Sinundo ako kaagad ng advisory class ko. Sina Carlo, Aeron, Mariel at Cjay.
Saktong 7:30 am nag umpisa kami ng klase. Ito ang pinaka gusto kong klase sa lahat lalo na at masaya silang turuan dahil hindi sila nag iingay sa oras ko.
"Plus one point sa quiz!" natutuwa kong anunsyo habang nagkakagulo sila sa pag taas ng kamay.
Tinawag ko si Carlo, ang pinaka matanda sa klase ko. Dalawampung taon na ito, mabuti na lang at mabilis syang nakakasabay sa klase. "Andres Bonifacio, Ma'am!" wika nito habang may ngiti sa labi. Nakatutuwang makita silang hindi magkamayaw sa pagsagot.
"Okay, for 5 points! Sino ang unang tao na nagwagayway ng watawat ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898?"
"Dr. Jose Rizal?" ani Marinella na hindi sigurado sa sagot. Malamang ay manghula na lamang sila para sa malaking points. Hahaha!
"Emilio Aguinaldo Ma'am!" proud na pagsagot ni Mariel.
"Noon ay yan din ang alam ko. Pero noong nabasa ko sa isang page na isa palang malayong kamag-anak raw ni Dr. Jose Rizal ang totoong nag wagayway nito. At, hindi sa isang balkonahe." paliwanag ko sa kanila. Muli naman nanumbalik ang katahimikan.
"Si Ambrosio Rianzares Bautista." agad na napukaw ng batang sumagot ang aking pansin. Si Jake. Tahimik na bata pero kapag nagsalita ay alam kong may laman.
"Okay, 5 points for jake. Hahaha ang galing ha. Saan mo nalaman iyon?" tanong ko rito. Sapagkat ilan lamang ang nahihilig ngayon sa Philippine History. "Kasali po ako sa page na sinasabe nyo Ma'am. Hehe." nahihiya nitong sagot. Hmm, mukhang may isang nahihilig dito sa History gaya ko.
"Ma'am. Matalino din po kayo gaya ni Jake nung highschool kayo?" tanong ni Jerald na pinaka madaldal sa klase ko. "Hindi. Normal na estudyante lamang ako noon. Dahil naniniwala ako na hindi naman mahalaga kung matalino ka at laging nangunguna sa klase." tumigil ako saglit para tignan silang lahat dahil sa nakabibinging katahimikan. Mukhang interesado sila hahahaha. "Ang mahalaga sa akin noon, hindi dapat lilipas ang isang araw na wala akong natututunan kahit isang salita, isang formula. Ganoon lang. Ang mahalaga, mabuti kang estudyante, at mabuti kang tao. Yan ang lagi nyong tandaan. Tignan nyo ako ngayon, hindi matalino pero isang teacher na." pagmamalaki ko sa kanilang lahat.
"Eh ma'am meron- -" hindi na natapos ni Jerald ang sasabihin nya dahil alam kong dadaldalin nya lamang ako para lumipas ang oras at hindi na makapag klase. Hahahaha akala netong batang to. "Wala Jerald. Okay get one whole sheet of paper- -" hindi pa man ako natatapos ay agad na umalingawngaw ang hindi nila pag sang-ayon sa akin.
"Maaaaaaaam!!!!!" sabay sabay nilang pagtutol. "Hahahaha biro lang. Alam nyo naman na hindi nyo ako madadala sa mga paganyan nyo e. Now, write a trivia about Philippines and that will be our oral recitation para bukas. It should be something na hindi alam ng karamihan. Okay?"
hindi naman sila sumagot sa pagkakataon na ito. Ewan ko sa mga batang ito. Hahaha."Ma'am bago kayo umalis. Ano po ba ang real score sa inyo ni Sir. Kent? Nakita po namin kayo na magkasama sa pathway." mausisang tanong nitong si Jerald. Ang daldal. Talagang hindi ako titigilan hays. "Ang issue mo talagang bata ka. Walang kung ano mang meron samin ni Sir. Naki connect lang sa wifi e kayo naman." pagtatanggol ko sa amin ni Sir Kent. Hay nako.
"Bakit mo naman tinatanggi yung kahapon, Ma'am Rhea?" sa boses na ito ay bigla akong napalingon sa pinto. Agad na nag init ang pisngi ko. Ano ba tong sinasabi ng matandang 'to?
"AYIEEEEEEEEE!!!"
"SABI KO NA BARBIE HAHAHA."
"KILIG SI MA'AM HAHAHA YIE" at sari saring pang aasar pa. Bakit ba laging sumusulpot sya ng ganito? Hindi ba at oras ng klase hindi dapat sya ganyan kumilos. Hays pasaway katanda tanda na. Napawi lamang ang init na nararamdaman ko nang magsalita sya ulit na ikinatahimik ng mga bata. "Joke lang! Hahahaha. Kayo talaga ang hilig nyo mang issue. Ipapaalala ko lang ang presentation nyo saken mamaya. Goodluck!" hays. Whoo. Nakahinga rin ng maluwag.Dumaan ang maghapon. Naging maayos ang presentasyon ng klase ko sa P.E. nila kay Sir Kent
Matapos kong gawin ang mga naka schedule kong paperworks para sa lunes, nahiga muna ako sa kama sa loob ng kwarto ko.
Nag iisa akong anak ng tatay ko. Matapos mamatay si Mama ay nakapangasawa sya ng isang babaeng byuda na din. Hindi naman ako tumutol dahil alam kong masaya sya don eh. Pero nitong nakaraang bwan hindi na ako komportable. Masyadong pakealamera si Tiya Ason, at ang anak nyang si buboy ay tambay lang. Si Papa naman lasenggo. Nasanay na akong magpanggap na mag isa dito sa bahay, pero ginagawa ko pa din ang responsibilidad ko bilang anak kahit papaano.
Nang makarinig ako ng sunod sunod na katok ay agad ko itong binuksan. "Rhea. Tulungan mo ang kuya buboy mo. Nasa presinto ngayon!" naluluhang sabi ni Tiya Ason. Nasapo ko na lang ang noo ko, dahil hindi na ito bago. Basag ulo talaga si Kuya Buboy noon pa man, pero dahil sa awa ko kay Tiya ay sumama na ako sa kanya sa Barangay.
"Hindi ko naman ho magagawa yon. Lalaki ho ako kap pero hindi ho talaga. Basag ulo lang ako pero hindi ako manyak. Sarili kong girlfriend gagalawin ko ng walang permiso? Kap naman!" namumutlang paliwanag ni kuya buboy. Bakas sa mukha nya ang kaba, konti na lang siguro ay iiyak na.
"Kap, ano ho bang nangyari? Nasaan ang girlfriend ni kuya buboy. Nasaan ang nagrereklamo?" tanong ko sa Kapitan namin na si Kapitan Reyfin Nioco. Anong klaseng reklamo ba ito, wala ang complainant. "Ah ganito kasi Ma'am. Ang sabi ng biktima na si Joyce, girlfriend nitong si Buboy e pinilit daw sya makipag talik. Hindi na namin sya inimbitahan dito kasi respeto na lang sa kanya hindi ba?" magulo nitong paliwanag. Ha? Hindi dapat ganoon diba. Kailangan malaman ang nangyari sa dalawa hindi yung isa lang ang pakikinggan.
"Kuya naman kasi. Bakit mo nagawa yon?" tanong ko kay kuya. Sa dami dami ng problema na pwede nyang gawin eto pang pamimilit sa babae. "Anak naman! Bakit mo pinilit? E diba nahuli ko na kayo dati sa kwarto ko noon?" hahaha. Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi ni Tiya Ason.
Mahabang paliwanagan. Pero ako? Umuwi ako at natulog. Matanda na si kuya, dapat lusutan nya yung ginawa nyang problema. Hays.
-
Napahaba ang update ko dito. Again, this is an unedited chapter.Enjoy reading! :*
BINABASA MO ANG
Sunset
General FictionIsa sa masakit na karanasan ng isang tao ay ang pagharap sa masakit na katotohanan. Maaring maging dahilan ito ng pagkabigo, pagluha o di kaya naman ay pagbabago. Si Rhea, isang dalagang bago pa lamang sa propesyon ng pagiging guro. Hindi dahil yun...