5. Ligaw

16 5 0
                                    

Aabante.
Aatras.
Pakanan.
Pakaliwa.
Ahh ! Saan tutungo?
Saan hihinto?
Nalilito ang isip sa tinitibok ng puso
Kinakapos sa hangin, ayaw nang magpauto.
Doon na ako sa ligtas. Sa walang sakit.
Sa walang pait.
Sa walang mga tanong na bakit.
Doon na ako sa maayos.
Sa deretso ang agos.
Sa walang liko o kilo.
Sa walang siya pero may ako.
Sa walang ikaw, walang tayo.
Sa gitna ng kawalan pero alam kong meron.

Ganon pala kapag napagod kang maglakbay.
Hindi mo na maiisip na mahawakan pa ang kanyang kamay.
Hindi mo na nanaisin na siya ay makasabay o makaakbay.
Hindi mo na gugustuhin.
Hindi mo na hihilingin.
Dahil sarili'y ayaw mo ng biguin.
Mula sa mga paniniwala.
Sa mga haka-haka.
Sa imahinasyon ng isip.
Sa kagustuhang magbago ang ihip
Ng hangin at itulak ka palapit sa kanya
Subalit siya'y itinutulak palayo sayo.
Napagod ka na.
Huminto.
Nagpahinga.
At ngayo'y naglalakbay na lang mag-isa.
Walang direksyon pero may daan.
Walang ideya sa pupuntahan.
Dahil nanaisin na lang na maligaw,
Huwag na lang muling ibigin ikaw.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon