KATAOMOI: His Wedding Day

2.4K 56 16
                                    

 "Heto na."

 "Malapit na ko."

 "Malapit na malapit na," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa isang pagkahaba-habang pulang tela sa gitnang espasyo.

 "Ang ganda-ganda mo, Hija."

  "Bagay na bagay sa'yo ang damit mo."

 "Oh ngiti naman d'yan." Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko sa magkabilang tagiliran habang naglalakad patungong Altar.

Pagkadating na pagkadating sa pinakangdulo nito, lumiko ako sa kaliwa at doon, doon ko nakita ang ekspresyon nang lahat habang iniaabot ni Tito Luis ang kamay ni Cass kay Clyde.

Nakangiti silang lahat, habang ako ay pilit na ngiti lamang ang pinakikita — ngiting hindi mo makikita sa iba. Kung pagmamasdan ang lahat, hindi mapagkakailang masaya sila sa nasasaksihan. May kislap ang kanilang mata at ang iba'y may kasama pang luha ng pagkagalak. Pero ang sa akin? Naiiba ito, may luha ngunit sanhi ng kirot na nararamdaman ko sa kalooban. Masakit, sobrang sakit.  Siguro ay isa nga akong hangal. Isa akong martyr at higit sa lahat, isa akong tanga.

"You may now kiss the bride, " sabi nang lalaking nasa unahan. Nakasuot ito ng abito.

Kasunod ng isang matamis na halik sa labi ng dalawang taong nakaputi sa unahan ay isang masigabong palakpakan. Mayroon ding mga sumisigaw nang "One more!" at "Mabuhay ang bagong kasal!"


***

 4 years ago...

 "Jam, pakilala mo naman ako sa kasama mo kanina, oh?" pagmamaka-awa ng best friend kong si Clyde.

 "Ha? Kay Cass? 'Yung anak ni Ma'am Aguilar?" nagtataka kong balik-tanong sa kanya.

 "Oo, 'yung mahaba ang buhok.  'Yung kasama mo kanina. Tae, tinamaan ata ako! Tagos dito," sagot niya habang itinuturo ang daliri sa bandang dibdib.

 Siya si Clyde, ang best friend ko simula pa elementarya hanggang ngayon na nasa huling taon na kami — grade 12.

 Si Clyde na kasabay ko pumasok kapag umaga at umuwi kapag hapon.

 Si Clyde na nag-iisa kong karamay kapag malungkot ako.

 Si Clyde na nasasabihan ko lahat ng mga sama ng loob at hinanaing ko.

 Si Clyde na nagparamdam sa akin na isa rin akong babae.

 Si Clyde na lihim kong minamahal simula pa noong mga bata pa kami.

 Oo siya, ang lalaking nagbigay lakas-loob sa'kin para lumaban. Ngunit siya din mismo ang taong nagturo sa akin para sumuko at ang magparaya — para makitang masaya siya kahit sa piling ng iba.

 "Ako? Ipapakilala ka sa kanya?" Itinuro ko ang sarili at saka ibinaling iyon  sa kanya. "Sus iyon lang ba? Eh, alam mo namang malakas ka sa'kin.'"Ibinaling ko sa ibang direksyon panandali ang mga mata kong gusto nang bumigay saka muli siyang hinarap. "Oo ba ikaw pa? Sige hayaan mo at mamaya may number ka na niya," saka siya paakbay na hinila at ginulo ang malambot niyang buhok.

 "Jamiella,  iyong buhok ko!" kunwari niyang reklamo.  "Pssh, da best ka talaga! Pa-kiss nga!" Doon nagkapalit ang lugar namin kung saan siya na ang humigit at mabilis na hinalikan ako sa pisngi. Matapos noon ay kaagad na tumakbo habang nagtata-talon na tila ba nanalo sa lotto.

 Naiwan akong tulala habang nakaupo sa damuhan  sa likod ng main building namin. I touched my right cheek — where he kissed me. Kung para sa iba, isang ordinaryong halik lamang iyon na galing sa isang matalik na kaibigan, para sa'kin isa itong halik na kailan man ay hindi magiging katotohanan.

Kataomoi .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon