3

5 1 0
                                    

Linggo ngayon at wala akong ibang gagawin kundi ang linisin ang buong bahay namin dahil naging sobrang busy ako sa nakaraang linggo at parang binahayan na ng mga alikabok ang bahay namin. Hindi ko nga maintindihan, ako nalang nga mag-isa ang naninirahan dito tapos magiging ganito pa ka dumi, dinaig ko pa ang buong baranggay sa dumi.

Inuna ko muna ang kwarto kong linisin at tinupi ang mga natuyo at malinis kong mga damit. Sa t'wing naglalaba at nanunupi ako ng mga labahan ay sila nanay at tatay ang palagi kong naiisip. Si nanay kasi 'yung naglalaba tapos si tatay naman ang nanunupi ng mga nalabhan na mga damit namin at ng mga customer ni nanay.

Kailan n'yo ba kasi ako babalikan?


Pagkatapos kong tupiin lahat ng dapat tupiin ay sinunod ko naman ang kwarto ni tatay at nanay. Limang taon na ang nakalipas pero wala paring pinagbago sa kwarto nila. Kung anong itsura ng iwan nila ito ay ganun din hanggang ngayon, 'yon nga lang may mga niligpit lang akong nga gamit nila at nilagay sa mga karton para hindi ito madumihan ng husto.


Di parin ma alis sa aking isipan 'yong gintong kwentas na nakita ko minsan sa mga gamit nila. Saan kaya galing 'yon? Di naman sila mahilig sa alahas at mahirap lang kami para maka bili ng ganon ka gandang gintong kwentas.


Bakit parang 'andami ko pang hindi alam sa kanila? E mga magulang ko naman sila pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may kulang. Ewan ko lang kong ano.


Natigil ang pag hahalungkat ko ng mga gamit nila nanay nang may kumatok sa pintuan.


Sino kaya 'yon? Wala naman akong inaasahan na besita at alam kong busy rin si Matti sa pag aaral ngayon dahil graduating student na siya. Magkasing edad lang kami ni Matti pero mas nauna lang akong grumaduate sa kan'ya dahil natigil siya ng isang school year dahil nagkasakit siya ng pulmonya at kinaylangan niyang dumaan sa maraming pagsusuri upang gumaling at sa awa ng diyos ay gumaling din siya.


"May tao po ba?" tanong ng isang lalaki habang kumakatok sa pintuan.


"Meron, Sandali lang!" Patakbo akong sumagot sa lalaking kumakatok, habang inaayos ang sarili ko dahil nadumihan ako habang naglilinis.


Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang malaking teddy bear na kulay pink na nakahawak ng malalaking kumpol ng santan, na hawak ng isang delivery boy. Peke ang mga bulaklak ng santan pero nagmistula itong totoo dahil sa ganda nito.


"Para kanino po 'yan?" takang tanong sa lalaking delivery boy.


"Kayo po ba si Adina Lorette?"


"Ako nga po, bakit?"


"Para sa inyo po itong gift set na inorder mismo sa tindahan namin sa Alkand."


"Ha? Baka ho nagkamali kayo, wala po akong inorder na ganiyan."


"Ay nako, pasensya na ma'am medyo nagka lituhan tayo. Inorder po pala ito ni Sir Matti Dabis sa mismong tindahan namin sa Alkand at gusto niyang ipadala ito sa address nyo at nakalagay din po dito ang pangalan n'yo." Nahihiyang paliwanag ng delivery boy sa akin.


Ano ba namang pakulo ito Matti? May nagawa ka bang kasalanan? Nakakatawang tanong ko sa sarili ko.


"Ay ganon po ba, sige po pakilagay nalang sa sofa kase medyo mabigat siyang tingnan baka hindi ko kayaning buhatin sa sobrang laki."

Pagkatapos ilagay ng delivery boy ang teddy bear sa sofa ay pinapirma niya ako sa kopya niyang resibo na nagsasabing nakuha ko na ang pinadala ni Matti sa akin.


The Truth Untold Where stories live. Discover now