Bakit? Bakit ba nila 'ko ginaganito? Ibinigay ko naman ang lahat sa kanila. Halos wala na ngang matira sa 'kin eh! Hindi pa rin ba 'ko deserving? Grabe naman! I was dumped by my girlfr- Okay! Fine! EX-Girlfriend! She dumped me! Alam n'yo kung anong rason? Wala na raw kasing sparks! Aba! Kuryentihin ko s'ya d'yan eh! Para makita n'ya yung hinahanap n'yang sparks. On the second thought, di ko pala kaya 'yun. Mahal ko s'ya eh. I loved and am loving her more than myself. I treated her as my queen but she looked at me like a servant. Akala ko kami na talaga till the end. Ang masaya pa, that was our first ever anniversary. 'Di nga s'ya nagpakita sa 'kin eh. Nakipaghiwalay na lang s'ya bigla. Di lang s'ya ang gumanito sa 'kin. She was the third pero 'eto yung pinakamasakit. Imagine? That was a year-long relationship tapos sinira lang s'ya ng isang simple text?
I am now sitting at the park. Sa may bench na bihirang puntahan at daanan kasi medyo tago. I am wearing my earphones right now and letting the music fill me during these dark hours.
Oh pinaglalaruan ba talaga 'ko? Bakit naman ganito? 'Eto yung theme song namin ni Kyrie eh! Hayaan mo na nga...
♫♪ Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugadNadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan
Na di pa dinanas ng sinumanAko ay nagbalik, at muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko,
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang 'yong ngiti. ♫♪
That was our anniversary. I prepared a special date for us. Hinanda 'ko ang lahat para maging the best and the most memorable night 'to para sa kanya. I texted her na I'm going to pick her up by 7:00 p.m. para sa celebration namin. Tinignan ko yung orasan ko. 5:00 p.m. na pala. Hindi naman matagal makarating sa kanila so aalis na lang ako ng mga 6:30 dito. Naka-ayos na 'ko at prepared na prepared na para sa araw na 'to. Chineck ko na yung nakahanda 'kong surprise para sa kanya.
Isang simple dinner date lang naman 'to sa rooftop namin. Naglagay kami ng red carpet papunta dun sa table. Surrounded ng rose petals ang daanan. Tapos habang papunta sa table, dadaan ka sa six arcs na parang garden. I made sure na may maraming flowers dun tapos bawat isang arc may nakalagay na word na kapag pinagsama-sama mo, lalabas yung I LOVE YOU VERY MUCH BABY! Ako ang nagluto ng pagkain namin. Sinugurado 'kong yung favorite n'ya yung lulutuin ko. Pinatikim ko pa sa kapatid ko para makasiguradong talagang masarap. May red wine rin na nakalagay sa bucket with ice sa table.
M(in)ake sure ko rin na pagpasok n'ya, isa lang ang mararamdaman n'ya and that is being loved. Nakahanda na rin ang bouquet of roses na nasa table rin. Then, nakaset na rin yung tatlong lalaking binayaran ko para tumugtog ng sweet violin music. Kakatext lang din nung inutusan kong magset up ng fireworks para may sweet talaga. Naka coat ako ngayon tapos jeans and v-neck shirt. Simple lang. Mas importante kasi s'ya. Lastly, may chineck ako sa coat ko. It was a small box. This will predict my future. I opened it and napangiti ako. It was sparkling.
Sigurado na 'ko. Magpo-propose na 'ko sa kanya tonight.
♫♪ Init ng 'yong halik, wala ng kasing init
Yakap pa rin nito yaring isip ♫♪Then, I got ready and went to her house using my car. I am feeling quite unease but very excited. Ngayon, alam ko na talaga. Handa 'kong makasama s'ya habang buhay. S'ya lang ang babaeng mamahalin 'ko for the rest of my life. I might sound cheesy and corny pero ganun talaga 'yung nararamdaman 'ko eh. Ewan ko ba? Ganito pala pag-in love. Habang nagmamahal ka, eh alam mong may nagmamahal din sa'yo.
I texted her na papunta na 'ko.
♫♪ Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko,
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang 'yong ngiti. ♫♪
BINABASA MO ANG
Wag Ka Nang Umiyak (boyxboy)
Short Story(BOYXBOY) This is a sweet short story. Take time to read :D