20. Alinlangan

10 5 0
                                    

Hindi alam pa'no tatapusin ang nasimulan
Hindi na alam kung dapat pa bang panindigan
Mananatili o iiwas na lang ang tanging pagpipilian
Pero walang magawa,tila naguguluhan.

Mahal ko,minsan ako'y napapagod rin
Na maghintay kung kailan ako naman ang una mong iisipin
Maraming bagay na ang tumatakbo sa aking isip
Pero ayaw kong tumigil,ayaw kong mainip.

Sinusubukan ko minsan na balewalain ka
Ngunit muli'y makikita ko ang sariling nagtitipa ng mga letra
Mga mensahe kong sayo'y paulit-ulit na magpapaalala
Kung ano ang totoong nararamdaman ko,mahal kita.

Subalit di 'ko maiwasang maikumpara ang aking sarili
Dahil alam kong may mas nauna sa'kin jan sayong tabi
Nagtatanong at nagtatampo kung bakit tila ako'y huli na
Kung pwede naman na akong yung dapat na mas nauna.

Ayokong magsabi dahil natatakot na masumbatan
Ito ang pinili ko,ipagpapatuloy na lang ang nasimulan
Subalit mahal, gusto kong tumigil at magpahinga
Sa lugar na tahimik kung saan wala siya, wala ka.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon