3rd Person POV:
Matagumpay sila Brie nakalabas nang kanilang bahay. Hindi nila alam na nag - aabang na pala ang mga papatay sa kanila sa oras na umalis na sila.
Nananatiling kalmado ang ama nito habang nagmamaneho samantalang nagpapanik naman sila.
Halo - halong emosyon ang nararamdaman sa loob nang sasakyan hanggang sa nagsalita si Toni.
"Hey, sila ba yun?"
Aligaga silang tumingin sa labas nang kotse. Nakita nilang sumusunod nga ito sa kanila.
Si Brie lang ang nakakasiguradong sila na nga yun. Mas bilisan pa ang pagdrive nang ama nila ang kotse.
Walang makapaniwala sa nangyayari. Wala ni isa sa kanilang mayroong ideya.
Pero alam nilang sa oras na maabutan sila nito ay katapusan na nang kanilang buhay.
Hindi inaasahan ng padre de pamilya na mayroong sasalubong sa kanilang itim na van. Agad niyang niliko ang kotse pero huli na. Sumalpok ang unahang bahagi nito sa isang malaking puno nang narra.
Tumigil ang apat na van at nilapitan ang kotse. Lumabas naman ang lider nila at tumingin sa loob ng kotse.
Humahagalpak siyang tumingin sa mga tauhan nito at sumenyas na patayin ang lahat nang nasa loob.
Bago pa sila makapaputok, dumating ang isang lalaki sakay nang kaniyang M Agusta F4.
"Itigil niyo yan!" Maalingawngaw na sigaw niya kaya nagsilingunan ang mga tauhan.
Halata sa mukha nila ang gulat. Wala silang masabi at nanginingig na ibinaba ang mga baril na hawak.
"Sino ang nag - utos sainyo nang walang pahintulot ko?" Mas long natakot ang mga tao sa kaniya. Walang sumagot kaya pinagbabaril niya ang mga tauhan na malapit sa kaniya.
Walang - awa niya sila pinatay. Walang nagtangkang salungatin siya dahil siya ang nag - iisang taong namamahala sa Britaniya.
"Walang sasagot?" Malakas niyang sigaw kaya sabay - sabay nila itinuro ang lalaking nag - utos.
"Siya po. Prince Z! Si Duke Armageddon-" hindi na natuloy pa ang sasabihin nito nang barilin ito nang sinasabing Duke.
"Anong karapataan nang Dukeng pangunahan ang Prinsepe nang Britaniya?"
Sa halip na sumagot ay tumawa lamang ang Duke.
"Hahahhaaha... Kahit kailan talaga pakialamero ka, mahal na Prinsepe... Nakikipaglaro lang naman ako sa pamilya nang taksil kong kaibigan. Anong masama roon?" Nakangisi man ay hindi nito mapigilan ang sarkastikong pananalita sa Prinsepe.
"Tsk, ikulong niyo yan. Ngayon din" aligaga naman silang sumunod sa Prinsepe ngunit mas nagpupumiglas lang ang Duke. Hindi na nito napigilang kunin ang baril at isa - isang pinagbabaril ang mga tauhang kasama nito kanina lang.
Kung walang - awa ang Prinsepe mas walang - awa ang Duke. Likas na tuso ito sa kaharian nang Britaniya.
Hindi lamang ito mahuli - huli dahil sa pangalan nito.
"Tandaan mo ito. Mahala na Prinsepe. Magbabalik ako"
Matagumpay na nakatakas ito sa mga tauhan dala ang sasakyang palagi nitong ginagamit.
Pinasundan pa ito nang Prinsepe pero walang nakahabol rito. Hindi na lamang ito initindi pa nang Prinsepe at tinungo ang kotse.
Nakita niyang sakay nun ang babaeng gusto niya. Katabi ang lalaking kinangingitngitan nito. Kasama rin ang magulang at kapatid nito.
Kilala niya lahat nang pamilya ni Brie. Minsan na kasi itong naglingkod sa kaharian nila. Pinalayas lang dahil sa nangyari sa kaniya ng hindi siya nailigtas ng tinagurian niyang Dames, si Brie.
Karaniwang Dames, ang tawag sa mga babaeng kabalyero na napiling magtanggol sa Prinsepe at Knight naman sa lalaking magtatangol sa palasyo.
Namuno ang paghanga niya rito nang magsanay ito. Mula sa pagkakadapa hanggang sa pagiging malakas nito dahil sa tulong ng lolo nitong yumao na.
Kulang lamang nang lakas nang loob ang dalagang makipaglaban kaya palagi itong pinaghihinan ng loob.
Tumigas lamang ang puso nito nang mamamatay ang lolo nito. Lahat nang pagbabago sa buhay nito nakita niya.
Sa malayo man, nakatingin alam niya ito parin ang babaeng mamahalin nito buhay niya.
Nabago lang ito nang makita niyang dumating sa buhay nito ang lalaki. Doon natuon ang atensyon niya.
Bawat galaw nang binata, binatayan niya hanggang sa siya na mismo ang sumuko. Umpisa pa lang talo na siya. Ngayon niya lang mas lalong napatunayan yun.
Ligtas niyang napa - ospital ang pamilya ni Brie maging ang katipan nito. Labis na dugo ang nawala sa kanila kaya pinasalinan niya nang dugo.
Nagdonate na rin siya nang dugo na nakuha nila at kapalit nang dugo niya.
Isa man siyang maharlikang tao. Siniguro niyang walang makaka - alam dito sa Pilipinas dahil pagkakaguluhan siya.
Nakatulugan na niya ang pagod sa pagpapatransfer nang dugo sa bloodbag.
Brie's POV:
Naalimpungatan ako sa hindi ko kilalang lugar.
Wala ako sa hospital at nasisigurado ko iyan.
Sumasakit man ang ulo ay dahan-dahan akong bumangon. Pigil - hininga ang ginawa ko nang maaninag na mayroong nakatingin sakin.
"Sino ka?"
Pinagkakalas ko ang lubid na nakapalibot sakin pero ako rin lang ang nasasaktan. Mahigpit ang pagkakatali.
"Pakawalan mo ako rito!"
Humalakhak lang ito sa aking sinabi at dahan-dahang naglakad papunta sa akin.
Tumapat ang mukha nito sa ilaw na tanging narito sa silid.
"Nakikilala mo pa ba ako?"
Nakita ko ang mukha niya at bumalik sa aking isipan ang ginawa niyang pagsenyas na sampalin ako.
"Tang*na mo. Ilabas mo ako rito kung ayaw mong patayin kita!"
Hindi man lang ito nasindak at tumawa lang sa harap ng mukha ko.
Marahas kong kinakalas ang lubid. Natandaan kong may swish knife nga palang nilagay sa bulsa ko si Toni noon nasa kotse pa kami. Palagi kasi kaming mayroon noon siya ang pinapatago ko. Nadala niya pala.
Matagumpay kong nakuha ang swish knife habang nagtatalak siya.
"Ano apo ni Zamora? Naiintindihan mo na ba?... Hahahahaha... Nang dahil sa iyo hindi ako ang pinakasalan nang Lola mo. Kung hindi niya ako niloko at sinulot ang lola mo. Hindi ko sana siya ipapatay."
"Tsk, wala ka na bang ibang kuwento. Nakakasawa naman yang kuwento mo. Pwede bang iba naman? Yung mas magandang pasabog para isahang bagsakan nalang ang maramdaman ko. Ayaw ko kasi nang paunti - unti" pang - uuto ko habang ikinikiskis ang swish knife sa lubid.
Hindi naman niya nakikita ang ginagawa ko kasi madilim na. Natigilan ako sa ginagawa nang marinig ko ang sinabi niyang nakapagpahinto sakin.
"Apo ko ang lalaking mahal mo"
___________________________________________
LIKE, COMMENT & VOTE
© purpleCalib
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...