Tulala akong nag-iisip sa nangyari sa amin ni Yvo. Hindi makapaniwalang nagawa ko iyon at sa kanya mismo.Parang pangarap na naabot!
Uminit ang pisngi ko sa pinag iisip kahit tirik ang araw.
"Ang ganda.. I'm so excited." Si Seiko at Ara ay parehong abala sa pag suot ng gown, samantalang ako mukhang tulog pa dahil sa ilang araw na hindi maiwasan ang paglahanga sa kalandian.
"Ano na Selena? Naghihintay ka ng white horse bago mag bihis ah. Sayang make-up mo girl. Baka makalimutan mong this is your first time.." Si Seiko.
"Bilis na.." Hinila ako ni Ara at ipinasa sa tatlong babae na tutulong sa akin para magsuot ng damit.
Bago ako magpunta dito sa condo ni Seiko ay tumawag na si Yvo para doon nalang kami magkita. Ayaw ko man dahil mas gusto ko ang sunduin niya ako at sabay kami pumunta ay hindi rin naman mangyayari. Alam ko na si Kara ang kasama niya, hindi na mahirap sa part ko dahil alam ko na ang kinalalagyan niya kay Yvo ngunit hindi ko mapigilan isipin kung paanong totoo na kasal na sila ni Kara?
Hindi ko na tinignan ang sarili sa salamin. Basta nalang ako lumabas sa kwarto dala-dala ang pouch ko na LV.
"You're so beautiful. WTF.." Natatawang sabi ni Ara.
"Magpapangit ka. Jusko naman, normal staff pero tignan mo naman tung gown at ganda.. Samahan pa ng bag na mamahalin. Hala papangitin yan."
Napailing nalang ako sa dalawa, kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa at tsaka inipinasok sa pouch.
"Selena I'm not joking. agaw pansin ka doon." Habol pa ni Ara. "Then let them know me." sagot ko bago pumasok sa sasakyan ni Keb.
Halos rinig ko na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba habang papalapit sa event. Natatawa si Keb pero hindi ko siya pinansin, hinayaan ko parin sumunod iyong mga guard ko kahit pa na sa exit area ako dumaan.
Iyon ang gusto ni Kuya Sirius para hindi ako makasabay sa ibang dadado at baka may makakilala kaagad sa akin.
"Inhale! Tapos wag kalimutan mag exhale." Si Keb ng pumarada ang kotse sa likod ng gusali. "Take note Selena lahat ng guards na nakabantay sa loob ay tauhan ng pamilya natin. Lahat sila ay nakakakilala sayo. Whatever happens they will follow your order syempre pati namin. Incase of emergency press this." Isang maliit na button ang idinikit niya sa pouch ko. Hinalikan ako sa noo at bahagyang tinapik ang balikat.
"Enjoy yourself. Be sure na walang makakakilala sayo kung ayaw mong mapahamak ng mas maaga. keep safe." Bilin niya at tuluyan na akong lumabas sa sasakyan.
Hindi magkanda-ugaga ang kitchen staff ng pumasok ako sa area nila. Doon ako unang pumasok dahil masyadong magulo pa sa labas. Kaming mga staff naka maskara ngunit hindi parin siguradong walang makakilala sa akin.
"Wag kayong kabahan. Kapalpakan niyo ay kapalpakan ko. Kaya isipin niyo nalang na sanay maging maayos itong event natin."
Nakangiti at sabay tumango ang nga naroon. Pinuri nila ako sa suot at sa ganda ko pero hindi ko na iyon binigyan ng atensyon. Natanggap ko ang mensahe ni Honey pagkatapos ng ilang minuto. Naroon na ang lahat ng guest at nasa likod sila para ma-huide iyong mga waiter sa pagsimula ng program. May mensahe din Yvo ngunit hindi ko kaagad binuksan dahil mas inuna ko iyong kay Kuya Sirius.
From: Sirius
Enjoy my princess. Wear your mask.Huminga ako ng malalim bago sinunod ang utos ng aking kapatid, pagkalabas ay nakita ko kaagad si Honey na papalapit sa akin. Nakilala ko kaagad siya kahit hindi nagtanggal ng masakara.