KABANATA 2
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng ilista ako ng bruha kong kaibigan na si Stacey. Isang linggo na din akong Nagiisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin sa contest na yun.
"Hayys. Ano talaga ang dapat kong gawin, bwesit na si Stacey Hindi talaga nagpakita sakin. Iniiwasan talaga ako ng bruha na yun."
Palabas na ako ng bahay para pumasok sa University na pinapasukan ko. I'm taken Civil Engineering. I'm on my 4th Year. Graduating na ako. Dahil sa sipag at tiyaga nakakapasa naman ako. Hindi naman ako sobrang talino, pero sempre hindi din bobo. Sakto lang kunbaga, nasa gitna lang. Basta pumapasa.
Hindi naman kami mayaman, sakto lang din. Siguro masasabi na may kaya sa buhay ,ganun. Si Papa Engineer, lagi nasa iba't ibang lugar para sa mga project nya. Si Mama naman nurse, lagi nasa duty kaya naman lagi akong naiiwan mag-isa sa bahay. Loner. Para akong Walang parents. Pero Kahit ganun mahal ko naman sila. Alam ko na nagtatrabaho sila para mapag aral ako at matustusan lahat ng mga pangangailangan namin.
"Goodmorning!"
Luminga linga ako kung sino ang nagsalita.
"Good——morning!" I stutter when i see kung sino yung nagsalita
"Jill papasok ka na ba? Sabay ka na sakin papunta ng school may practice kasi kami sa basketball kaya Medyo maaga ako."
Parang hihimatayin ako sa kilig. Hello si Cyrus lang naman ang nag alok sakin na sumabay ako. Actually kapitbahay at kababata ko si Cyrus. Pero sila mayaman. As in mayaman. May sarili nga syang sasakyan Tapos ang laki pa ng bahay nila.
"Nako Cy nakakahiya naman. Ayos lang naman ako na magcommute." nahihiyang tanggi ko. Pero sa totoo lang para na akong naiihi sa kilig.
"Pilitin mo ako Cyrus." bulong ko sa sarili ko
"Nako Jillian Shantal Ramirez ang arte mo, sumakay ka na nga!!! Baka malate pa ako. Isusumbong kita kay Tita kung Di ka pa sasakay, ang aga aga umaarte ka pa." tuloy tuloy na litanya nya habang sinisigawan ako
Oo ganyan talaga si Cyrus, actually masama ang ugali nya, pero sakin lang ata. Kasi Hindi ko naman sya nakikita sa sinasigawan yung ibang babae, sa akin lang. Pambihira bakit pa ako nagkagusto sa lalaki na to. Nagpabebe pa naman ako. Waley pala effect.
Dati mabait to nung elementary kami at highschool, pero nung nagcollege kami bigla na Lang hindi ako pinapansin. Nagstalk pa naman ako sa kanya. Opo istalker nya po ako. Nakakahiya man Pero di ba nasabi ko na alam ko kung saan sya palagi. Pero ngayon hindi ko alam kung ano nakain nya at kinausap nya na talaga ako. Sana malaman ko para yun na Lang lagi ko ipakain sa kanya.
"Hoy!! Jillian anong nginingiti mo dyan? Para kang baliw. Sasabay ka ba o iiwan na Lang kita dyan? Para ka kasing baliw, kinakausap kita tapos di ka sumasagot!! Bilisan mo at naiinis na ako sayo!!"
Kahit nahihiya ako sumabay pinatos ko na , sayang din pamasahe at less hustle pa to no. "Ito na po Mr.HB, aga aga ang highblood mo!!" Naiinis na sabi ko sa kanya, pero sempre kunwari lang para di halata na crush ko sya haha.
Mahiyain talaga ako pag nasa school. Pero sempre sa kanya nilalabas ko yung pagkabungangira ko. Sa kanila ni Stacey ako ganito , kasi sila lang naman yung mga kakilala ko na medyo close, pero ako feeling close kay Cyrus.
Wala akong confident na makipagkaibigan sa iba. Takot kasi ako sa rejection.
"Anong Mr.HB ka dyan!! Wag mo nga akong tawagin na ganyan. Ako na nga tong nag magandang loob na isabay ka."
"Kung makasigaw ka kasi akala mo naman walang akong tenga para hindi ko marinig yung sinasabi mo." sabay irap ko sa kanya
Pinaandar nya na yung BMW nya. Wow Di ba BMW pa talaga. Yayamanin talaga. Rich kid.
"Hoy para ka kasing baliw, o baliw ka na talaga? You were spacing out while I'm talking to you, paano ako hindi sisigaw." sigaw na naman nya. Ang HB talaga. Meron ata sya ngayon
Hindi na ako sumagot sa sinabi nya. Hindi ko kasi sya maintindihan actually. For the past years ngayon nya lang ulit ako kinausap. Nakakapagtaka.
Tinuon ko na Lang ang tingin ko sa labas para maaliw ako. Ayoko ko sya tingnan, baka mamaya sabihin nya patay na patay ako sa kanya. Kahit totoo.
"Hoy Jillian. Bakit mo nga pala kinakausap yung puno nung nagkita tayo nung nakaraan? Kaibigan mo talaga? Puno? Kaibigan mo? Are you out of your mind? Wala ka bang kaibigan?" pagputol nya ng katahimikan
Nakakainis naman yung tanong nitong lalaking to! Ayoko na nga balikan yung nangyari na yun kasi nakakahiya, para lang hindi nya malaman na nagstalk ako Sa kanya. Bwesit bwesit.
"Hellooo. Ano akala mo sakin. May kaibigan naman ako no! Tsaka bakit hindi ba pwede maging kaibigan ang puno? Living things naman sya no! Tsaka Ano naman sayo kung kaibigan ko puno. Pwede ka gumaya kung naiinggit ka!!" pagtataray ko sa kanya para hindi nya mahalata na hiyang hiya na ako
"No thanks Jillian. Paano na lang kung iba yung makakita sayo. Baka ipadala ka sa mental. Baliw na babae."
"Ang arte mo. Hayaan mo nga ako. For the past years hindi mo nga ako kinakausap Tapos ngayon your concern about how Am I living!?" naiinis na ako sa kanya kahit crush na crush ko sya naiinis ako dahil bigla nya na Lang ako Di kinausap for how many years, then ngayon nagkukunwari syang concern sakin. Nakakatouch sempre tapos nakakakilig , pero at the same time nakakainis pa din
Natahimik sya bigla sa sinabi ko. Baka na konsensya? Pero mukhang Wala syang ganun.
Bigla syang nagsalita
"There are things that you can't always hold. Sometimes you need to stop and let go, then go back again because you realize that nothing will change if you running away."
"I can't run forever, kaya ako bumalik. Kasi may kailangan balikan."
Then my heart beats going crazy.