Chapter 21 - thoughts
Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin pumapasok si Suarez. 1week na nga lang at Christmas vacation na namin. Next week na ang exams tapos nun Christmas Ball at Christmas vacation na nun after.
Yung Christmas Ball, yun ang last day ko bilang fake girlfriend ni Suarez.
Hindi ko maintindihan pero nalulungkot ako pag naaalala ko yun :(
Tapos di ko pa yun nagampanan ng maayos dahil madalas lang naman kaming nagbabangayan tapos nung naging medyo maayos naman ang lahat tsaka naman naging ganito :(
Nagaalala ko sa di pagpasok ni Suarez. After class dapat ko siyang puntahan. Sobrang worried na talaga ako. Si Jake naman kasi hindi rin daw niya alam kung napano si Suarez. Bestfriend niya tapos di niya alam. Haist. Madalas pa nga sinasabi ni Jake na dahil daw sa akin. Bakit naman kaya dahil sa akin? haist :|
Kaya pupuntahan ko si Suarez sa bahay nila mamaya. Sana nga lang e nandun siya.
***
Sa bahay nina Suarez
SOMEONE's POV
"Alam mo para kang ewan. Nagkukulong ka lang dito sa kwarto mo. Wala ka bang balak pumasok?" - Gabriella
Itong si Suarez nakadapa lang sa kama niya at hindi pinapansin ang ate niya. Isang linggo na siyang di pumapasok. Madalas ay lalabas lang siya saglit tapos balik nanaman sa kwarto niya.
"Gabriel naman!" - inaalog alog siya ni Gabriella
"Tama na nga. Ang gulo mo talaga." sabi ni Suarez at humarap sa ate niya
"Ano ba kasing problema?" tanong ni Gabriella
"Wala naman problema." sagot ni Suarez
"Anung wala? Bakit ka ba kasi nagkakaganyan?" tanong ulit ni Gabriella
"Wala lang to. Lumabas ka nalang."
"Si Anna ba?"
"Ayokong pagusapan."
"Gabriel naman eh, kung mahal mo siya bakit di mo pa sabihin? Bakit kinukulong mo lang sarili mo dito?"
"Hindi naman ganun kadali yan gaya ng sinasabi mo."
"Madali lang naman kasi talaga."
"May babae ng dapat kong pakasalan. Hindi ko pwedeng mahalin si Anna o kahit sinong man babae."
"Pwede mo naman suwayin yun kung gugustuhin mo."
"Lumabas ka na."
"Ang kuli--" hindi natuloy ang sinasabi ni Gabriella
"Ma'am Gabriella may bisita po."
"Aist naku naman. Oo na manang bababa na ako. Pakihintay kamo."
"Opo ma'am"
"Oh Gabriel please lang baba na."
At bumaba na nga si Gabriella.
END POV
***
Aish! Tama ba tong ginagawa ko? Nandito ako ngayon sa sala nina Suarez pero sabi ni Manang nasa kwarto daw sina Gabriella at Suarez.
"Manang, sino ba kasi yan?" sabi ni Gabriella habang pababa siya. Hala mukhang ayaw niyang tumanggap ng bisita. Wrong move Anna :|
"Ahhmmm, aalis nalang ako. Pasyensya sa istorbo Ate Gabriella."
"Ay teka! Ikaw pala sis!" sabi nito at patakbong lumapit sa akin
"Hmm, pasyensya ka na kung big--" obviously hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko
"Hindi, ano ka ba, ayos lang yun. Tamang tama nga pagdating mo :)" ngiting sabi ni Ate Gab
"Ah ganun ba. Hmmm, ate."
"Anu yun sis? Si Gabriel ba pinunta mo? Sabi ko na nga ba, siya diba? :) Tamang tama yan, wala na kasing ginawa yun kundi magkulong sa kwarto niya. Tara dali akyatin natin sa kwarto niya :)" at hinila ako ni Ate Gab papunta sa kwarto daw ni Suarez
*Tok. tok. tok*
"Gabriel, may bisita ka. Labas dyan dali. Aish! Nilock nanaman niya." inis na sabi ni Ate Gabriella
"Ate, wag nalang. Hayaan mo na. Aalis nalang ako." sabi ko ng pabulong. Ayaw ko kasing marinig ako ni Suarez
"Hindi. Dito ka lang, antay ka dyan. Kukunin ko lang yung spare key ng kwarto niya." sabi niya at tumakbo papunta sa isa pang kwarto
Ganadong ganado talaga tong si Ate Gabriella. Nakakatuwa siya dahil magkaibang magkaiba sila ni Suarez. Si Suarez bakit kaya madalas lang daw nakakulong sa kwarto niya? May sakit kaya siya? tsk.
Eto nakabalik na si Ate Gabriella.
"Sira talaga tong si Gabriel." sabi niya habang binubuksan ang pinto
"Ate, baka naman magalit yan sa atin."
"I don't care. Ang mahalaga mapapasok kita dyan sa loob."
(O.O) <-- ano raw? Mapapasok ako sa loob ng kwarto ni Suarez? naku..
"Ayan nabuksan na. Halika dali." hinawakan niya ako at pinasok sa loob ng kwarto ni Suarez. Hindi ako makapagsalita dahil ayoko ngang marinig ako ni Suarez, heto si Suarez nasa kama niya at nakadapa at may nakatakip na unan sa ulo.
"Gabriel, eto na ang bisita mo. Magusap kayo okay? :)" - Ate Gabriella at lumabas na siya at sinara ang pinto.
Ako naman, eto at nakatayo lang dito sa tapat ng pinto. Ano ba tong napasukan ko?
Gumalaw bigla si Suarez
"Lintik naman! Sinabi ng di ako tumatanggap ng bisita." sabi niya at umupo siya at biglang hinagis ang unan niya sa direksyon ko. Ang gandang pagbati Suarez. :|
"Aish! Sino ka ba at bakit ka nan---.. ANNA?????" sabi niya, mukhang nagulat siya na ako ang nandito ngayon.
Hindi ako makatingin sa kanya, nakayuko lang ako
"Ah hmm e kasi--"
"Sh*t!!!" napamura siya at biglang tumakbo papunta sa c.r ng kwarto niya
-_____- <--- ako yan
Anong problema nun???? Naiwan akong nakatayo pa rin dito at wala akong balak gumalaw kasi naman si Ate Gabriella. :|
***
SUAREZ' POV
Ano bang ginagawa ng babaeng yun dito?
Kainis naman si Ate, nakita niya ng ganito ang ayos ko ipinasok pa dito sa kwarto si Anna.
Anu bang gusto niya? Makita ako ni Anna sa ganitong itsura at ayos? Tss.
Pero teka, bakit nga ba nandito siya? Dapat kong malaman kung bakit. Makaligo na nga muna.
***
(A/N: Paliguin muna natin si Suarez. HAHAHA Ano kayang mangyayari sa kwarto? XD abangan ang susunod na kabanata ng mga pangyayari sa mahiwagang kwarto ni Suarez :D
COMMENTS PLEASE :)
THANKS.
--> missfacile)
BINABASA MO ANG
Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)
Romance(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. This girl decided to spy on her future fiance. Will LOVE soon spark? Or HATRED? Or just FRIENDSHIP? BO...