( Kabanata 2 )
"May tanong po ako... I-Ina." nailang pa si Miracle nang sabihin ang huling salita.
"Ano iyon?"
"Ano po yung sinasabi ninyo na misyon ko po? and how did you understand this language?"
"Sabihin nalang natin na... napaghandaan ko ang pagbabalik mo."
"Pagbabalik? it means... nanggaling na ako dito?"
Ngumiti lamang si Melissa sa anak saka ipinagpatuloy ang pagluluto para sa hapunan. Hindi na lamang nagtanong pa si Miracle, nakanguso nyang pinanood kung paano pakuloan ng kanyang ina-inahan ang hito na nabili nito sa naglalakho ng mga isda kanina.
"Isa akong babae na may kakayahang makilala ka kahit pa hindi ngayon lamang kita nakita, kaya ko ring tingnan ang magiging kinabukasan ng Sulbidamya."
Nabibiglang napatingin si Miracle kay Melissa. Medyo nagduda pa sya sa sinabi nito ngunit nang makitang seryoso ito ay agad syang napangiti. Ayon na naman ang hilig nya sa pakikinig ng kung ano-anong kwento, maging ang hilig nya sa pagtatanong ng kung ano-anong mga bagay.
"Talaga po?"
"Oo, gusto mong hulaan ko ang buhay na mayroon ka sa kasalukoyan?"
"Opo! Opo!" magiliw na umayos ng upo si Miracle.
"Isa kang batang babae na nagmula sa isang marangyang pamilya." madiin ang titig ni Melissa sa mga mata ni Miracle, parang pinapasok nya ang kaluluwa ng bata, "Tsokolate ang hilig mong kainin sa tuwing nalulungkot ka."
"Wow! tama po!" hindi napigilan ni Miracle ang pumalakpak sa bilib, "Eh may tanong po ako."
"Ano naman iyon?"
"Eh 'diba po sa Sulbidamya, pag nag five years old na ang bata, magsasanay sya? eh bakit po may nakalaro ako kanina na mga bata? bakit hindi sila nagsasanay?"
Nang kumulo ang niluluto ay tinanggal ni Melissa ang palayok mula sa apoy saka ito inilapag sa gilid. Pagkatapos ay hinarap nya ang itinuturing na anak na si Miracle. Ngumiti sya dito saka tiningnan ito sa mga mata.
"Dahil hindi pa nagsisimula ang seremonya ng muling pagpapatupad sa pinakaunang batas na naisulat ng Sulbidamya. Iyon ang batas para sa mga panganay na bata upang magsanay hanggang sa maging isang Diyos." tugon ni Melissa.
"Seremonya? ibig sabihin ay may malaking event na gaganapin sa Sulbidamya? at sa event na 'yon, ipapatupad ulit ang batas?"
"Oo, Miracle. Muling isusulat sa libro ng Sulbidamya ang batas para sa mga panganay na anak ng bawat pamilya. Sa araw ng seremonya ay babasbasan ito ng mga Upper Echelon at Pinuno ng Sulbidamya, at sa pamamagitan non ay mapapatupad muli ang batas."
"Hala! maraming bata na naman ang magsu-suffer!"
"Oo, Miracle. At kaya ka nandito ay upang pigilan na mangyari iyon."
"What? I can't."
"Sa tingin mo ba ay ikaw ang ipapadala rito kung hindi mo kaya?"
"Sinama lang naman ako ni... yung bata."
"Dinala ka rito ni Myrlia, ang kapatid ni Miracle. Si Miracle na syang nagligtas sa Sulbidamya noon."
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Ficción históricaThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...