Dahan-dahan kong binaba 'yung kamay ko sa kanang gilid ko at tinaas ang middle finger ko.
Sigurado naman akong makikita niya 'yan, dahil kanina pa niya ako kinukulit at binabato ng papel na pinupunit niya sa notebook niya tapos bibilugin niya.
Nananahimik ako dito at nakikinig sa teacher namin na nagtuturo, kahit wala akong naiintindihan, tapos mangungulit pa siya? Nagfofocus nga ako dahil ni isang lesson walang pumapasok sa utak ko tapos guguluhin pa niya utak ko? Aba.
"'Di ka ba titigil?!" Bulong ko. Malamang hindi ako pwedeng sumigaw, Math time pa naman ngayon.
Pansin ko lang ah, bakit kung kailan gusto kong magseryoso at makinig, du'n nangungulit 'tong mokong na 'to?! Nakakairita. Isa siyang malaking epal sa buhay ko talaga. Sarap bangasan sa mukha e.
"MS. ELIZALDE!"
Patay na.
"WHY ARE YOU POINTING YOUR MIDDLE FINGER TO MR. MENDOZA?!"
Ang lakas talaga ng boses ne'to, ang tinis pa. Parang nasira na nang todo 'yung eardrums ko. Kung babasagin 'yung tenga ko, kanina pa 'to basag.
Napatingin ako kay mokong. Pinipigilan niyang tumawa ngayon. Buwiset talaga. Akala ba niya palalampasin ko 'yung mga ginagawa niya?
"He pointed his mid finger at me first!"
Oo na, nagsinungaling ako. Pero wala siyang pake, deserve niya 'yan!
Sinabi ko na sa inyo 'diba? Walang pinapalampas 'tong terror naming teacher. At kahit gumawa pa ng palusot o kahit ano pang sabihin netong si mokong, hindi na maniniwala 'yung teacher namin.
Kasi wapakels siya at walang makakapigil sa kaniya!
"Mga bastos kayo. GO TO THE OFFICE! NOW!"
Ayan na, dumudugo na ata 'yung tenga ko. Chars.
Tumayo na ako agad at inirapan nang matindi si mokong. Nakita ko namang umirap siya pabalik.
Wow, ha! Siya pa galit ngayon?
Agad akong lumabas sa classroom dahil mapupuno na ng kahihiyan 'tong katawan ko. May hiya pa naman kasi ako kahit konti, ewan ko nalang sa mokong na 'to. Pinaglihi ata sa kapal ng mukha.
"Masyado ka kasing obvious e, 'yan tuloy." Bulong niya habang palabas kami tapos tumawa nang mahina. Tignan mo nga naman, may gana pa siyang sabihin 'yun. Shuta.
"Sinadya ko 'yon, para ramdam mong para sa'yo talaga."
Lumingon siya sa'kin tapos dumila pa. Alam niyo kung nakakapatay ako sa isip ko, kanina pa pinaglalamayan 'tong mokong na 'to talaga.
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
General FictionAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.