CHAPTER 31

6 3 0
                                    

Brie's POV:

Kahapon lang ang lumipas ngunit parang matagal ko nang dala - dala ang sakit na nangyari. Hanggang ngayon ay sariwang - sariwa parin sakin ang nangyari sa Wet Market.

Hindi ko narin nakita si mask man. Basta diniretso nalang nila ako dito sa tagong malaking bahay.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak rito sa loob ng kuwarto. Wala ring nangangahas puntahan ako rito sa kuwarto.

Dinadalhan lang nila ako nang pagkain ngunit wala akong ganang kumain. Handa na lahat nang gamit ko rito.

Mukhang napaghandaan na nga ito nang taong nanalo sa pagbid sakin sa Auction Hall.

Kung maaari ko lang pilipitin ang leeg nang taong yun. Hindi ako magkakamaling gawin yun sa kaniya.

Sa bawat araw na narito ako sa loob. Nawawalan na ako nang lakas nang loob para maghintay pa sa kanila. Kung dadating ba sila o hahayaan na nila ako.

Pagak lang akong natatawa sa tuwing naiisip ko ang pangalawang choice sa tanong ko.

Imbes na isipin ko ang mga mangyayari mabuti pang itulog ko na lamang ito.

'Pagod lang ako' pangungumbinsi ko pa sa aking isipan bago tuluyang nagpatianod sa kadiliman.

Kumawala pa ang butil nang luha sa aking mga mata.

3rd Person POV:

Pagkauwi ni Diego sa lugar ni Prime. Nagwawala siya dahil sa nangyari.

Nakawala si Armageddon at hindi nila nasundan si Brie. Magagaling ang mga tauhang nakasagupa nila.

Frustrated niyang inihilamos ang kaniyang kamay sa mukha. Walang alinlangang pinagsisipa ang mga gamit na makikita niya.

Nababadtrip narin si Prime sa inaasta nito simula nang dumating ito mula sa Wet Market.

Imbes na sabayan ito ay umalis nalang siya ng kuwarto.

"Hello. Come here and dalhin mo narin ang girlfriend mo. Kailangan niya kayo. I'll send the address" matagumpay naman niyang naibigay ang address rito saka naiiling na umalis.

"Masuwerte siya sayo"

Dumaan ang ilang minuto at dumating na ang taong tinawagan niya. Agad nilang tinungo ang binata.

Sabog ang kuwarto. Hindi rin magkamayaw ang sugat nito. Hindi lang sa kamay kundi sa mukha rin.

Nagulat pa silang tinignan ng binata bago nagsalita.

"James, Gabby, Anong ginagawa niyo rito?" Hindi niya maintindihan kung bakit naroon ang dalawa.

"Nalaman namin ang nangyari sa kaniya" napa-iwas siya nang tingin sa babae.

"Tutulong kami nang girlfriend ko sa paghahanap sa kaniya. Pangako yan"

Tuluyan na nga siyang napa-iyak sa sinabi nito. Hindi man sila gaanong nagka-usap simula nang nangyari.

Hindi niya parin maiwasang mangulila na walang nagmamalasakit sa kaniya. Ang nanay niya lang ang makakatanggal nang puot na nararamdaman niya.

Agad niyang pinunasan ang mga luhang nahinto narin sa pagtulo. Nagugulat man sa dalawa ay pinili na lamang niyang huwag ungkatin yun. Nagtanong siya sa kanila.

"Bakit kayo narito? Hindi na sana kayo pumunta pa. Masyadong delikado dito. Kailangan ko pang iligtas si Brie" tatayo na sana siya nang pigilan siya nang dalawa.

"Huwag muna. Hindi pa ito ang tamang oras para diyan. Kababata ko si Brie alam kong makakaya niya"

"Tang*na. Gaano ba ninyo kilala si Brie. Palagi nalang niyong sinasabing makakaya niya. Hindi niya makakaya hangga't hindi tayo nagpaplanong kunin siya. Naiintindihan niyo" frustrated na siya. Hindi lang sa mga nangyayari maging sa mga taong nakapaligid rin sa kaniya.

Mas pinapatunayan lang kasi nilang wala man lang siyang alam sa babae. Yun ang hindi niya matanggap sa lahat.

Nagmumukha na siyang pabigat sa grupo kahit wala namang nagsasabi. Hindi siya nawawalan ng tiwala sa sarili niya siya nagagalit kasi wala man lang siyang magawa para iligtas ang dalaga.

Naramdaman niya ang kamay na nakapatong sa balikat niya at tinignan ang nagmamay - ari non.

"Bro, kung hindi mo magawang magtiwala sa kaniya. Magtiwala ka nalang sa sarili mo na maililigtas mo siya. Na magagawan mo nang paraan na iligtas siya"

Nahinto siya sa sinabi nito. Tama ang lalaki, yun ang nasa tinig ng isipan niya.

Naintindihan na niya ang batid nito. Kung hindi ako magtitiwalang makakaya nito ang sarili. Pwes, gagawa ako ng paraan para iligtas ito. Sa ganoon paraan, panatag akong makakagawa ng plano.

"Ano naintindihan mo na?" Sinamaan niya ang lalaki dahil sa pang - aasar nito.

"Sino ang nagsabi sa inyong narito ako?"

"Ang Prinsepe" walang pakeme bagkus ay ismid na sabi ni Gabby.

"Pano mo-"

"Tse, kuya ko siya" nagugulat man sa mga nangyayari hindi parin nakaligtas sa kaniya ang sagot nito.

"Ano?" Tinarayan naman siya nang dilag bago sumagot.

"Duh, Prinsepe siya at Prinsesa ako. Gets! Hay naku, kailan ka pa na bopols Dieg" napasimangot ang binata at natawa naman ang kasintahan nito sa inasta. Naupo man muna sila bago ipagpatuloy ni Gabby ang pagkukuwento. "Si Brie. Isa siyang Dames" alam na niya ang tungkol sa pagiging kabalyera nito kaya pinahinto niya ang dalaga.

"Teka, alam ko na yan. Sinabi na iyan ng kuya mo sakin. Yun namang alam mo na hindi niya sinabi sakin. Yan lang kasi ang sinabi niya tungkol kay Brie sa akin" tinarayan pa ulit siya nito bago nag - isip.

Ilang minuto rin ang itinagal nito bago napapitik sa hangin. Halatang may maisasabi narin.

"Ano Dieg. Handa ka na bang malaman to?" Masiglang saad ng dalaga kaya napatango - tango ang binata at mataman itong tinignan nang dalawang lalaki.

"Handa ka na ba?" Napatango ulit ang lalaki habang enjoy na enjoy naman ang magkasintahan sa naging reaksiyon nito.

"Sagot!" Nakakaramdam na siya ng inis sa dalaga dahil nahahalata niyang pinagtitripan na siya nito.

"Oo. Pwede ba Gabrielle sagutin muna" bakas ang iritasyon sa boses nito dahil sa natitripan na naman siya.

Imbes na sagutin na ang tanung niya ay nagtawanan naman parehas ang magkasintahan.

Parehas niya itong sinamaan ng tingin na ikinatigil rin naman. Tinarayan lang siya ng babae habang nagpipigil parin ng tawa. Walang alinlangan siyang tumayo dahil sa inis.

Inaasahan na niya ang pantitrip nito. Noon naman aliw pa siya sa pantitrip pero iba na ngayon.

Si Brie na ang mahal niya. Magsisilbing paghanga na lamang ang Gabby niyang nakilala.

Bago pa siya tuluyang makaalis nang kuwarto ay narinig na niya ang sagot na dapat ay hindi na niya hiningi pa.

"Si Brie ay papakasalan ng Prinsepe. Gampanin niya yun bilang Dames nito. Siya ang pinili ni kuya. Mga bata pa lamang sila"



__________________________________________

Huwaat!!!

Paano na si Diego?

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon