talaga minsan e nagkakaintindihan sila kapag maingay. Pero maayos naman po ang kalalabasan nyan." paliwanag ko rito. Totoo naman kasi. Maingay lang sila pero maayos naman ang presentasyon palagi, marahil ay hindi lang nila naaabot ang expectations ng ibang teachers.

Nahagip ng mata ko si Sir. Kent na ngumiti ng kaunti sa aking sinabi. Marahil ay alam din nya ang potensyal ng aking mga bata.

"Ma'am! Tignan nyo po si Jen ang galing pala sumayaw non! Tatahi tahimik lang hahahaha parang bulate oh." napapantastikuhang wika ni Kim, na syang ang presidente ng klase. Nag thumbs up lamang ako bilang sagot.
"Grabe Ma'am Rhea. Mukhang maganda ang paggabay nyo sa kanila. Alam nyo ba hindi sila ganyan noong isang taon. Palaging may nagsusuntukan at nagaabangan sa labas ng school." saad ni Sir. Kent na ngayon ay nasa tabi ko na.

Ang bango talaga neto ni Sir. May asim pa! Hahahaha. Wari ko kasi ay matanda sya sa akin ng apat na taon. Kung ako ay 23, siguro mga 28 na si Sir. Pero hindi na yun mahalaga.

"Tinuturo ko kasi sa kanila sir na hindi naman mahalaga kung hindi ka magaling sa klase. Basta mah respeto, at magandang pag uugali diba." sagot ko sa sinabi nya. Tumango lamang sya bilang sagot.

Ngunit bigla na naman nagsalita si Ma'am Lorna na hawak ang cellphone nya. "Ma'am Rhea nako. Pinatatawag ka ni Madam principal sa office. Wag mo ako tanungin kasi hindi ko alam kung bakit." wika nito sa akin at nauna nang naglakad. Nakapagtataka, huwebes ngayon at wala naman akong nakalimutan na gawain. Nagpaalam muna ako kay Sir. Kent ngunit imbis na bantayan ang mga bata ay sumama sya sa akin sa office dahil may kukunin raw sya.

"Ma'am Rhea. May mga nagsusumbong kasi sa akin tungkol sa kaingayan ng 10-Efficient. Hindi ba at oras ng klase nila sa iyo?"tanong nya. Pero sino naman ang maiingayan gayong nasa second floor naman kami at sa loob din ng classroom?

Si Ma'am Lorna. Bruha talaga yon minsan. Ang plastic! Hays.

"Nako ma'am hindi po totoo yan. Sa katunayan po kaya may kaunting ingay ay dahil nagpa-practice sila ng presentation kay Sir. Kent. Di ba ho sir? At naroon kami para bantayan sila. Free time naman po si Sir kaya siguro napadpad sya roon." at sumang ayon naman sa akin si Sir Kent.

Tinanong sya ni Ma'am principal at naniwala naman ito. Pagdating talaga kay Sir. Kent hindi sila maka hindi. Palibhasa gwapo na mabango pa, tapos ayos lang ang tangkad nya, matalino, at mabait pa. Ako lang yata ang walang gusto sa kanya rito.

Bumalik na ako sa faculty ko matapos ang pag uusap namin sa Office. Pero kasunod ko pa rin si Sir. Kent na nakangiti at animo'y may masamang balak? Ano ba 'to si Sir nalabas ang dimples.

"Ah sir, san po kayo? Baka mapagalitan tayo ni Ma'am principal kasi sinusundan nyo ako." malumanay kong sabi. Kasi naman, bat ba sya sunod ng sunod diba?
"Hahahaha tingin mo ba ay sinusundan kita? Makikiconnect lang sana ako sa wifi ng faculty nyo kasi masyadong malayo ang wifi ng office. Hahahaha Ms. Rhea talaga." at tumawa sya ng malakas. Mabuti at kami lamang ang nasa pathway ngayon. Nakakahiya.

Grabe! Hindi ba nya ako sinusundan? Tss. Edi hindi.

"Grabe naman pala ang imagination mo Ms. Rhea. Hahahaha!" tuloy lang ang pag aasar nya at hindi ko na yon pinansin. Nagiging informal syang kausap. Hindi ba dapat ay Ma'am Rhea? Ms. Ms. pa syang nalalaman.

Bumalik na ako sa loob ng faculty at iniwan syang tumatawa pa din. Siraulong Kent yon!

Pag bukas ko ng laptop sa ibabaw ng lamesa ko ay may note na kulay dilaw. "Ms. Rhea? Baka gusto mo ng saging. Maganda yan sa katawan, galing mismo sa taniman namin.- Kent"

Ano naman ang pumasok sa isip nitong ni Sir Kent. Noong nakaraan binigyan nya ako ng Jollibee na take out tapos Supermeal pa! Mananaba yata ako hahaha. Matapos nya akong asarin hays.

Dumaan ang ilang klase ko sa grade 9, Araling Panlipunan ang subject ko sa kanila. At dahil byernes bukas ay mayroon akong ihahandang quiz kaya naman maaga akong uuwi ngayon tutal wala na akong klase.

"Goodbye po Ma'am! Ingat po kayo." paalam sa akin ng mga estudyante ko. Naglilinis pa sila ng classroom nang iwan ko sila.
"Bye Ma'am pretty." paalam din sa akin ni Manong Henry.

At pag uwi ko sa bahay? Dinatnan ko si Papa sa terrace na nakahiga, amoy alak, at tulog na yata.

Ito ang everyday routine ko, papasok sa school, magkaklase at uuwi nang may lasing sa terrace. 

"Rhea pautangin mo nga muna itong kapatid mong si buboy. Maghahanap na daw ng trabaho bukas."

Isa pa pala, pautangin at habaan ang pasensya sa ina inahan at kapatid kapatiran ko.

Nawala ang pagod ko at pagka dismaya nang tumunog ang messenger ko at nag pop ang pangalan ni Sir. Kent.

"Ms. Rhea sana nagustuhan mo ang saging ko, na binigay sayo. Hahaha!"

-
This chapter is dedicated to the person na kinuhaan ko ng pangalan ni Sir. Kent :)

Happy reading!
That's all for today.

Sunset Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon