February 2014
Kanina pa paikot-ikot sila mama't papa sa buong bahay. Parang mas kinakabahan pa sila kaysa sa'kin na pupunta ng prom. Halos naikot na ata nila 'yung bahay namin sa kakapabalik-balik nila. Imbes na ako 'yung mas excited, parang sila pa 'yung aattend ng ball e.
Si mama, inaasikaso 'yung mga gamit at susuotin ko, tapos si papa naman tamang sunod nalang sa iuutos ni mama. Kasalukuyan niyang nililinisan 'yung kotse namin para daw siya na mismo ang maghahatid sa'kin sa venue namin. Abalang-abala sila, halos 'di ko na nga makausap.
"'Ma, pwede bang chill lang kayo? Para naman kayong hinahabol nang kung ano diyan." Biro ko sa kanila.
"Paano ako magchi-chill, anak? First time mo 'to, kailangan perfect!" Pumalakpak pa si mama, tapos ngumiti kami pareho.
Nakaupo ako ngayon sa vanity table sa kwarto nila mama. Wala naman kasi akong ganito sa kwarto ko kaya dito nalang ako aayusan ni mama.
At oo, si mama nalang ang mag-aayos sa'kin. Dahil bukod sa sanay naman si mama, mas gusto kong siya nalang dahil komportable ako kung siya ang magaayos sa'kin. Hindi ako papayag kung ibang tao ang gagalaw sa mukha ko, 'no.
At kung hindi niyo naitatanong, dati kasing model 'tong si mama. Kwento pa nga sa'kin ni papa, crush daw ng bayan si mama, kasi maganda raw siya at sexy nung kabataan niya. Kaya sanay din siya sa mga make-up na 'yan.
Ang layo namin ng mama ko, 'no? Hindi mo mapagkakamalang mag-ina kami. Parang mas mukha pa silang mag-nanay ni Ara, haha!
Kaya nga minsan, mas nagkakasundo pa si mama at si Ara. Dahil pareho sila ng ugali at mga gusto. Hindi ako nagseselos, sa totoo lang nga natutuwa pa ako, dahil parang kapatid ko na rin si Ara.
Speaking of Ara, nasan na kaya 'yon?
Huling pagkikita namin ay 'yung araw na kinuha namin 'yung gown ko. Sumama siya no'n dahil excited daw siyang makita 'yung first time kong susuotin. Nung monday pa 'yon, Friday ngayon e.
Hindi ko pa naman alam kung sasabay ba siya sa'kin o sabay sila ni Lucas. Tsk.
Kinuha ko agad 'yung cellphone ko tapos tinawagan siya.
"Hello, Betbet?"
"Hoy! Nasa'n ka na? Sasabay ka ba?"
"Hindi! Susunduin ako ni Lucas e! Kitakits nalang mamaya, ha? Babush!"
"Teka lang—"
Buwiset na 'to, binabaan ako kaagad. Hindi ko alam ba't parang nagmamadali siya na ewan, e napakaaga pa naman.
4:39 PM palang naman 'yung oras, mamayang 7 pa magsstart 'yung program ng prom.
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
General FictionAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.