Chapter 24: Intramuros
I woke up light headed on my man's arms. A warm morning smile welcomed me. Agad akong nagtaas ng kilay sa kanya at unti unting umupo. Hindi ko napigilamg ngumuso dahil sa kanyang kapuri-puring mukha kahit umaga pa lamang.
"Maliligo na ako." mahina kong sinabi at agad umalis sa kanyang kama.
Humalakhak siya kaya naramdaman ko pa lalo ang pamumula ng aking pisngi. I left Meliorn there and went back to my room. Halos hindi ko lubusang maisip kung bakit ko nagawang makitulog sa tabi niya.
I received a text and missed calls from Henley after I finished my bath. Dalawang araw ko na siyang hindi nakita at nagtext siya na gustong makipagkita sa akin. Kaya natagalan ako dahil hindi ko alam ang ireply sa kanya. Sa huli, hinayaan ko nalang ang text niya roon.
Checking myself in the mirror before striding out. I am wearing a cute nude pink tube top and a maong skirt with a leather belt.
Sumalubong ang nakamasahe sa panga na si Cassius. Tapos na rin siyang nagbihis ng isang dark 3/4 polo at off white pants. Biglang lumapit siya sa kanyang closet, pumasok roon at lumabas na may dalang t-shirt.
"Wear this."
Kumunot ang noo ko ngunit kinuha rin naman. Pumasok ako sa kanyang bathroom at nananatiling nagsusuri ang aking tingin. Pati ito sobrang lawak. Malaki ang kanyang tub at may glass barrier para sa kanyang shower. At ang bango rin rito sa loob.
Hinubad ko ang aking top, sinuot ang binigay niya na damit. It is too big. Dress na ito para sa akin kaya hinubad ko rin ang aking palda, tinupi ko ang mga ito bago lumabas. Nasa couch siya nakaupo, kaharap ako. Umigting ang kanyang panga sa nakita.
"Wear at least a jeans." mababa niyang sinabi.
Pinakita ko sa kanyang kung saan banda ang laylayan ng kanyang damit. It is up to my thighs.
"It's a dress already, Cassius. And I don't have jeans."
He scowled.
"Your mother brought me lots of tops and mini skirts..."
Wala rin naman akong ibang choice kung tutuusin. Paubos na ang aking dresses roon kaya halos tube tops nalang ang natitira.
Tumayo siya at huminto sa aking harap. Ginalaw niya ang kanyang panga at hinawakan ako sa siko.
"Pakiusap, magsuot ka ng palda." malamyos niyang sinabi.
Marahan akong tumango at bumalik sa bathroom upang suotin ulit ang aking skirt. I placed it on my hips and belted. Nakatayo siyang naghintay sa akin. Sinuri niya ako ng tingin muli sa ulo hanggang paa. A simple t-shirt matched my maong skirt and sneakers.
Dinilaan niya ang kanyang pang ibabang labi bago tumango.
Pagkababa namin, nakaparada naroon ang isang kulay puti na Chevrolet. Agad niya itong pinatunog bago binuksan.
"Sasakyan ko ang gagamitin natin."
Marahan akong tumango. "Di natin isasama si Kuya Abab?"
He furrowed. "I don't want a third wheel on our date, tigress."
Nagkibit ako ng balikat habang ngumingiti.
I don't know where's he taking me but I am so thrilled. Tahimik at naghunihuni ako, sinasabayan ang awitin sa stereo habang tinatahak namin ang daan. Pa minsan bumabaling ako sa kanya at diretso lamang ang tingin niya sa daan kundi pa minsan, napansin ko ang paglalakbay ng kanyang dila sa loob ng kanyang pisngi. I find him so handsome whenever he's doing that unconsciously kaya tinititigan ko talaga.
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomansaA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...