9. Paglaya

14 5 0
                                    

Kung ang pagsuko ko'y kapalit ay kaluwagaan ng iyong kalooban,
Mahal patawad sapagkat hindi ko iyon mapagbibigyan
Kung ang pagtigil ko'y kapalit ay kapayapaan ng iyong isipan
Ako'y mananatiling mandirigmang magsusumiksik sa'yong nasasakupan.

Kung ang paghinto ko'y kapalit ay ang iyong paglaya sa akin
Ihanda mo ang iyong sariling makulong sa seldang aking gagawin
Kung ang pag-atras ko'y kapalit ay ang pag-abante ng iyong mga paa
Asahan mong hindi mo mararating ang 'yong patutunguhan ng nag-iisa

Kung ang pagtulak ko'y kapalit ng iyong paghila sa aking mga luha
Pipilitin kong huwag umagos ang kristal na tubig sa aking muka
Kung ang pagbitaw ko'y kapalit ay paghigpit ng iyong kapit sa kanya
Mahal patawad dahil hindi ko hahayaang maabot mo sya.

Subalit kung ang iyong paglaya kapalit ay ang paglaya ng sakit,
Kung ang iyong pagkawala kapalit ay ang paghanap mo sa iyong sarili
Kung ang iyong paghakbang palayo kapalit ay paglapit mo sa iyong kagustuhan,
Mahal...maaari ka ng lumabas sa aking itinayong kulungan.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon