Kabanata 1

18 0 0
                                    

Kabanata 1

Kid

Kahit may iilang pinagtitinginan ako, hindi ako nagpatinag. Hindi rin nagtagal ay natagpuan ko ang hall kung saan gaganapin ang orientation para sa unang araw. Bago makapasok ng tuluyan sa loob, kinakailangan munang mag sign-in para sa attendance. I admit, excited ako sa kung ano ang magiging takbo ng buhay ko lalo na't first time kong mag-transfer ng school. Bagong buhay, bagong kaibigan, bagong education system at bagong environment.

Sa dati kong school, my reputation was important to me. I was an honor student in that institution ever since I was in kindergarten kaya I have to maintain my grades para makapasok palagi sa Top 10 dahil kung hindi, issue nanaman. Isa iyan sa mga ayaw ko sa previous school ko. Bawat galaw, bawat kilos at bawal desisyon, issue kaagad. Nasobrahan ata sa cctv ang school namin eh. Ngunit sa huli, natuto na rin akong huwag magbigay ng pake. Ang lahat ng ginagawa ko ay para lang sa sarili ko at para na rin sa mga magulang ko. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong ibalanse ang pag-aaral at ang paglalaro.

Malapit na ring mapuno ang venue at nagseset-up na ng mga microphone at projector ang mga officers at teachers. Naka-aircon ang buong hall at ang mga upuan ay kulay pulang mga theater seating. Pinili kong maupo sa pinaka-likod, ang una sa bandang kaliwa para madaling makalabas mamaya.

Yuna Rivelle Ciervo
Grade 11 - Senior High Department

'Yan ang nakalagay sa aking nametag at medyo nakaka-inis dahil hindi ko man lang maayos na naisulat ang pangalan ko. Paano ba kasi ang sikip sikip ng lugar kung saan kami nagpipila para kumuha ng nametag at doon din sa mismong table kami nagsulat kaya medyo minadali ko ang paglagay ng pangalan ko kasi may mga tumutulak sa likod at para na rin maka-alis.

"Goodmorning Senior High! Welcome to this year's orientation!" Sigaw ng isang maputi at chinitang emcee sa harap na may kasama ring lalake na gaya niya ay may hawak din na microphone sa kamay.

"Hi, I'm Sofia Yap.."

"I'm Caleb Bautista.." Pakilala ng lalaking nasa stage.

"And we are your hosts for today!" Sabay nilang bati.

"Now, let us hear the voices from each level! Let's hear the Grade 11?!" Nakakabinging hiyawan ang bumalot sa buong hall lalong lalo na ang katabi kong mga babae na tumayo pa talaga at nagwagayway ng kanyang mga kamay. Girl, you're extra.

"And let's also hear the Grade 12!" Mas malakas ang naging cheers ng kanilang batch. Nagulat ako nang sumigaw ulit ang katabi ko. Seriously, ano ba talaga ang grade level nito? Trip mo lang?

I was annoyed the whole time and it was because of the girl beside me. She won't shut up! Dahil sa kadaldalan niya, nalaman ko na Grade 12 nga siya at naghu-hunting daw ng mga cute at poging Grade 11. Nalaman ko rin na noong summer, nagpa-brazilian wax siya bago raw sila mag outing kasama ng mga pinsan niya at nagkita sila doon ng bagong girlfriend ng ex niya.

"She must have one heck of a thick bush down there kaya nahiya kay Michael. Knowing him, he wants it clean." Ni hindi man lang hininaan ang boses niya. So weird!

Kaya naman nang natapos ang orientation, tumayo na ako agad para makauna sa sign-out. Ang sabi, bukas daw ay sa classroom na kami mag-oorientation tungkol sa mga rules and regulations sa bawat silid. Ngayong hapon naman, we're free to do whatever we want. Pagkatapos kong mag sign-out, pumunta na akong cafeteria dahil saktong lunch time na. Dalawa raw ang cafeteria ng school. Ang isa ay para sa Elementary at Junior High. Ang kabilang cafeteria naman ay mas malawak at malaki dahil doon ang Senior High pati na rin ang mga College students. Pumapagitna kasi iyon sa building ng Senior High at College.

17 Minutes of DespairWhere stories live. Discover now