13. Panaginip

11 5 0
                                    

Mahigpit na kapit sa kamay sa'kin ang 'yong ibinigay
Sa tingin ng magaganda mong mata'y hindi ako mapalagay
Katabi kita't kasama sa ilalim ng makulimlim na kalangitan
Masaya tayong nag-uusap habang hinihintay ang ulan

Bulaklak na pula ang siyang sa'ki'y lagi mong iniaabot
Mga biro mo'y hindi ako hinahayaang maging malungkot
Paboritong awit ko ang gamit mong panghaharana
Sa'yong boses na kakaiba, puso ko'y nahahalina.

Halik sa noo ang senyales ng iyong pamamaalam
Paalala ng pag-iingat ay hindi mo rin kinakalimutan
Naroon rin ang 'yong tinging tila ba ayaw mo tayo'y magkawalay pa
Pero hindi maaari dahil sa ngayon, hindi pwede,hindi pa.

Naroon tayo sa gitna ng plaza,nakaupo at tahimik
Hindi ako makapagsalita,hindi ka rin umiimik
Samahan natin noon ay agad may nagbago bigla
Para bang sa isang iglap sa'kin ay bigla ka na lang nawala.

Nagising akong may butil luha sa aking mga mata
Puso'y nagtatanong habang isip ko'y hinahanap ka
Ang lahat ng nangyari ay naglaho pagdating ng umaga
Tila ang makikilala ka ay isang napakagandang panaginip lang pala.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon