Day 4 : Code

4 0 0
                                    

Alas nueve na ng umaga nang magising ako dahil 2:00 AM natapos tumugtog ang huling banda kagabi.

Nagsayaw lang kami saglit ni Buknoy sa disco, nakaupo na kami sa isa sa mga silya na nakapalibot sa buong pinagdarausan ng disco nang may isang lalaking lumapit sa'kin.

Sya nga.

Ang estrangherong porener na nakausap ko nung hapon ding yon.

"Hey, girl in black!" ani nya pa.

"Oh? ginagawa mo dito?" tanong ko naman.

Napansin kong humigpit ang hawak ni Buknoy sa kamay ko kaya naman tinignan ko sya.

"Magkakilala kayo?" tanong nya habang magkasalubong na ang mga kilay at madilim ang mga mata.

"Oo. Asungot sa burol." sagot ko pa.

"Burol? Saan yon?" tanong nya pa ulit.

"Over there, with the big tree." sagot naman ng hilaw na lalaking estranghero.

Napabusangot naman si Buknoy sa di malamang dahilan at 'di na nagtanong pa.

"May I join here?" ani naman ng porener na nasa harap namin ngayon.

"No."
"Ikaw bahala."

Chorus na sagot namin ni Buknoy.

"No. Humanap ka ng ibang table." ani Buknoy na kala mo'y may period sa pagsusungit.

"But she said, It's on me." pakikipag argumento naman ng porener.

"I'll take a sit here." dagdag pa nya.

Wala namang nagawa si Buknoy nang umupo sa tapat namin ang porener. Ilang sandali pa, madami nang mga magkasintahan ang nagsi-upuan. Tinetesting na rin ng technical ang lahat ng instruments at speakers hudyat na ilang sandali na lang ay magsisimula nang tumugtog ang mga banda.

Naeexcite na 'ko.

Malakas na hiyawan ang narinig namin nang lumabas ang MYMP na sinundan ng Parokya ni Edgar, Eraserheads, Munimuni at Silent Sanctuary.

Isa-isang nagpakilala ang bawat banda at sa pagkakasunod-sunod nila'y yun na rin ang line up ng magiging gig ngayong gabi.

Kinanta ng MYMP ang Especially For You na talaga namang kinakiligan ng maraming kababaihan dahil kanya-kanya silang sinayaw ng mga nobyo nila.

Sinundan na ito ng masasakit na mga kanta na talaga namang tumagos sa puso ng lahat.

Sumunod namang tumugtog ang Parokya ni Edgar ng Halaga na dama rin ng mga taong nasa gig ngayon.

Sinundan ito ng Alumni Homecoming na nagpaindak at nagpaiyak sa iba. Para daw ito sa mga taong may one that got away.

Tumugtog rin ang Eraserheads ng With A Smile na sinabayan rin ng mga tao na talagang nag eenjoy sa gig.

Inawit din ng Munimuni ang masasakit at tagos pusong mga kanta nila na syang nag-iwan ng sakit sa bawat audience.

Huling tumugtog ang Silent Sanctuary na halos inaabangan ng lahat kaya naman kahit mag-aalas dos na ay di pa rin sila nagsi-uwian.

Kinanta nila ang Kundiman na isa rin sa mga nagpakilig sa mga taong nanonood. Tinugtog rin nila ang isa sa pinakamasakit nilang kanta.

Kismet.

Sobrang lungkot ng kanta ngunit sobrang ganda ng gabi.

"I only understand the english songs. The rest is pure filipino and I can't." ani naman ni Ivo ang porener na sobrang daldal.

"Mag-aral ka kasing mag tagalog para naman 'di ka nagmumukhang shunga." sagot naman ni Buknoy.

Nagkakasundo na sila ngayon at nakakatuwa namang makita na parehas silang nag-enjoy sa panonood ng gig. Isa rin sila sa nagpauso ng pagkaway-kaway sa ere kanina habang malungkot na kumakanta ang Silent Sanctuary ng Kismet.

Mukhang gugulo na ang mundo ko ng sobra.

"Lift your head, baby don't be scared~" paulit-ulit namang kanta ni Ivo ngayon habang nagdadrive. Binabagtas na namin ang tulay ng ilog Milagros pauwi.

Sumasabay naman si Buknoy sa pagkanta ni Ivo kahit puro umpisa lang naman ang kinakanta nila. Hays.

Napatingin ako ulit sa mga tala na nasa kalangitan.

'Pa, hindi naman pala masama. Hindi masamang magkaroon ng kaibigan.' bulong ko pa sa pinaka-makinang na bituin sa langit.

Bago lumiko si Ivo sa Sta. Ana Street ay bumusina ito hudyat na mauuna na syang umuwi. Bumusina naman pabalik si Buknoy bilang sagot.

Nang makarating kami sa bahay, may kinuhang papel si Buknoy sa box ng motor nya. Isang sticky note at isang ballpen. May sinulat sya doong mga numero at inabot sa'kin.

"Idecipher mo." ani nya.

"Wala akong alam sa codes. Anong code 'to?" tanong ko naman.

"Nihilist Number." maiksi nyang sagot habang nakatingin sa langit at nakasandal sa motor.

"Sabihin mo na lang kasi, pahihirapan mo pa 'ko." reklamo ko naman.

"Aralin mo. Madali lang yon, madedecode mo agad yan." sagot nya na ngayon ay nakatingin na sa'kin at malapad ang mga ngiti.

"Sige. Salamat." ani ko pa bago pumasok.

"Good night, master!" mahina naman akong napatawa dahil sa pagsigaw nya. Tahimik na kasi ang lahat at mukhang tulog na. Agad naman syang napatakip sa bibig.

"Good night." pabulong ko namang sabi.

Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit at nagbihis ng pantulog. Napatingin naman ako sa sticky note na nasa study table ko at binasa 'yon.

36-76-49-58-49-108-75-89
B   U   K   N  O    Y    Q   T

Buknoyqt. Tangina, anong kagaguhan to?

Dahil sa sobrang curious ko, nagsearch na ako kung paano isolve ang Nihilist Number Code at nakuha ko naman agad ang pattern nito.

    1  2  3  4  5
1  A B  C  D E
2  F G  H I/J K
3  L M N  O P
4  Q R  S   T U
5  V W X  Y  Z

B(12) - U(45) - K(25) - N(33) - O(34) - Y(54) - Q(41) - T(44).

36 - 12 = 24 (I)
76 - 45 = 31 (L)
49 - 25 = 24 (I)
58 - 33 = 25 (K)
49 - 34 = 15 (E)
108 - 54 = 54 (Y)
75 - 41 = 34 (O)
89 - 44 = 45 (U)

Napatanga ako nang maalala ko ulit lahat ng nangyari kagabi. Pinagtitripan nanaman ako ni Buknoy ngunit sa di malamang dahilan, kinakabahan ako at hindi ko alam kung paano sya haharapin sa susunod na magkita kaming dalawa.

Agad na akong bumaba sa salas at kumain. Nakita ko na rin ang note ni mama na nakadikit sa ref. Na kila Aling Aurora ulit si Daisy. Naupo na lang ako sa salas at nanood ng TV habang iniisip kung paano ang gagawin ko.

Shit.

60 Days Summer Of Rosa (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon