Continuation :)
-Napabangon na naman ako nang mag ring ang cellphone ko.
"hello."
"Rhea si buboy to. Tulungan mo 'ko awa mo na. Hindi ko talaga ginawa. Girlfriend ko yon bakit ko rerapin diba? Ilang beses na naman ginawa yon. Nakita nya kasi na may kasama akong babae sa isawan kahapon kaya gumawa sya ng paraan para siraan ako at gusto nyang makulong ako. Rhea maniwala ka sakin hindi ko kaya yon. Promise." sa pagkakataong ito ay medyo nakakaawa na ang boses nya. Sa sobrang kasanayan ko sa ganitong sitwasyon parang normal na lamang sa akin. Hays. Paano kung totoo nga?"Kap, nandyan na ba si Joyce?" Tanong ko rito dahil hindi ko natiis ang kuya buboy. "Yes ma'am nandito na po. Simulan na po naten. Buboy at Jouce lipat kayo dito sa may lamesa." Agad naman kaming umayos ng pwesto. Medyo madaming tao, ang mga kamag-anak ni Joyca ay pinuno ang meeting room ng barangay hall.
"Ala eh kasi naman buboy bakit mo pinagsamantalahan areng si Joyce. Ay akala mo nama'y kaganda ganda mo ding lalaki ano?" malakas na boses ang intro ni Tiya Mirang. Kapatid ni Papa na number one chismosa sa barangay.
"Tiya, usap na ho. Kayo ho ay hindi kasale dine. Hayaan nyo naman ho mag usap ang dalwa." ani ng secretary ng barangay. Tama nga naman.Hindi ko na alam ang gagawin kay kuya buboy. Lagi na lang ganito. Bakit hindi sya maghanap ng trabaho para hindi sya patambay tambay at pinagsasamtalahan ang girlfriend nya?
"Tapusin na natin to Buboy. Hindi ko alam ang sasabihin sa ginawa mo saken. Nahihiya na akong lumabas." Umiiyak na sabi ni Joyce. "Hindi mo dapat ginawa yon. Hindi.." umiiyak pa rin ito habang nasa bisig ng ina sa gilid nya. "Joyce naman! Kahapon ay nasa isawan ako. Paanong gagawin ko yon sa iyo? Ika'y mahal na mahal ko kung alam mo laang!" Umiiyak na rin si kuya buboy. Kung inaamin na lang kasi nya, di sana pwede pang areglohin 'to. Hindi naman ako abogado e, hays. Lord!
"Kapitan, nandito si Piyong! Tignan nyo ang History ng oras na huling laro namin ng mobile legends. Anim na laro kap simula alas dose ng tanghali hanggang alas kwatro ng hapon. Are ho! Inyong tignan, lose streak pa nga ho." At makikita roon ang oras ng mga laro ni kuya. "Naroon ho ako maghapon sa isawan, kasama ko din ang anak ni aling Kusing na tindera doon. Aming kakwentuhan maghapon." muli nyang paliwanag.
Maaari kayang ginagawa lamang ni Joyce ito kasi nagseselos sya sa kasamang babae ni kuya buboy?
"Kung gayon, joyce. Anong oras ba nangyari ang sinasabi mo laban kay buboy?" sa wakas tumama din ang tanong ni kap. "Mga... ano. Bandang alas dyes ng umaga." bakas sa sagot ni Joyce na hindi sya siguro. At parang nahihiya. Ano ba kasing nangyayari?! "Tulog pa ng ganyang oras ang anak ko. At nakita kita sa SM nang umaga kahapon joyce! Bruhildang to. Nag shoshopping ka tapos pinagsamantalahan ka?" galit na giit ni Tiya Ason. Napapa buntong hininga na lang ako.
Case solved. Hay nako, pahamak na selos.
Umuwi kami sa bahay at nadatnan na mahimbing na natutulog si Papa sa sofa.
Ganon ba kalaking problema ang nagagawa ng pag ibig na yan? Ang immature naman. Tsk."Salamat Rhea." boses ni kuya buboy na nasa tabi kong sumisimsim ng kape.
"Ewan ko sayo. Kung nagpapaka tino ka lang sana." Sagot ko rito. Kahit na ni minsan ay hindi sya nakinig sa akin.
"Rhea. Hindi lahat ng narinig mo sa ibang panig ay totoo. Siguro mali ang maging tambay pero ni minsan hindi ako naging manyak." Paliwanag nito. Natamaan naman ako. Bihira lang kasi na paniwalaan ko sya, ewan ko ba."Hindi lahat ng salitang naririnig mo ay totoo. Kahit gaano mo kakilala ang tao. Ginawa ni joyce yun dahil sa sobrang selos. Napaka babaw. Nakakabaliw ang pag ibig, nakakadala mag jowa hahaha." Kahit na pabiro ay tumatak sa akin iyon.
Hindi na ako makatulog simula nang makausap si kuya buboy. Muli na namang bumabalik sa isip ko ang nangyari kay mama, at kay Ambo.
Bata pa ako noon nang mamatay si mama. Ang sabi ni papa ay umalis si mama, pero makalipas ang ilang linggo ay nalaman ko sa iniwan na sulat ni mama sa cabinet ko, na dahil kay papa kaya sya umalis. Araw-araw syang sinasaktan at hindi na nya makayanan. Kaya lumayas sya, pero nabangga ang sinasakyan nyang tricycle. Ayun, deads.
Mula noon naging loner ako sa school. Pero may isang kaibigan na hindi nawala sa tabi ko mula noon. Childhood friend at greatest friend ko na ding maituturing si Ambo, pero ang sabi nga nila habang tumatanda ka ay dumidistansya ka sa mga taong hindi nakakabuti sayo. That's the story.
-
Maiksing UD ngayon. continuation lang po yan hehe.
Happy reading! :*
BINABASA MO ANG
Sunset
General FictionIsa sa masakit na karanasan ng isang tao ay ang pagharap sa masakit na katotohanan. Maaring maging dahilan ito ng pagkabigo, pagluha o di kaya naman ay pagbabago. Si Rhea, isang dalagang bago pa lamang sa propesyon ng pagiging guro. Hindi dahil yun...