Masigla akong gumising kahit alas sais pa lamang. Unang araw ng workshop namin at excited na ako. Alas diyes naman 'yon pero dahil laging traffic kailangan kong bumangon at maghanda ng sarili ng mas maaga.
Binigyan ko ang sarili ko ng ten minutes para mag scroll scroll muna habang nakahiga, pagkatapos 'non bumangon na ako at bumaba sa kusina para mag almusal.
"Good morning ma" I kissed her on her head.
"Breakfast ka na anak" tumango ako at kumuha ng plato, kutsara't tinidor saka baso.
Naglagay ako ng kaunting fried rice, scrambled egg at bacon sa plato ko. Sinalinan ko rin ng apple juice ang baso ko.
Nagkkwentuhan kami ni mama habang kumakain, binasa niya ang newspaper na naglalaman ng article tungkol sa proyekto namin ni Raziel. Kinilig ako.
Nasa newspaper na ako at hindi katarantaduhan ang dahilan kung bakit ako featured doon!
I'm wearing a white long sleeve polo na finold ko hanggang siko, maong pants and white sneakers. Nag spray ako ng pabango habang inaayos ang collar ng polo ko.
Nag apply ako ng kaunting lip and cheek tint saka ako ngumiti sa repleksyon ko sa salamin.
"Fighting!"
Kabado ako habang nasa sasakyan. Ang daming what ifs na bumabagabag sa isip ko.
What if mabulol ako?
What if hindi lumabas ang luha ko?
What if hindi maganda ang pag arte ko?
What if wala kaming chemistry ni Raziel?
What if marealize nilang bano ako umarte at isipin nilang palitan na lang ako?
Walang katapusang what ifs! Nakarating na kami sa Star Ent. na iniisip ko pa rin ang sandamakmak na what ifs yan.
Huminga ako ng malalim bago ko tinulak ang glass door ng workshop room, andoon na ang ilan sa mga kasama kong cast ng project. Ngumiti sila sa akin at binati ako.
"Good morning, Harriette. I'm Soleil, I'll be playing Brittany" tinanggap ko ang kamay niya, siya pala ang kontrabida sa project na 'to.
Lumapit rin ang iba at nagpakilala. Mabait naman silang lahat, nag groufie pa kami gamit ang cellphone ni Soleil at pinost niya iyon sa kanyang instagram.
"Sayang wala pa si papi Raziel" she giggled. Maaga pa naman kasi. Thirty minutes pa bago magsimula ang workshop.
Napalingon kaming lahat nang bumukas ang pinto, Raziel flashed a smile at agad na napuno ng tilian ang kwarto.
God, he's such an eyecandy.
Naaya rin siya nila Soleil mag groufie, pinagtabi pa nila kami at tinukso tukso na bagay kami.
Ano ba parang mga sira! Louder pls!
"Ready?" Napalingon ako at nakita si Raziel na pinapasadahan ng daliri ang kanyang buhok. Ang gwapo niya pala lalo kapag walang hair product ang kanyang buhok. Yung chill lang, mas gwapo siya.
"I'm nervous"
"I'm here to guide you" he tapped my back.
Guide me to your heart, sir. Chos!
Nagkwentuhan muna kaming lahat habang hinihintay ang mentor. Magkatabi kami ni Raziel kaya tahimik lang ako at nakikinig lang, ganon din naman siya.
BINABASA MO ANG
Even When It Hurts
RomantikMarriage isn't "I promise to love you until I stop loving you" its "I promise to make a conscious decison to continue to love you even when it hurts because I'm aware no one is perfect, but you are worth it"