After going inside my condo, I immediately called Seph to tell her about the abrupt break up. Matataranta siguro 'to. Ang supportive pa naman niya sa aming dalawa. Well, that guy decided to be a jerk.
[Eyo, wassup, Mirella Adelaine!] Nilayo ko ng konti yung phone ko sa tenga ko. She's always so loud, but that calms me and she makes me happy.
"You're probably gonna freak out by what I'm about to tell you," I replied.
[Omg sis, tea tea! Gago parang ang pangit pakinggan.] She laughed. I cringed when I got what she meant. Parang tanga talaga. [Pero what's the tea, Dee?]
"Kaka-break lang namin ni Nick kaninang tanghali haha. Nakita ko siya e, humahalik ng ibang babae. He cheated. After three years, that's what I get. I really loved him so much, Seph. Binigay ko na yung lahat ko. So why? Bakit pa niya kailangan gawin 'yon sakin?" I cried.
There I was again, breathing heavily while my whole body shakes. Pinatong ko yung braso ko sa may ulo ko habang yung isa ay nakahawak sa phone na nakatapat sa tenga. I continued to cry while lying on my sofa. Hindi ko na naririnig si Seph kaya tinignan ko kung nababa 'yung tawag pero hindi naman. I listened again to check pero hindi pa rin siya sumasagot.
"Seph?" I called. But still, there was no response.
Binaba ko nalang yung call and changed my clothes. I wore my plain teal pajamas. Wala akong gana kumain pero dahil ayaw kong mag-skip ng meal ay nag-toast nalang ako ng tinapay. Para lang may laman yung tiyan ko.
Pumunta ako ng CR to wash my face. After I finished, naupo ako sa sofa at nanood nalang sa netflix. Friday naman kaya walang klase bukas and I don't really feel like going out tomorrow kaya magpupuyat nalang ako.
I was so busy watching when I heard a knock. Tinignan ko kung anong oras na sa phone ko. 1:30 AM. What the hell? Sino ang pupunta sa condo ko ng madaling araw?
I was asking myself whether I should open the door or not. The person kept on knocking and I figured he or she wouldn't stop any time soon. I cautiously opened the door. I was relieved when I saw Seph.
"What the hell, Seph? Wala man lang warning?" I sighed while holding my chest.
Nakita kong may hawak siyang plastic bag na puno ng chichirya at softdrinks.
"Ano 'to? Anong oras na kung saan saan ka pa nagsusu-suot." Kinuha ko sakaniya yung isang plastic bag para matulungan siya. Ang dami niya kasing dala.
I was about to turn when she suddenly hugged me without saying a word. Just a hug.
I'm crying again. Her hug felt comforting. Sa isang yakap lang ramdam ko na kung gaano siya nagaalala sa'kin. Alam na alam niya talaga kung kailan ko kailangan ng yakap niya.
"Take your time with this, Dee. 'Wag mong i-rush. Move on at your own pace. 'Wag ka mag-alala, hindi kita pilit na ibubugaw." She chuckled softly. "Hindi ako yung kaibigan na magpapayo sayong mag-date agad ng iba. Ayokong gagamit ka ng tao para maka-move on. Unahin mong ayusin yung sarili mo, surround yourself with people that value you. Kahit ang sarap mo na minsang sapakin, I will continue to support you in everything, Dee. I'll stay here."
Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya. At dahil doon ay naiyak rin ako lalo. We we're emotional for a while. But, after that, inayos na namin ang dala dala niyang pagkain. Pagkabalita ko raw kasi sakaniya ay agad siyang umalis sa condo niya para puntahan ako. Bumili lang daw muna siya ng pagkain dahil balak niyang dito matulog.
Naglatag kami sa sahig ng comforter at doon nahiga habang nanonood ng netflix. Daldal lang siya ng daldal, making me forget the pain for a while. We stayed there, hanggang sa makatulog nalang din kami sa sala.
The next day, maagang umalis si Seph dahil magrereview pa daw siya para sa quizzes niya. I just let her, ayoko namang unahin niya pa ko dahil lang brokenhearted ako. Pupunta nalang ako sa mall ngayong araw para madistract ko ang sarili ko. After I showered, I put on very light makeup. I wore a blue tank top partnered with ripped jeans and a white cropped jacket. Then, I wore white sneakers to finish off everything.
I'm looking around the mall while drinking the iced coffee I got earlier. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko dito. Wala naman akong na-plano dahil biglaan lang din. Ayaw ko ring mag-shopping dahil alam kong mapapasobra ako ng bili dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko ring mag-arcade dahil wala akong kasama. What the hell am I gonna do?
Biglang na-stuck ang paa ko sa hindi madulas na part ng mall kaya hindi ako nakahakbang ng ayos. Hindi yata 'to na-mop ng maayos, what the hell? I was so ready for the embarassment dahil madadapa na ko. Pero may biglang humawak sa braso ko and that prevented me from falling.
Shit! What the hell, floor?! What did I ever do to you? Buti hindi natapon yung kape.
"Ayos ka lang?" I looked up and saw a guy with a shocked face.
"Thank you." I smiled at him.
"Ikaw yung babaeng umiiyak sa hallway diba?"
__________

YOU ARE READING
Sparks Fly (Détendre Series #1)
RomanceMirella Hernandez, known to be a strong and bold woman. Although, she is in college and still learning, it is acknowledged that she is very talented in her selected course. She faces the aftermath of her three-year-long relationship break up. Along...