Cha's PoV
I got up from my bed and do my morning rituals. 5 AM palang pala, mukhang napaaga ang gising ko. Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako sa kusina para tignan kung ano ang pwedeng mailuto para sa agahan namin nila Raineer at Raniella.
Yup. Dito natutulog sa amin si Raniella dahil mas nakakagalaw daw siya kesa sa bahay ng Mommy at Daddy niya. Medyo strict daw kasi si Daddy.
Paano ba naman ang ingay-ingay kaya niya at kung kumilos akala mo hindi dalaga kaya nagagalit si Daddy sa kanya at pinagsasabihan siya.
Idagdag mo pa ang pagbili niya ng mamahaling aso niya na pagala-gala dito sa loob ng bahay.
Hindi rin mawala wala sa isip ko yung picture na nakita ko sa closet ni Raineer. Sumasakit na ang ulo ko nang dahil doon, dinadivert ko nalang ang sarili ko para makalimutan ko yun. Mas mabuti na sigurong wag ko nalang pansinin yon dahil nakalimutan naman na siguro ni Rain yun.
*sniff
*sniffBigla akong napasinghot dahil may naamoy akong mabango at nakakagutom, bigla tuloy akong napahawak sa tiyan ko. Goodness may nauna sa akin sa pagluluto!
Nang makarating ako ng kusina nabungadan ko ang lalaking nakatalikod mula sa akin at may pasipol sipol pa habang nagluluto.
Umupo ako sa high stool at nangalumbaba dito habang nakangiting pinagmamasdan siya. For sure hindi niya alam na nandito ako at pinapanood siya.
Napapangiti akong mag-isa habang tinitignan siya. Ewan ko sa sarili ko parang ang saya ng simula ng araw ko.
"Siguro nga tama ang naging desisyon ko na buksan ang puso't-isip ko para kay Rain at hindi ko pinagsisisihan iyon. Masaya ako sa naging desisyon ko, salamat sa bestfriend kong si Ella dahil kung hindi dahil sa kanya malamang sa malamang ay baka hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip ko.""Goodmorning my lady! " nagbalik ako sa wisyo ng bigla kong marinig ang boses ni Rain. Nasa harap ko na pala siya at ang ganda ng ngiti niya na minsan mo lang makita sa kanya.
"Goodmorning." Nakangiting tugon ko sa kanya. Mabilis niyang hinalikan ako sa noo ko na siyang nagpapatigil ng mundo ko tuwing gagawin niya iyon sa akin.
"Mahal ko na nga itong taong ito."Sabi ng isip at puso ko. Sa totoo lang ewan ko kung bakit ako nainlove sa taong ito nang hindi ko man lang nalalaman, e una palang hindi na maganda ang first impression ko sa kanya.
Siguro nga ganun talaga, hindi mo basta basta masasabing mahal mo ang isang tao kundi kusa mo nalang itong mararamdaman.
"Gutom ka na?" Tanong niya at inilapag sa mesa ang niluto niyang omelet which is parang yan lang ang alam niyang iluto na pang-umagahan. Jusme!
At may pancake pa pala siyang niluto, kinuha ko ito at yun ang kinain ko.
"Ayaw mo ng omelet?" Tanong niya at umiling ako. May laman bunganga ko e.
"Pffft. Wag subo ng subo wife, marami pa dito oh..."
Wife. Bigla tuloy akong napasimangot at parang nawalan ng gana sa itinawag niya sa akin.
"Ayoko na. Nawalan na ako ng gana." Bulalas ko at nagwalk-out paalis ng kusina. Sinundan naman niya ako at hinawakan sa braso ko.
"May problema ba? Hindi ba masarap yung pancake na luto ko? Kulang ba sa sauce o kulang sa luto?" Sunod sunod na tanong niya pero hindi ko siya inimik at bigla nalang napantig ang tenga ko nong magsalita ulit siya.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...