GANERN ?

323 8 3
                                    

Nagtaka ako kasi bat wala akong nakikitang mga students na nagkalat.

Bat parang ang tahimik ng school ?

Hala baka kinidnap din sila ng kumidnap sakin uhh ?

Nakakatakot pa naman mga pagmumukha ng mga yon. Sa arte ba naman ng mga studyanteng nag-aaral dito, edi nagwala na yung mga yun. 'Oh my gosh ! Don't make lapit with me. You're so baho. Eew !' Tss nakakahawa.

Papasok na sana ako ng room, nang harangin ako ng lalaking kulay nutella.

"Huli ka ! AHA Magnanakaw ka no ? Naka pang school uniform ka pa uhh !" - sita sakin nung lalaki sabay hawak sa braso ko.

"Huwaw naman ! Mas mukha ka pa ngang magnanakaw sakin eh. Sabi nga sa kasabihan 'wag punahin ang uling ng iba, kung daig mo pa ang uling sa itim' . NOLI ME TANGERE ! " - sabi ko sa kanya

"Feel mo naman gusto kita hawakan ? Para ngang may kalyo pati braso mo eh. Umamin ka na lang kasi. " - pilit pa din nung lalaki

"Buti nga braso lang akin eh, yung iyo ? Mukha mo na yung kinalyo. Advice lang huh, sa susunod na manlalait ka, pwede pakitignan muna yang hilatsa ng mukha mo sa salamin. Di naman ako kaputian pero yung iyo mas maputi pa yung uling sa kulay mo. Yung mukha mo, pwede ng kudkuran ng niyog. Nakikita mo tong iPhone5S ko ? " - tanong ko sa kanya

"Malamang may mata ako eh. Di mo ko katulad na tanga." - sagot nya

Aba palaban ! BITCH MODE ON !

"Ay mata ba yan ? Akala ko kasi golf ball, di lang sa malaki, kasi pati mata mo uka-uka, parang mukha mo. By the way, Yung iPhone 5S ko eh masarap sanang ihampas sa mukha mong pinagkaitan ng kakinisan kaso sayang pala, magasgasan pa yung phone ko, mas mahal pa kasi to kesa ugali mong bulok." - sabi ko sa kanya

"K. Dami mong sinabi. Walang pasok. Umuwi ka na, nakaka imbyerna yang pagmumukha mo." - sabay bartikal at umalis.

Ah shet ! Oo nga pala walang pasok ! Nalimutan ko.

Gara naman, sayang pamasahe. Sayang time. Sayang walang beauty rest. Sayang yung effort ko na maghilod ng katawan, nag-iipon kasi ako ng libag.

Gagamitin ko sa gayumang balak kong gawin, ipapainom ko kay Zham. Nang mgkatuluyan na kami MUAHAHAHA

Habang  naglalakad ako, may napansin akong kakaiba.

Feeling ko may sumusunod sakin.

Lumingon ako.

Wala naman ?____?

Baka guni-guni lang yun, di kasi ako nakatulog ng maayos eh.

Nang may pumatid sakin.

Lintek yan oh !  Araw-araw na lang to uhh !

Kundi madadapa, matatapilok o di kaya mapapatid.

Nilingon ko kung sino yun.

Isang  batang babae na ubod ng cute, nakangiti pa sakin.

Edi nginitian ko din sya, baka naman kasi di nya sinasadya yung pagpatid.

Inoffer nya yung kamay nya sakin para tulungan ako. Oh sabi sa inyo di nya sinasadya yun eh. Cute ng batang to *giggle*

Inabot ko naman yung kamay ko, patayo na ko ng bigla nyang bitiwan uli yung kamay ko.

Potek ! Sakit ng pwet ko. Sabay hawak sa mukha ko. Ay este pwet pala.

"Sorry miss, I can't help it kasi you're so beautiful eh " - sabi nya saka nag smile. Slang ang dila eh no ?

Di nya sinasadya yun. Tama ! Hindi nga. Tsaka ayos lang, sabihan ba naman ako ng maganda eh *flip ng hair*.

A-aray. Sabit-sabit yung buhok ko, taena yan.

Mapapasubo ako ng Englishan neto uhh.

"It's allright not left. Thanks for the complimentary, you're so too " - nakangiti ko ding sabi sa bata.

She giggled.

"You look-like anabelle, the cute doll. D'ya know her ? " - tanong nya sakin.

Sino yun ? Pero cute daw eh *smile* kunyare alam ko.

"Yah ofcourse ! Is she really that cute to be like my face the same ? "

She giggled again.

Panay ganon, pero ang cute nya tignan. Mukhang foreignay tong isang to eh. Yung mata nya color green, parang may nakita na kong ganyan.

"Yah she's really really cute like you. That's why I like you to be my friend"

Friend daw mga ka-juicers ! Tatanggi pa ba ko ?

"Ah me too, I wan------- "

Di ko natapos yung sasabihin ko ng may biglang sumigaw.

"Jaque ! You child ! Where-where you're going ! You're uncle is worrying about you. Next time, let me know where you wanna be wear-wear ! " - sabi nung babae sa kanya. Baka yaya nya, pero andaming alahas sa katawan. Tae ! Dinaig pa ang pawn shop sa dami.

(Translation : Jaque [Jaki] ! Ikaw bata ka ! Kung saan-saan ka pumupunta ! Yung tito mo kanina pa nag-aalala sayo. Sa susunod, magpaalam ka sakin kung san ka magsususuot-suot !)

Teka ..

"HAHAHAHAHAHAHA ! " - tae ! Nakakatawa hahahaha

Lumingon sakin yung yaya ni cute girl.

"Why you laugh, you ugly creature ? " - tanong sakin nung yaya

Aba ! Ako pangit na nilalang ? Huh !  Ako na si Diesh Belle Munte ? Sinabihan nya ng ganon ?

"You're so wrong gramming, Miss yaya ! So stop that no make sense of yours. " - sabi ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA " -  tumawa naman si bulilit

Napalingon kaming dalawa sa kanya.

"What ? You're both have mental issues. And your grammar sucks ! HAHAHA " - patawa-tawa pa nyang sabi tsaka umalis doon.

=_____________________=

GANERN ?

Nagkatinginan pa kami nung yaya-MANIN. Inirapan ko nga.

CHE ! Makaalis na nga !

 -

Napkin Lang Pala Katapat Mo Eh !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon