zuri pov
Hanggang ngayun nagpapahinga parin ako hindi na nga ako nakapasok kahapon eh ng dahil kay azlan haystt
Tinawagan ko din sila mommy kanina inexplain naman nila saakin kong bakit hindi nila sinabi saakin na bampira pala ang fiance ko mate niya pala ako kaya pala ipapakasal ako para lang sa dugo ko ang galing naman mauubusan ako ng dugo dahil sa lalaking yun.
nakahiga lang ako dinadalhan nila ako ng pagkain dito sa kwarto kapag breakfast launch dinner syempre naliligo ako no wag kayo nangangati kaya ako kapag di ako nakaligo unti unti naman din bumabalik ang lakas ng katawan ko kaya titiis tiis lang ako.
Napatingin naman ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito.napaupo naman ako dito sa kama ng makapasok na siya
Lumapit naman siya saakin at umupo sa kama, nakatingin lang ako sakanya bumalik nanaman yung dating malamig na mata niyang nakatingin saakin
"bakit?" nakakunot noong tanong ko
Hindi naman siya sumagot lumapit pa siya saakin.Nagulat naman ako ng yakapin niya ako
"oy bitawan moko" nakakunot noo pa rin akoanyari nanaman sa lalaking to?
Hindi niya ako sinunod at mas lalong hinigpitan niya pa ang yakap saakin napapailing nalang ako
Ang tagal din bago siya humiwalay sa pagkakayakap saakin.hindi naman ako makapagsalita kasi nagtataka ako kong bakit niya ako niyakap.
"im sorry" mahinang saad niya
"bakit ka naman nag sosorry?" takang tanong ko
"dahil kanina" mahina pero malamig na boses
"ah yun wala yun buti nga nakainom ka ng dugo ko baka maging devil ka kagaya ng sinasabi ni batang zack"ngumiti ako sakanya ng tipid
Nakatitig lang siya saakin
"don't you mad at me?" malamig na tanong niya
"hindi naman...bat naman ako magagalit sayo?..wala ka namang ginawa saaking masama eh"ngumiti pa ako sakanya ng saglit
" hindi ka ba natatakot saakin?"tanong nanaman niya
"ano kaba...ano ba yang mga tnong mo....syempre hindi, fiance kita diba at hindi ako matatakot sayo tatanggapin kita kahit ano ka pa kahit hindi tayo close alam ko na mabait ka hindi mo nga lang pinapakita sa saakin pero sure akong mabait ka" nakangiting sabi koAng tagal niyang nakatingin saakin bago siya nagiwas ng tingin at tumayo
"matulog kana"malamig na sabi niya saka tumalikod saakin at naglakad palabas ng kwarto
anyari doon?
nagkibit balikat nalang ako saka humiga na.