Prologo

1 0 0
                                    


Year 2079

"Lola Elang, magkwento naman po kayo tungkol sa pag-ibig. Yung maganda ang twist. Tutal nagsusulat ka naman ng mga nobela noong nas kabataan ka pa. Tama po ba?"wika ni Sheena sa kanyang lola habang naghuhugas ng pinagkakainan. Wala pa ring imik ang kanilang lola. Kahapon pa nila ito kinukulit ngunit nanatili itong tahimik.

"Oo nga Lola Ellang. Kahit anong love story po. Yung malungkot."sambat naman ni Shaynara, ang bunsong kapatid ni Sheena. Sila ang mga apo ni Lola sa kanyang kaisa-isang anak na si Vince. Ang kanyang asawa na si Lolo Victor ay maagang namatay dahil sa sakit na kanser. Si Sheena at Shaynara ay kasalukuyang nasa bahay ng Lola dahil nasa business trip ang kanilang mga magulang.

Si Lola Ellang ay mahinhin, maganda ang kutis kahit nasa pitum-po't dalawang taon na ito, maganda pa rin, matangos ang ilong at may mapupungay na mga mata.

"Kunin mo yung talaarawan (diary) ko Shaynara. Nasa altar lang nakalagay sa silid ko."utos ni Lola. Napangiti si Shaynara at kumaripas ito ng takbo papunta sa second floor. Nang makarating si Shaynara sa silid ng Lola ay agad-agad itong tumungo sa altar. Makapal ang diary ng Lola niya at halos luma na ito.

Dahil sa bigat ng diary ay aksidente niya itong nabitawan dahilan para umalingaw-ngaw ang ingay sa loob ng silid ng kanyang Lola. Hindi napansin ni Shaynara na may nahulog galing sa diary na iyon. Pagdating niya sa kusina ay binigay na niya kay Lola Ellang na nakaupo sa sariling rocking chair. Pinagmasdan siya ng matanda dahil mukhang napagod siya sa pagbuhat ng talaarawan na iyon dahil sa sobrang bigat.

"Maari na ba akong magsimula mga iha?"tanong ng Lola dahilan para mapangiti ang dalawa niyang apo.

-applexsense



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shawn and Stella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon