Kabanata 6

5 3 0
                                    


Mataas ang sikat ng araw sa labas ng bookstore ni Alice habang abala si Alice sa pagpupunas ng salamin sa labas ng kanyang bookstore. Nakasampay sa balikat niya ang face towel na pinapahid niya sa pawis.

''Happy weekend mars! Wow hah...ang sipag naman ng mars ko! Pwedeng magsideline muna?'' Natigil tuloy si Alice sa kanyang ginagawa nang dumating si Jonas.

''Ano namang ginagawa mo rito? Himala ata ngayon lang ulit napadalaw ang bakla?'' Pansin na pansin naman ni Alice na mukhang ayos na ayos ngayon ang kaibigan na dala ng make-up.

''E papasok kasi ang bakla mong mars dyan sa mall kaya...napadaan muna ako sayo. Alam mo naman tayo...may i-memeet nanaman akong papa.'' Naka-postura pa ang pagtayo ni Jonas na parang isang modelo.

''Ikaw hah, nakakarami ka na. Kelan ka kaya matatauhan ano! Parang ang dali lang sayo mag-move on. Pag may nawala, palit agad! Malandi! '' Napaupo sa may hagdan si Alice habang pinapahid-pahidan ang leeg niyang pawisan.

''Mars...ganon talaga! Ayoko ngang mabuhay sa sakit ng kahapon. Wala akong balak idolohin yung mga bida sa drama. Jusko kakasira ng beauty, sayang ang beauty mars kaya... if I were you maghahanap na rin ako ng bago kong lalandiin. Ewan lang kung hindi mamatay sa selos ang Ivan na yun!'' Naka-cross armed at feel na feel ni Jonas ang labi niyang mapula dala ng lipstick.

''Hoy hindi ako malandi na katulad mo noh! Saka hindi ko naman kailangan ng mga love-love na yan. Okay na akong mag-isa. Panira lang yan ng trip!'' pagtanggi ni Alice.

''Charooot....sinasabi mo lang yan ngayon kasi wala pa. But once na tumibok ulit yang puso mo, baka bumukaka ka bigla!'' Biglang natawa si Alice sa sinabi ng kaibigan pero mukhang seryoso si Jonas.

''Bukaka agad? Ang exage mo mars hah! Hindi naman kailangan yun e!'' hindi sang-ayon na sagot ni Alice.

''Believe me mars, kapag mahal mo ang isang tao. Bigay todo ka, yung buong pagkababae mo ibibigay mo!'' Nagagawa namang tumingin ng mga dumadaan dahil sa lakas ng boses ni Jonas.

''Bakit ikaw...bumukaka ka na ano!'' pambabara pa ni Alice sa kaibigan.

''Anong bumukaka? Hindi noh...tumalikod lang ako. Kaming mga bakla hindi kami bumubukaka, tamang talikod lang!'' pagbibiro pa ni Jonas na napahalakhak tuloy nang malakas si Alice dahil sa kaibigang kalog. ''O ayan masaya nanaman ang mars ko. At dahil masaya ka na ulit gogora na ako. Punta na 'ko sa mall hah... Bye!'' paalam ni Jonas habang kumakaway-kaway.

''Oo na sige na at baka malate ka pa sa date mo!'' tumatawang paalam ni Alice sa tumalikod nan a kaibigan. At kahit wala na sa hara pang kaibigan ay napapatawa pa'rin siya hanggang sa unti-unting nawala ang tawa niya dahil sa naalala.

Flashback

''Okay lang sabi ako e! Pabayaan mo na ako! Iwan mo na ako!!!'' ang pasigaw na sabi nya kagabi na nagpupumilit kumawala sa pagkakahawak ni Xyrus.

''Hindi Alice. Hindi ka okay. Don't worry, andito na ako. Sasamahan kita. Hindi kita iiwan.'' Bulong ni Xyrus sa tainga niya habang mahigpit ang yakap nito sa dalaga.

........

''Hay...ano bang iniisip mo Alice. Magtrabaho ka na nga,'' ang tanging nasabi niya sa kanyang sarili.

Si Xyrus Evangelista na walang pakealam sa nararamdaman ng mga babae. Ang mahalaga lamang sa kanya ay mapakinabangan lamang niya ang mga babae pero sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng awa sa isang babae.

"Balang Araw"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon