Skylar's POV
Pagkatapos ng senaryong ginawa ko ay nagdire-diretso lang ako sa bakanteng upuan sa may bandang likod malapit sa bintana.
Ramdam ko ang matatalim na tingin sa akin ng mga kaklase ko
Pero dahil wala akong pakialam sa mundo, pinagsawalang bahala ko na lang iyon na parang wala akong nagawang kasalan sa lalaking naglakas loob na magbato sakin ng bola niya.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa may bintana tsaka pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad sa quadrangle.
Dama ko rin ang malamig na simoy nang hangin na humahaplos sa aking mukha.
Kinuha ko ang headset na nakakabit sa cellphone ko, saka ko ito pinasak sa tainga ko. Pinatugtog ko ang pinakapaborito kong kanta bago ko iub-ob ang ulo ko sa desk ko.
Hindi ako nakikinig sa lessons ng prof namin dahil una, alam ko na lahat yun dahil napag-aralan ko na yun dati. At pangalawa, dahil nakakaantok siya magturo. Sa tingin ko sapat nang dahilan yan para hindi ako makinig sa kanya.
Pinikit ko na ang mga mata ko saka ko pinakiramdaman ang paligid ko...
Maya-maya pa'y naramdaman ko ang isang matalim na tingin na nangagaling sa likod ko.
Psh, hindi na ako nagtataka dahil siya yung lalaking binato ko kanina. Hindi ko ba nasabi sa inyo na nasa likod ko lang siya nakaupo? Kung hindi pa, eh di alam niyo na ngayun na konti lang ang agwat naming dalawa
At sa totoo lang, napaka-ingay niya. Bulong siya ng bulong, Parang bubuyog
Nagtataka nga ako eh, kung lalaki ba ito o saliwat... Ang daldal eh, tinalbugan pa ako
"Aish!! ang sakit ng noo ko", sabi niya habang padabog na hinahanap ang kung ano man mula sa bag niya...
Paano ko nalaman? Simple lang, dahil pinapakiramdaman ko siya at ang paligid ko. Bata pa lang ako nang sinanay nila daddy ang sensory skills ko, kaya ganun na lang kalakas ang pandama ko ngayun.
Ilang segundo ang nakalipas bago siya tumigil sa paghahalungkat ng gamit niya
Buti naman at tumahimik na ang mokong na it--
"What the fvck!!, nagkablack eye ako dahil sa lakas ng pagbato ng babaitang yun!!"
Binabawi ko na yung sinabi ko na tumahimik na siya
Naging malala pa ata eh, dahil kung kanina ay puro bulong lang ngayun naman puro sigaw
At isa lang ang masasabi ko, napakaingay niya...
"Nasaan na ang babaeng yun!!"
Oh see, sumisigaw ulit siya... Duh~ kuya nasa harapan mo lang ako, hindi na kailangang sumigaw kasi ang lapit-lapit ko na sayo
"Tinatanong ko kayo kung nasaan na ang babang y--Oh andyan ka lang pala eh!"
Sa totoo lang, nagmumukha na siyang tanga kaya inangat ko na lang ang ulo ko at humarap sa kanya para makita niya ako. Tsk! may pagkabulag din pala ang isang ito...
Biruin niyo, nasa harapan na niya ako kanina pa pero hindi man lang ako nakita. Tsk tsk tsk, paano kaya kung hindi ko inangat yung ulo ko? baka hanggang ngayon nagsisisigaw parin siya sa classroom na ito. Hindi niya ba alam na nakaka-interrupt na siya sa klase? O sadyang attention seeker lang talaga ang lalaking ito.
"You!", sigaw niya sakin habang dinuduro-duro ako...
Tinitigan ko lang siya ng blanko mula sa mga mata niya kaya agad siyang napaiwas ng tingin sakin
BINABASA MO ANG
World So Cold
Acţiune"Please maawa ka sa anak ko, parang awa mo na...Ako na lang patayin mo" , pagmamakaawa ng lalaking nasa harapan ko ngayon Pasensyahan na lang, kung ano ang ginawa nila ganun din ang gagawin ko. Gantihan lang to.. "Sorry mister, but this is how I pay...