THOAMB #18 - His Story

953 41 0
                                    

Chapter 18

Lara's POV

"Lumaki ako bilang isang tao na walang inaalala sa buhay, yung tipong 'gagawin ko ang gusto ko at hindi nyo ako mapipigilan'. Pati si dad ay walang nagawa, hinayaan nya ako sa kung anong gusto ko pero kapalit non ang pag train nya sakin para maging tiga pamahala ng mafia. We do illegal businesses at mas malaki yon kesa sa empire, pumapatay kami na para bang normal na iyon sa buhay namin."

Gusto ko syang patigilin sa pag kukwento nya dahil ramdam kong nahihirapan sya pero gusto kong marinig ang istorya nya kaya hinyaan ko sya.

"Noong una ay pumayag lang ako na itrain nya pero sinabi ko na sa kanya na wala akong balak pamahalaan ang mafia nya. Pinalaki kasi ako ni mommy bilang isang tao na marunong mag value ng buhay ng iba, kaya hindi ko matiim na tumunganga lang habang harap harapang pumapatay ang tatay ko. Namuhay ako bilang ordinaryong tao, may barkada, may social life at marunong mag enjoy but not until mawala si mommy."

May galit sa boses nya at halata mong nag pipigil lang ito na ilabas ang tinatago nyang emosyon.

"Five years ago namatay si mommy habang may tinutulungang kaibigan, alam mo ba kung bakit sya namatay? Dahil sa kalabang mafia at hinayaan lang iyon ni daddy. Wala syang ginawa o baka meron hindi ko lang naramdaman, kaya simula non ginawa ko ang lahat para mapasaakin ang mafia. Simula nang mamatay si mommy ay nabuhay ang demonyong nag tatago sakin na pilit nyang pinatulog. Ginamit ko ang mga natutunan ko kay dad para mapabangon muli ang mafia na napabayaan nya. Hinamon ko rin sya ng laban at tinalo kaya ako na ang naging boss ng Laffiel."

Hanga ako sa kanya dahil nagagawa nyang ikuwento sakin ito kahit alam kong hirap sya.

"Nung mapamunuan ko ang mafia inisa isa namin ang may pakana kung bakit namatay si mommy. Kasama ko ang tinatawag mong squad, nag higanti kami dahil pinatay nila ang reyna ng Laffiel, si mommy na isa sa pinaka deserving na mabuhay sa mundong ito. Hindi ko na mabilang ang mga taong napatay ko, hindi ko lang sila basta pinatay pinahirapan ko muna sila hanggang sa hilingin nilang patayin ko nalang sila. Iyong nakita mong ginawa ko sa lalaki kanina wala pa iyon sa kalahati ng kaya kong gawin, kahit nga ang sarili kong ama muntikan ko na mapatay. Wala akong awa basta pag binangga ako patay agad ang abot."

Unti unting parang may pumipiga sa puso ko dahil sa mga nalaman ko. Kung gaano sya kalupit sa tao at kung anong dahilan kung bakit sya nag kaganito. Behind those mask that he showed me is a painful past. A painful past that molds the merciless Konrad.

"Pinilit kong ibaon ang Konrad na pinalaki ni mommy dahil ang Konrad na iyon ay isang mahinang nilalang at sa mundo ng mafia walang pwesto ang mahihina. Pero talaga atang mapag laro ang tadhana o talagang binabantayan lang ako ni mommy at pinipigilang tuluyang maging demonyo, alam mo ba kung bakit?"

Hindi ako sumagot, hinihintay ko lang ang sasabihin nya, narinig kong tumawa sya ng mahina bago nag patuloy sa pag kukwento.

"Dahil pinag tagpo nanaman kami ng taong mahal ko. Simulan natin noong college ako halos two months nalang bago mag graduation, may nakita akong isang babae na nakangiti habang nag babasa ng isang libro sa ilalim ng puno. Hindi nya siguro ako napansin pero nakaupo ako sa taas ng puno na katabi ng punong pinag sasandalan nya."

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang gustong kumawalang ingay mula roon. Yung picture sa wallet nya, ako ba ang tinutukoy nya?

"Sa kauna unahan atang pag kakataon ay ginamit ko ang awtoridad ko bilang anak ng mafia boss para mahanap at makakuha lang ng impormasyon tungkol sa kanya. Inutusan ko si Nikolas na humanap ng information tungkol sa kanya pero basic information lang ang nahanap nya, para bang may luminis ng data nung babae kaya pati ang hacker ng Laffiel mafia ay walang mahanap. Nalaman ko ang pangalan nya, edad, address at ilan pang mga basic info, nalaman ko rin na junior sya sa kursong Education. Lagi ko syang hinihintay sa punong iyon at tuwing darating sya ay aakyat ulit ako sa puno para titigan syang mag basa ng libro. Kinuhanan ko pa nga sya ng lirato at nilagay sa wallet ko."

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon