CHAPTER 6
Masakit ang ulo na nagising si Blythe at mas lalo pa iyon sumakit ng pilitin niya maupo mula sa pagkakahiga. Ibinalibot niya ang paningin sa buong kwarto at napagtanto na nasa sarili niya siyang kuwarto, nakahinga naman siya ng maluwag dahil duon
Nang mapatingin sa bedside table niya ay may orange juice duon at dalawang tabletang kulay asul na oblong ang anduon at may note pang nakalagay na 'Drink me' and 'Eat me'
Matapos iyon inumin ay natulala naman siya at binalikan ang mga nangyari kagabi at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng maalala ang nangyari sakanila ni Thanatos
"Is my mind playing tricks on me?" hindi pa din siya kumbinsido na andito nga sa bahay nila ang binata kagabi kaya naman nagshower muna siya at nagbihis ng pambahay bago bumaba
"Good morn-" napahinto si Blythe sa pagpasok sa dining area at pagbati sa mga ito ng makita kung sino ang kasama ng magulang niya
JM is there beside her mom, then her cousin Shaela is one seat apart to Thanatos and in the left side of Thanatos is her dad
Tinignan niya ang mga ito isa isa dahil lahat ng nasa hapag na iyon ay napahinto sa pagkain at parang may dumaang demonyita este anghel sa biglang pagtahimik ng mga ito
Her mom is just looking at her with no emotions just like her dad, then JM has a small smile for her and she can see those scratch and some visible bruise on his face cause of what happened yesterday, Shaela is grinning at her, and Thanatos is looking at her straight to the eye
Agad siyang nag iwas ng tingin dito at masigla ulit na bumati sa mga ito kahit pa nga parang lalabas na sa dibdib ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok nun "G-Good M-morning!!!" binati naman siya ng mga ito at umupo na siya sa pagitan ni Thanatos at Shaela
Pasulyap sulyap naman sakanya si Thanatos kaya hindi siya makakain ng maayos kaya agad na lang niya binilisan ang pagkain at nagpaalam na sa mga ito na duon muna siya sa veranda
Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin para kumalma kahit papano bago kausapin ang binata dahil sa nangyari kagabi.
YOU ARE READING
Wonderful Tonight
Acak"You are the beginning of my night but you are also the end of our wonderful night" -Blythe