Here's the update! Thanks for waiting :)
-Since sabado naman ngayon, minabuti kong mamili muna, bago dumaan sa school.
"Hi ma'am. Ako na po babayad, san po ba kayo?" ani Jelay, Grade 10 pero nasa Section C yata tong batang to? "Ah dyan lang ako sa kanto. Salamat ha!" At nagkwentuhan kami saglit hanggang sa makababa ako ng jeep.
Masarap ang maging teacher. Kahit nasa labas ka, nirerespeto ka ng mga estudyante. Hahaha nakakalibre pa sa pamasahe!
"Babe, dito tayo oh!" boses ng babaeng bumunggo sa akin dahil sa paghila sa jowa nito. Ganyan ba talaga kapag inlove? Totoo? Ang korni ha. Tss.
"Mahal, say ahhhhh." Hmm, mga nagsusubuan na couple. Bakit dito sila nag didisplay ng ganto? Ang korni din. Napa irap na lang ako nang makalampas sa kanila.
Hmm, anonh flavor ba ng siomai ang masarap? Maybe chicken okay na, tapos iprito ko na lang. Yum!
Naglagay ako ng dalawang pack ng siomai sa cart, at mga essential needs gaya ng napkin, tissue, sabon at madami pang iba. Pero syempre hindi mawawala ang..
Beer.
Wag nyo 'kong i-judge. Umiinom ako nito kapag malungkot ako. Naglagay ako ng 4 cans sa cart, at ang paborito kong Cracklings spicy flavor, at hindi mawawala ang spicy bulalo na cup noodles.
Medyo fan ako ng maaanghang eh. Noong college ako, sobrang dami kong bisyo. Pero natigil. Kasi hindi magandang ehemplo sa mga magiging estudyante ko.
Napapa tingin na lang ako sa mga mag asawa, at magjowa na namimili din dito. Pasensya na pero hindi ako naiinggit. Hmp.
Naiinis akong tumingin sa mga may push cart din, hindi ko naman nakita ang kasalubong kong cart na puno ng laman. Biglang sumimangot ang nagtutulak nitong ale. "Ano ba? Bulag lang teh? Dimo ba nakita itong tulak tulak ko oh andame. Anlaki laki ng cart ko tapos hahara hara ka?!" Bulyaw nito sa akin. Ha! Ang sama naman ng araw ko. Lord help me.
Pinakalma ko muna ang sarili ko saka nagsalita, "Pasensya na po. Hindi ko po napansin kasi paliko na dapat ako." Paliwanag ko. Isa sa mga natutunan ko sa pagiging guro? Habaan ang pasensya. Yung sobrang haba, mahaba pa sa pila ng relief goods.
"Ah ma'am, let me help you nalang po. Papunta na po ba kayong counter? Dito na po kayo ako na bahala."
Isang matipuno, moreno, matangakad, gwapo, at.. mabangong lalaki ang nakatalikod sa akin. Wait, paano ko nasabing gwapo e nakatalikod? Erase erase! Ang bango kasi. Nagpunta na sila sa counter at naiwan akong namimili ulit.
Ang bango. Shems!
Nakakawalang gana naman. Tapos hindi ko pa nakita kung gwapo nga. Hayyyys.
"Mabango pala huh?" at...
Sir Kent?
Paanong.. ha? Hatdog na araw to. Bakit kanina hindi naman nya kaboses? "Teka, ikaw yon?" naguguluhang tanong ko. "Bakit iba boses mo kanina?" Sunod sunod kong tanong at imbis na sagutin ay tinawanan lamang nya ako.
"Yung mabango? At.. gwapo? Hmm mukhang ako nga yon, Ms. Rhea? hahahahahaha" at tumawa na naman ang mokong. Aish! Bat ba sya nandito. At anong mabango at gwapo, may sinabi ba akong ganoon? Wala diba. "Ahh.. wala akong sinabing mabango Sir. At lalo nang wala akong sinabi gwapo. Sige mauna na ako." Paalam ko rito habang tulak tulak ang cart ko papuntang counter.
"Umiiwas ka yata? masyado ba akong mabango para iwasan? Hahahaha" ako lang ba yung naiirita sa tumatawang nang aasar? Aish! Bakit ba kasi nandito sya. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa counter.
Nakasanayan ko na mag isa lumabas. Mga co-teachers ko syempre may kanya kanyang buhay. Hindi naman ako palaging malungkot, kapag may nakikita lang akonh sobrang daming tao na may kasama, may katabi. Masyado pa akong bata para damdamin ang gantong pakiramdam.
Sa paglalakad ko habang bitbit ang mga bag ng pinamili ko, nang biglang may kumuha nito sa kamay ko..
"Ano bang.." hindi ko natapos ang sasabihin ko sa pagkabigla at nang makita kung sino ang kumuha ng mga dala ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Naramdaman ko na lang bigla yung freshness ng hangin dito sa labas ng mall. Nakasisiguro akong may hangin dahil ramdam ko naman iyon, pero parang kinakapos ako ng hininga.Paanong..
Ambo? Si ambo? Teka..
Lagot ako pag nakita ni Sir Kent.. wait! eh ano naman diba?"Daven.."
"Rhea, ganda."
Hindi pwede. Sya nga!!!
"Hindi ka pa din nagbabago ganda, ang liit mo pa din."
Sa mga ngiting pinakawalan nya, ang una at huling beses na nakaramdam ako ng walang alinlangan na saya, walang halong kaba, at 1% na inis.
-
Hmm, whuttt do u think? Sino si Daven? Secret! Hahahahaha.Follow me on twitter guys for more updates!
Twitter: aliciá_
BINABASA MO ANG
Sunset
General FictionIsa sa masakit na karanasan ng isang tao ay ang pagharap sa masakit na katotohanan. Maaring maging dahilan ito ng pagkabigo, pagluha o di kaya naman ay pagbabago. Si Rhea, isang dalagang bago pa lamang sa propesyon ng pagiging guro. Hindi dahil yun...