Kabanata 5

3.7K 144 37
                                    

Veronica's PoV

Mahigit ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nang dumating ako rito. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa tinutuluyan ng Señor Presidente para sa isang pag-pupulong.

Isinama ako rito ni Lola Mysterious dahil wala rin naman akong ginagawa sa bahay. Wala rin sina Carmela dahil sumama ito sa paghahanap ng nawawala niyang kapatid na nawala noong labanan sa Tirad Pass.

Nasasanay na rin ako sa buhay rito. Si Goyo naman ay naging abala nitong mga nakaraang araw. Narito ngayon ang heneral na si Pepe Alejandrino upang sumali sa pulong na gaganapin. Mukha tuloy itong KKK meeting dahil lahat ay patagong pumunta dito sa Cervantes.

"Wala pa ba si Goyo?" tanong bigla ni Aguinaldo.

"Narito na po ako Señor Presidente. Paumanhin ho tila ako na lamang ang hinihintay ninyo." wika naman nitong VIP na kakarating lang at umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi.

"Oh siya simulan na natin ang pagpu-pulong na ito." anunsyo ni Heneral Alejandrino

"Kailangan na nating lumikas dahil baka sa mga susunod na araw ay babalik ang mga amerikano rito." wika ng Presidente.

"Ngunit saan tayo tutungo? Señor Presidente..." tanong naman nitong si Tinyente Garcia.

Nag-tinginan naman ang lahat at nag-simula nang magbulong-bulungan. Kung ililikas nila ang lahat ng tao sa barriong ito ay magiging mahirap iyon.

Sa aking pagkaka-tanda ay si Emilio Aguinaldo lamang ang pakay ng mga amerikano dahil siya ang republika ng bansa. Isa lang ang nakikita kong paraan yun ay ang kanyang pag-suko. Pero wala ako sa lugar upang sabihin iyon.

Sa pagkaka-alam ko ay malapit dito ang Quirino, Ilocos Sur at malabong matunton iyon ng mga Amerikano dahil puro kagubatan ang matatagpuan rito. Maaring manatili kami roon ng mga ilang buwan. Napatingin naman ako kay Lola Mysterious na nakaupo sa harap ko ngayon, nakatingin siya sa akin na para bang nababasa ang iniisip ko.

"Sa Quirino..." wala sa sarili kong sambit. Kaya napatingin silang lahat sa akin.

"May alam ka bang maaring pag-taguan roon Veronica?'' tanong naman ni Goyo.

"Naroon ang abandonadong mansiyon ng mga Nable Jose....nasa gitna ito ng liblib na kagubatan ng Quirino kaya maari tayong tumungo roon. Mga dalawang araw lang ay makakarating na tayo doon kung sisimulan na natin ang paglalakbay mamayang hapon.'' wika naman ni Lola Mysterious.

Sumang-ayon naman ang lahat na duon na lamang tumungo. Ngunit ang ibang mamayan ng Cervantes ay kailangang manatili rito upang mapanatili ang kaayusan ng barrio at hindi mag-hinala ang mga amerikano.Nag-simula nang mag-ayos ang lahat para sa pag-alis namin mamayang hapon.

Habang kami ay kumakain sa labas ng bahay ni Lola Mysterious ay biglang dumating sina Carmela kasama ang isang batang lalaki at isang sugatang binatilyo. Agad naman umalalay sina Tinyete Garcia sa kanila at nagtawag ng mediko.

"Veronica, hindi ba't marunong kang mang-gamot halika kailangan namin ng iyong tulong." nag-mamadaling wika sa akin ni Goyo na kakarating lang.

"Teka kukunin ko lang ang aking gamit.'' sagot ko naman at tumakbo sa loob ng silid upang kunin ang bag.

Sinundan ko naman si Goyo papunta sa isang kubo . Pagkarating ko roon ay tumambad sa harap ko ang lalaking kasama nina Carmela kanina. Pinuntahan ko naman agad ito upang suriin ang tama nito ng baril sa may tagiliran. Mukhang marami nang nawalang dugo sa kanya.

"Goyo ikuha mo ako nang maligamgam na tubig, palanggana at pamunas. Magdala ka rin ng kutsilyo dalian mo.'' pagka-sabi ko non ay agad siyang lumabas para kumuha ng mga sinasabi kong gamit.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon