Guhit ng Isip by Hannah_Shinn

141 11 8
                                    

[ COACH ] Ken
[ SONG | ARTIST ] Underneath The Tree | Kelly Clarkson
[ WATTPAD WORD COUNT ] 946 words

Pula at berde... nagkalat ang kulay pula at berde. Oo nga pala at ngayon ay Disyembre--buwan kung kailan hiniling ko ang pagbagsak ng puting nyebe, kahit alam kong ito'y higit pa sa salitang imposible.

--

Hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam sa tuwing pinagmamasdan ko ang langit--payapa, nakagagaan ng loob at 'yung tipong masaya lang, ganun. Pero bakit parang nag-iba yata ngayon?

Napahinga ako nang malalim matapos umihip ang malamig na simoy ng hangin. Ilang pasko na nga ba ang nagdaan, pero wala pa rin siya? Ilang pasko pa nga kaya ang kakayanin ko na hindi siya kasama, gayong nawawalan na ako ng pag-asang babalik pa siya?

Gamit ang papel at lapis na dala dala ko sa tuwing tatambay ako rito, nagsimula akong gumuhit.

"Ikaw ba, anong gusto mong maging kung hindi ka naging isang tao?" Naaalala ko pa noon nung tanungin niya ako niyan. Natulala na nga lang ako no'n eh, sa kaiisip ng magandang maisasagot dahil ang gusto ko ay mapa-impress ko siya, pero bigla ba naman niya akong tinawanan at ginulo pa ang nakaayos kong buhok. Kung tutuus tuusin dapat nainis na ako no'n e, kaso bakit kinilig pa ako?

"Alam mo nakakatuwa ka.. natutuwa akong makita 'yang epic mong mukha. Iuwi kita diyan eh." Parang sirang plakang nagpaulit ulit ang huling salita niyang iyon sa tenga ko na pumunta pa talaga sa puso ko kaya parang baliw na naman ito kung makatakbo. At para hindi niya mahalatang tuwang tuwa naman ako, sinamaan ko siya ng tingin saka hinampas sa braso--pasimpleng landi ko noon.

Ang sarap ng tawa niya habang pinagmamasdan ko siya.. at ito na lang din ang nasabi ko sa isip ko noon, 'ang sarap niya ring iuwi'.

"Puno.." banggit nito matapos tumawa. "Kung ako ang tatanungin mo, puno ang gusto ko. Kasi.. ang gwapo ko." Kahit kailan talaga, hindi naubos ang kayabangan niyang iyan. Pero sa kabilang banda, totoo nga naman. Kaya nga nahulog ako eh.

Nagulat na lang ako sa muli niyang pagtawa. Malapit na, malapit na akong mainis sa sarili ko dahil gusto ko na siyang halikan noon.

"Kring.." Isang tawag lang niya sa pangalan ko, libo libo ang naging epekto--parang siyang isang musikang ayaw kong tigilan.

"Kung aamin ba ako sa 'yo.. aamin ka na rin ba?" Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. 'Alam na ba niya? Ganun ba ako ka halata? Oh my! Pero ano raw? Aamin na siya sa akin?' Halos kumawala na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba nung mga panahong iyon.

Ngunit hindi ko pa man lubusang napagtatanto ang sinabi niya nang tumawa siya ng malakas. 'Sabi na nga ba, hindi dapat ako naniwala.' Iniyuko ko ang ulo ko saka tatalikod na sana nang hawakan niya ang baba ko't iniharap sa kaniya at walang sabi sabing hinalikan ako sa labi.

"Ano Kring? Iuuwi na ba kita o papayagan mo akong ligawan ka?"

Nagingiti na lang ako nang matapos kong alalahanin ang masasayang araw na iyon. Napatingin ako sa punong katatapos ko lang maiguhit.. ang punong kinauupuan ko ngayon at ang punong naging saksi sa lahat ng sayang iyon.

"Do you wanna build a snowman? Come on let's go and play.." Naaalala ko pa noon kung paano niya nilalaro ang kamay ko habang kumakanta niyan. Halos buong araw niyang ginagawa iyan, lalo pa no'ng malaman niyang pangarap kong makasaksi ng umuulang nyebe.

Buong araw naming kasama ang isa't isa na parang mga baliw kung magtawanan. Masasabi kong hindi iyon naging katulad ng mga ordinaryong araw na magkasama kami, lalo na ang paglalambing niyang sobra sobra. Lingid sa kaalaman kong iyon na pala ang huli naming pagkikita.

Nawala siyang parang bula at iniwan akong nangungulila. Hindi ko alam.. hindi ko alam ang naging dahilan. Basta ang alam ko lang ay hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Dito sa puno kung saan nabuo ang lahat at dito rin sa punong ito kung saan iniwan niya akong walang wala.

"Bakit ko nga ba iniisip na naman iyon?" Umayos ako ng pagkakaupo't itinuloy ang ginagawa kong pagguhit. At gaya ng naka-ugalian, hindi nawawala ang nyebe sa obra ko. Nyebeng kailanman hindi ko makita katulad ng sarili ko ngayon.

Seryoso akong tinatapos ang pagguhit ko nang maramdaman kong may kung anong nahuhulog mula sa itaas.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Paanong?

"Kring.. Do you wanna build a snowman?" Nagulat ako't hindi makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Tama ba? O nananaginip lang ako?

"Kring.." Unti unti kong nilingon ang nagmamay-ari ng boses--siya nga. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng napakahigpit. Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito. Galit ako, oo pero mas pinili ko ang isantabi na lang muna iyon, lalo pa't may artipisyal na nyebe akong nakikita ngayon.

"Nagustuhan mo ba ang styro version ko ng snow?" Hinampas ko na lang siya sa likod sa biro niya. Sobrang na-miss ko ang taong ito. "Sorry Kring, magpapaliwanag ako." Nginitian ko lang siya bilang sagot. Saya lang muna para sa araw na ito ang tatanggapin ko.

Dito sa puno na ito nabuo ang lahat, natapos, nagbalik, at ang pinakagusto ko ay ang pagpapaulan niya ng nyebe gamit ang sarili niyang paraan na siya naman talagang minahal ko sa kaniya noon pa man.

"Alam mo ba kung bakit ko noon sinabing puno ang gusto kong maging kung hindi ako naging isang tao? Iyon ay dahil sa 'yo. Sa punong ito, una kitang nakitang umiyak, sa punong ito, una kitang nakitang tumawa, at katulad ng punong ito, gusto kong ako ang maging sandalan at saya mo sa lahat ng oras ng buhay mo. Iyon ay kung pakakasalan mo ako?"

Ang kwentong ito ay minsan ko ng naipahayag gamit ang obra ko, hindi ko naman akalaing ito pala ang magiging istorya ko. Sabagay, minsan sa buhay mo magugulat ka na lang dahil umuulan na pala ng nyebe.

Liriko 2: AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon