CHAPTER 25 (Last chapter)
Hindi na ako sumasagot pa sa mga sinasabi ni Hans, dahil alam kong hindi siya magpapatalo ngayon. Tumingin nalang ako sa labas.
"Bakit ganyan ang suot mo?" bigla na naman niyang tanong. Hindi ako sumagot.
"I asked you, Quennie. Bakit ganyan ang suot mo." ulit niya. Tiningnan ko siya ng masama, seryoso lang siyang nakatingin sa harap. And I found it hansome. Wait, what?
"Ano na naman bang problema mo?" Iritable kong tanong. Tumingin siya sa'kin saglit.
"I hate that. Maraming nakakakita sayo."
"Ang dami mo namang problema sa'kin." reklamo ko.
"Tsk. Mas maraming magkakagusto sayo kapag ganyan ang suot mo." Wika niya. Huminga ako ng malalim. I can't take this.
Huminto ang sasakyan at bumaba si Hans. Umikot siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala pa naman kami sa Maynila a.
Pagbaba ko ay hinila ako ni Hans papasok sa isang Hotel.
"Magpalipas na numa tayo ng gabi dito." sabi niya. Sumunod lang ako.
Bakit ako nagpapadala sa lalaking ito?
Pagpasok namin ay pinagtitinginan si Hans ng mga babae. Ang sarap dukutin ng mga mata nila. Tinarayan ko nalang sila.
Maya-maya ay hinawakan ni Hans ang kamay ko at pumunta na kami sa room number namin.
"Dalawang kwarto?" tanong ko. Ibinigay niya kasi sa'kin ang isang key. Ngumisi siya sa'kin.
"Why? Gusto mo ba magkasama tayo sa iisang kwarto?" tinarayan ko nalang siya ang kinuha ang susi at tinalikuran na siya.
Nakakainis! Ang assuming ng lalaking iyon.
Nagulat ako ng may maalala ako.
"Si Ella!" Sigaw ko at kinuha ng cellphone at nakita ko ang ilang missed calls at text. Tinawagan ko nalang siya at sinagot niya naman agad.
"Gosh, Quennie! Galit si Kuya at may pasa siya. Is it true? Kasama mo si Hans?" tanong niya agad.
Umupo ako sa kama at hinubad ang sandals ko.
"Yes, pupunta kami sa Maynila." I said. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"Finally! Ipaglalaban niya na ang pagmamahal niya sayo. Sana ay ipaglaban
mo na din siya." wika ni Ella sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pinto."I call you later." paalam ko kay Ella at binaba na ang tawag.
Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto at binuksan iyon. Nakita ko ang seryosong mukha ni Hans.
"What is it?" tanong ko. Naglakad siya papunta sa loob.
"Magbihis ka. Kakain tayo sa baba." he said. At nilagay ang mga damit na dala niya sa kama ko.
"Are you sure about this Hans? Magpapakasal ka sakin?" humarap sa'kin si Hans at tiningnan akong mabuti.
"Yes." wika niya.
"Pero bata pa lang tayo. We're just eighteen years old."
"I'm nineteen." pagtatama niya sa sinabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay, fine. Hindi na importante kung ilang taon na tayo. The important thing is, hindi ako gusto ng pamilya mo." I said. Naalala ko noon na galit sa'kin ang Mama niya dahil sa nangyari noon.
"Hindi nila kailangang magustuhan ka para magustuhan kita, Quennie. Mahal mo naman ako hindi ba?" tanong niya.
"Magbihis ka na." wika niya ng hindi ako nakasagot sa tanong niya. Lumabas siya ng kwarto at napahawak nalang ako sa noo ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)
Teen FictionNaging sikat siyang Nerd dahil sa secret admirer niya. Marami na siyang pinagkamalang tao pero sa huli ay bigo siyang makilala kung sino ba talaga. Ang ultimate crush niya? Ang lalaking nambubully sakanya? O ang nerd na katulad din niya? Let's find...