[ COACH ] Mick
[ SONG | ARTIST ] Christmas Song | Owl City
[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,408 words
Words they say are the most powerful weapon that a person possesses. Marami raw sa mga salitang ang nakakapagpasaya, nakakapagpalungkot at nakakasakit sa'tin. Sa isang salita na maari nating bitiwan ay maraming kahulugan ang maaring ibigay dito. Sa bawat salita na 'yun ay kaakibat nun ay ang responsibilidad na pangatawanan kung ano man ang kahahantungan ng mga salitang ating binitiwan.
Mayroong punto sa buhay kung saan may mga salita tayong binibitiwan na dahilan ng ating mga pagsisisi. Tulad ng pangako, 'yan 'yung salita na lagi nating binibitawan at lagi rin naman nating nalilimutan. Hindi ko nga alam kung bakit naimbento pa ito gayung nagiging dahilan lang upang makasakit tayo ng tao.
Sa matagal ko ng panahon na nabubuhay at nag-iisip, marami na din akong bagay na napagtanto at napakarami ko na ring mga pangako na napakinggan.
"Ikaw lang ang mamahalin ko, itaga mo pa sa bato."
"Gagawin ko lahat ng gusto mo, swear."
"Ikaw lang talaga, cross my heart."
Ilang salita at pangako pa ba ang dapat kong mapakinggan at makitang mabali? Sa sobrang dami at halos 'di na mabilang na pangako na narinig ko, ganun naman kaunti ang napatunayan kong nakatupad sa mga salitang iyon.
Promise? Swear? Peksman? Oath? Vow? Kahit gaano pa karaming kahulugan ng pangako, sa huli, isa lang 'yang salita at isang katagang walang habas nating pinapakinggan at pinaniniwalaan. Tulad ko na nagmahal at minahal, nauto at nagpa-uto, nanakit at nasaktan.
Bitter? Maari.
May pinaghuhugutan? Siguro.
Sawi sa pag-ibig? Oo.
Three years ago, I fell and up until now, I still haven't landed.
"Can I have this dance?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ang usap-usapang nagmamay-ari raw ng kompanya na pinagtatrabuhan namin. He's usually aloof. Kung tutuusin ay marahil ito ang unang beses na nagka-usap kami pero heto s'ya at niyayaya akong sumayaw. It took me by surprise to see him smiling at me. He suddenly bowed his head at me and held out his hand.
"S-sir!" Sa totoo lang ay nais kong tumanggi ng mga oras na 'yun pero bago pa man ako makapagsalita at makapag-protesta ay natagpuan ko na agad ang sarili ko na hawak nya at sumayaw sa gitna ng venue.
"How's the party?" He has this soft and pleasant voice that makes you feel at ease with him at once.
"Okay naman po," marahan ko'ng sagot. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na masyado itong magarbo at magastos para lang sa isang simpleng Christmas Party.
"Is it too much?" Natigilan ako. Nabasa nya ba ang iniisip ko? "Maybe it is too much. However, when I got married, it will be more luxurious and will be the grandest of all the weddings. It will even surpass what my wife had imagined."
"Ikakasal ka na po ba?" tanong ko sa kanya at ngumisi s'ya na humarap sa'kin.
"Hindi ko pa nga napapasagot 'yung babaeng gusto ko. I bet she doesn't even know or remember me." Tumingin s'ya sakin. "Ikaw, have any plans of getting married soon?"
"Bata pa ako at wala pa sa plano ko 'yan dahil hindi ko pa kaya ang magkaroon ng sariling pamilya."
"Gaano kalaking pamilya ba ang gusto mo?"
"I'm an only child so I guess six or seven? Depende pa rin sa magiging asawa ko. If he's a billionaire, then it won't be a problem no matter how many our kids will be."