CHAPTER 29

5 3 0
                                    

Brie's POV:

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Armageddon, yun ang totoo niyang pangalan.

"Psh, kalokohan!" Sa sinabi kong yun ay hinablot niya ang buhok ko.

Tang*na may lahing chararat ata to. Ansakit sa anit.

"Hahahhahah... Inaasahan ko nang sasabihin mo yan. Umpisahan natin sa pagiging broken hearted ko noon. Nang piliin ni Esmeralda ang lolo mo doon ko nakilala si Feliza, ang Lola ni Diego. Sa una akala ko, mapapalitan na sa puso ko si Esmeralda pero hindi. Nagkakamali ako. Kahit nariyan na si Feliza, siya parin. Si Esmeralda pa rin. Namatay ang Lola ni Diego sa sobrang lungkot. Huli na nang malaman kong mahal ko pala talaga si Feliza. Pilit ko lang sinisiksik si Esmeralda sa puso ko. Labis akong nagsisi noon pero ang lolo mo hindi. Habang malungkot ako ng mga panahon na iyun sila naman ang masaya. Nakakainsulto lang na sila parin hanggang dulo. Kaya mula noon, tinalo ko na ang Lolo mo. Ako ang nagpapatay sa lola mo. Ako rin ang namuno nang araw na umayaw na ang lolo mo sa pagbebenta sa Wet Market. Sayang nga lang at hindi ka naibenta noon pa lamang. Edi sana tapos na to. Ngayon pa lamang. Pero huwag kang mag - alala dahil ngayon na ang araw para mapakinabangan naman kita... Hahahahahahahaha... Kunin niyo siya"

Naguluhan ako sa sinabi niya at hindi napaghandaan ang pagtago nang swish knife sa bulsa ko kaya nakuha nila ito. Tinapon naman ito sa malayo nang lalaking natatandaan kong sumampal sakin noon.

Hinding - hindi ko makakalimutan ang mukhang iyun. Hintayin mo akong makatakas dito at babangasan kita.

"Tsk, talagang may balak ka pang tumakas. Sayang nga lang at hindi ka na namin makikita pa sa susunod na araw... Hahahahah"
Matagumpay nila akong kinalagan bago marahas hilahin palapit sa kanilang amo.

"Anong gagawin mo?"

"Hahahhaa... Natatakot ka na ba? Sabagay wala naman kasing mag - aabalang iligtas ka. Lalo na ang Prinsepe mo... Hahahhahaa... Parehas kayong mahihina. Dalhin niyo siya sa Auction Room. Itaas ang bidding numbers para sa kaniya" Yun lang ang sinabi ng Duke at umalis na ito sa harapan namin.

Sinusubukan ko ulit magpumiglas pero balewala parin dahil nanghihina na ako sa sugat ko.

'Mga walanghiya! Hindi man lang gamutin ang sugat ko'

Hawak ako sa magkabilang kamay nang pumasok kami sa isang sasakyan.

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa lugar na sinasabing Wet Market.

Sinalubong kami nang sa tingin ko'y host nang auction hall.

"Alagaan mo ito kung ayaw kong mapulbos ni Duke Armageddon" sinabi nang may hawak sakin bago ako kunin nang host na ito.

Ipinasok niya ako sa isang silid na gawa sa fiber glass. Natitiyak kong kita ako sa labas nito gayundin sila.

Mayroong pumasok na mga babae at pinunasan ang mga dugo ko sa katawan saka pinatungan nang mahabang bestida para hindi makita ang duguan kong damit.

Nagmukhang tao naman muli ako sa ginawa ngunit nanakit parin ang mukha ko sa bawat pumiglas ko ay sasampalin ako nang nag - aayos sakin.

Ilang minuto rin ang ginugol nila bago lumabas. Nakarinig na rin ako ng ugong. Sa tingin ko'y magsisimula na.

"Good Evening ladies and gentlemen, right now you will see the best and precious thing in this Wet Market. So ready your pocket as I announce that the bidding right now will starts any minute"

Malalakas na palakpakan. Malakas na kabog nang dibdib ko naman ang aking nararamdaman.

Hindi maaari.

"Let's start with the extinct bracelet from Great Britain Queen. This is the first gift of King Minuet to Queen Anne. The bidding starts with $20,000. Any bidders?"

Nagtatawag na siya. Ang bracelet na iyun ay mula pa sa ina ni Prime paano sila nakakuha noon.

"$21,000!"

"Okay, $21,000 for number 65. Higher than number 65"

"$25,000!"

"Okay, $25,000 for number 109. Higher than number 109"

"$30, 000!"

"Okay, $30,000 for number 2. Higher than number 2"

"$50,000!"

"Woah, what a great bid from bidder number 11. Any higher bid? Okay we have a winner"

Gustong-gusto ko man makita ang nakakuha niyon ay wala akong paraan para makita siya. Nagpalakpakan ang mga tao.

Nagpatuloy ang pag-auction nang makaramdam ako nang kaba nang ako na ang sunod. Madalas si bidder number 11 ang nakakakuha ng items.

Ang yaman naman niya.

"And now for the last item. Remove the satin"

Kasabay nang pagsabi niyon ang pagbaba nang telang nakabalot sa salamin kung nasaan ako. Hindi naman ako nasilaw dahil mayroon nang ilaw sa loob nitong mismong nakatutok sakin.

Naasar ako sa sinabi niyang isa akong item. Kung makakawala ako dito hindi ko sila pagbibigyan pang magsalita.

Ramdam ko ang galit na lumalabas sa leeg ko ngunit kailangan ko munang magpigil para makalabas ako dito sa oras na makuha na ako nang nagbibid.

"Oh looks like the lady. Is getting furious now? Anyway, let's start. She is the granddaughter of the legendary Victor Zamora, the one who own the illegal transaction of drugs around the world" matapos sabihin yun nang host ay hindi magkamayaw ang mga tao sa pagpalakpak.

Mas lalo akong hindi makapaniwala nang halo lahat na sila ay nagtaas nang number nila at sinisigaw ang kanilang bid.

'Seriously, what the fuck is wrong with them?'

Halos pinagkakalampag ko na ang glass ngunit matibay talaga ang pagkakagawa kaya hindi ko man lang magawan basagin.

"Bidders, calm down. I know it caught your interest. So let's start! Her number starts with $1 million. Any bidder?"

Natigilan ako sa sinabi nang host dahil sa laki nang ibinid sakin.

'$1 million!'

Halos hindi naman magkamayaw sa pagpili ang host nang magsimula na nga. Halatang enjoy na enjoy pa ito sa ginagawa.

"Okay, $1,5 million from bidder number 55. Higher than that"

Kung pwede lang himatayin ginawa ko na kanina pa. Higher than that!

Nagpapatawa ba siya. Alam kong walang numero ang matutumbasan ang buhay nang isang tao pero tang*na lang talaga. Masyado naman yata silang gahaman sa pera. Paano nila mabibitbit ang ganoong kalaking kahalaga palabas nang kuwartong ito.

'Ano pa ba ang hindi ko alam sa iyo, Lolo?'




____________________________________________

Hi guys 👋

Sa tingin niyo, sino ang makakakuha sa kaniya?

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon