"hoy babaita!!!"-ayrah
"aduuuuuyyy!"-faith
hinimas himas ko yung ulo ko na hinampas ni ayrah.
"buti nga sayo!! nakatingin ka nanaman kasi sa kanya!"-jean
tinutukoy nila si whyte. yung crush ko simula pa nung 1st year. nasa canteen kami ngayon at kasalukuyang nakaupo sa isang table di kalayuan sa table nila whyte at ng mga barkada niya.
"ay hala! sorry ah.. nagpasa pa kasi ako ng story para sa schoolpaper eh.."-jade
napalingon kami sa kanya.
"oy tumabi ka na kay faith.. alam ko naman handa ka nang tunawin si chester yourlabs."-jean
"asuus. hoy jean! para namang di mo tinititigan si hanz!"-ayrah
"hindi ko na crush yan noh!! si dave na yung crush ko!swear!"-jean
"eh bakit kasi dyan kayo sa magbabarkada naghahanap? buti pa si angie! may gian na!"-tina
"oh! andito na pala kayo eh! ambagal niyo. naunahan ko pa kayo."-jade
"eto kasing si angie.. antagal magsuklay eh. kala mo naman ang habahaba ng buhok niya."-tina
"excuse me nanam no! eh ikaw kaya! hinintay niya pa yung lollipop na ibibigay sa kanya ng boyfriend nyang si mark!!"-angie
ganto lng kaming magkakaibigan. nagkukulitan lang. nagtatawanan. pero yung sa crush crush na yan?? sus. si jean textmate si hanz. si jade kasama si chester sa schoolpaper. si ayrah boyfriend si rain. si tina, boyfriend si mark. si angie, kapitbahay si gian. ako???
ay ako. >___<
buti pa sila kilala sila ng mga crush nila eh. ako? nako. ni hindi ata alam ni whyte na nabubuhay ako eh. pero ano naman kung hindi ako kilala ng crush ko?!!!
ganun talaga eh! hindi kasi ako papansin. hindi naman ako kagandahan. hindi din ako mayaman tulad ni jean. pero atleast naman kumakain ako higit sa tatlong beses isang araw.
"sumama ka na kasi sa cosplay jean!!"-tina
"baka kasi sumama sa cosplay si hanz."-jean
"SO?!"- faith, angie,tina,ayrah,jade
"baka walang pumalakpak. audience impact 20%."-jean
"magdadala kami ng 1.5 na bote tapos ipukpok namin sa ulo mo. solve!"-angie
"pag isipan ko."-jean
"tamo to!! isang bwan mo nang pinagiisipan yan ah!"-faith
"tara na nga sa room. baka nandun na si maam."-jade
hindi namin kaklase sila whyte. kami nasa first secrion, sila nasa science class. ok nanaman ang araw na to. nothing extraordinary. umuwi na kaming magbabarkada. except kila jean at angie. nagshopping pa sila eh.
sumakay na ako ng bus. mas mabilis kaysa sa jeep eh. isa pa, may inaabangan akong palabas ng mga gantong oras.
hay salamat. nakauwi nadin. tumakbo ako papasok sa bahay. baka nagsisimula na yung palabas. pagbukas ko ng pinto may biglang yumakap sakin. nung binitawan niya ko, nakita ko na umiiyak siya. tmingin ako kay mama. tapos lumapit ako sa kanya.
"mama, ninang ko po??"-faith.. lalang. hula lang.
"tunay na nanay mo."-mama
nagulat ako. naikwento narin naman sa akin nila mama ang tungkol sa kanya. alam ko namang ampon ako eh. pero di ko inaasahang makikita ko siya.
"ate! bigtime ka pala eeh.. nice"-ace
tiningnan ko yung kapatid ko.
"ace, bat daw nandito sila?"-faith