[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪] 𝚙𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡
Nandito ako ngayon sa isang bar, isa sa mga paborito kong bar para lang magpasunog ng baga at ilabas lahat ng sama ng loob ko. Tinawagan ko si Brian, yung bestfriend ko. Kakauwi niya lang galing ibang bansa at hindi niya alam gano ko siya gustong makita ngayon.
Naramdaman kong nakarating na siya sa bar, pero hindi ko siya nilingon. Nanatili parin akong nakayuko hawak hawak ang baso ko ng alak sabay lagok nito. Mukhang alam naman na niya agad na ako yung nakaupo sa table counter ng bar. Sumenyas ako sa barista upang makahingi pa ng shot.
"Anyare sayo ha?" saad niya at sumenyas din sa barista ng maiinom niya.
Hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong nakayuko. Dumating na ang inumin ko at agad ko naman itong nilagok. Napansin kong binigyan na din siya ng barista at tulad ko nilagok niya din ito agad at sumenyas pa ng isa.
"Alam ko pag-ganyan ka. Di ka umiimik at ako lang ang inaaya mo, ibig sabihin nun may problema ka, hindi ba? " sabi niya na ngayon ay diretsong nakatingin sa harap niya. Kahit nakanatili parin akong nakayuko at di siya tinitingnan, ramdam niya ngayon ang sama ng loob ko.
Si axl lang kase ang lagi kong takbuhan sa tuwing may problema ako. Di ko siya lagi inaayang mag-inom ng kami lang. Alam na niya agad na may problema ako lalo na pag siya lang yung inanyayahan kong pumunta.
At alam kong alam na niya kung bakit ko siya pinapunta dito.
"Puntahan mo si Millie" tanging tugon ko sa kanya. Hindi ko pa din siya tinitingnan at nilagok ulit ang alak sa harap ko.
Binanggit ko lang sa kanya ang lugar kung saan niya matatagpuan si Millie. Hindi na din siya nagtanong kung bakit, umalis nalang siya agad nang hindi ko na ulit siya kinausap.
Napangiti nalang ako sa sarili, habang nakayuko parin at mahigpit na hinawakan ang baso ko. "Bakit ikaw pa?" bulong ko sa sarili.
●♡🌺♡●
Si Millie, girlfriend ko fiancee ko na nga sana siya kung di lang niya pinaalam sakin ang lahat.
Nakilala ko siya nun sa Maltston University, kung saan kami nag-aaral nun. Hindi ko naman talaga siya ganun kagusto, naattract lang ako sa kakyutan niya at pagiging baliw niya.
Mas nakilala ko pa siya nun ng maging kaklase ko siya sa iilang major class ko. Nakasalubong ko siya nun sa room, papasok na ako at lalabas naman siya. Nabangga siya sakin, sa dibdib ko.
Mas matangkad ako sa kanya, samantalang tama lang ang tangkad niya. Nabigla siya sa pagkakabangga sakin at nag-angat ng tingin.
Matagal niya akong tinitigan at ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganun katagal at ganun kalapit. Mas kyut pala siyang tingnan sa malapitan, lalo na pag namumula siya.
"Sorry" sabi niya at dali daling lumabas.
Napakamot nalang ako sa batok ko at pumasok na sa loob. Umupo ako sa upuan namin ni Axl. Kaklase din namin siya, kaklase ko siya sa lahat ng majors since pareho kami ng kinukuhang course at nagkataon na pareho ang sched na nakuha namin.
"Uy Brian, ganda ng eksena niyo din ni Millie kanina sa pinto ah" pagkantyaw niya sakin. Hindi ko siya pinansin at hiniga nalang ang ulo ko sa bag ko na nakapatong sa desk.
"Para kang tanga axl" sabi ko sa kanya. Tinawanan naman ako ng mokong.
"Grabe Brian ha, halos lahat nalang ng babae dito gusto ka at ni isa sa kanila hindi ka man lang naging interesado? " saad niya. "Nagdududa na ako sayo pare ha" sabay tawa ulit niya.